Sweet Lies 53

2.1K 58 46
                                    

53



Tahimik ang naging byahe namin pabalik ng Gibraltar. Hindi ko na siya kinibo. Wala akong maisip na sasabihin sa lahat ng nabanggit niya.

My mind is probably clouded again with thoughts. Hindi ko inakalang maiipit na naman ako sa ganitong sitwasyon pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko sa Korea.

Bumaba ako agad pagkahinto ng kotse sa carpark. Sumunod siya agad sa akin dala ang lahat ng paper bags na bitbit ko kanina.

Kahit sa lift ay hindi ko nagawang magsalita ng kahit ano. Nakayuko ako buong sandali.

Nang tumunog ang elevator ay lumabas ako at pumihit sa direksyon ng aking unit.

Kumabog ang dibdib ko nang maalalang dito nga rin pala siya nakatira. Dito mismo. Malapit sa akin.

Kinakapa ko ang susi sa aking bag nang ilapag niya sa sahig lahat ng paper bag. Saglit akong natigilan. Nag-iwas ako ng tingin at bumaling sa pintuan nang sa wakas ay nahugot ko ang susi.

Just in time before I opened the door, he spoke.

"Paris..."

Natigilan ako sa pagpihit ng doorknob. Napapikit ako nang mariin. Ayaw ko siyang lingunin. Ayaw ko na talagang makarinig ng mga salita galing sa kanya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi.

"Vince, please... Huwag muna tayong mag-usap tungkol dito." Hindi ko pa rin siya nililingon.

"Okay lang kung takot ka, Paris. I'll wait until you find the strength for this. For us."

Parang sinasaksak ang puso ko dahil sa mga naririnig ko mula sa kanya. I pursed my lips.

"You've figured it out once. You've found your reasons before. You'll do it again." He added. Narinig ko ang pagsinghap niya.

Bago pa ako nagpasyang lumingon ay narinig ko ang pagsara ng pintuan sa kanyang unit. Napabuga ako ng hangin.

Takot ako. Iyon lang naman iyon, hindi ba? Takot ka na naman, Paris.

And I get so unloveable whenever I feel afraid. I drive away people. Dahil takot ako. Takot akong maiwan. Takot akong makarinig ng mga kasinungalingan mula sa mga taong mahal ko. Kaya bago pa nila ako masaktan, tinutulak ko na sila palayo.

But something inside tells me that he's the game changer.

I always thought people would find me unattractive if I tell them to stay away. That they'd find me cruel... ruthless...

Pero hindi siya. Nandito pa rin siya hanggang ngayon. Why am I too blind to see that?

Dahil sa isang rason, hindi ba? Kasi takot ka, Paris.

Naiinis ako. Pabalik-balik at paikot-ikot lang ako. Hindi na ako makausad. Gustong-gusto kong sabihin sa sarili kong mali ang disposisyon ko sa buhay pero wala. I always get back to zero.

"You sure you won't attend the after party?"

He's talking about the success of our Camarillo project. Nabigyan namin ng hustisya ang magaganda nilang produkto. Different markets are already vying for their products.

Tuwang-tuwa ako dahil sa wakas ay natapos. We're on for the next project.

But more than that, medyo nabawasan ang kaba ko sa araw-araw. The end of Camarillo project means the end of Vince's contract with Luminance. I'm sure he'll get back to Lunace Korea after this.

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon