Sweet Lies 25

2.6K 79 64
                                    

25





Naka-ilang balik na ako ng lakad sa loob ng kwarto. Hindi ako mapakali.

Para akong kinakabahan, naiirita, hindi ko mapaliwanang kung anong nararamdaman ko ngayon.

"Will you stop walking around, Paris? Nahihilo ako sa'yo utang na loob," reklamo ni Vidette.

Nilingon ko siya. Nginiwian niya ako. Bumuntong hininga ako bago sumalampak sa carpet. Hinigaan ko ang maraming stuffed toys at throw pillows.

"Sasabihin mo ba 'yan sa akin o huhulaan ko na lang?" dugtong niya.

Ngumuso ako saka lalong sinubsob ang mukha ko sa mga teddy bears.

"Alam mo naman kung ano e..."

"Hay nako. Ayaw kong magcomment diyan. You wouldn't hear me out anyway."

Napasinghap na lang ako nang malalim. Umayos ako sa pagkakaupo.

Iyon nga ang mahirap sa akin. Pipiliin ko talagang huwag siya pakinggan.

Alam ko kasing sasabihin lang ni Vidette na ituloy ko ang nararamdaman ko kay Vince.

Nararamdaman kong magkaiba ang sinasabi ng puso at isip ko.

I don't even want to confirm what my heart says. It sucks.

It sucks that the whole truth about my feelings might let me do outrageous decisions again.

Tatayo na sana ako para bumaba sa kusina nang magsalita uli si Vidette.

"Alam mo... Mahirap magpigil." Nilingon ko siya. "Kasi 'di ba? Ang gutom kapag pinigilan mo, ulcer ang abot mo. Kapag ang ihi, pinigilan mo... Magkaka-bato ka. At kapag iyan." Tinuro niya ang dibdib ko. "Kapag iyan ang pinigilan mo... Hindi lang sakit sa puso aabutin mo nyan." She shrugged.

Hindi ako makapalag. Siguro kasi alam kong tama siya. Ang hirap pigilan.

Siguro kasi nakakaramdam nga talaga ako ng sakit. Nasasaktan ako kasi magkaiba ang gusto kong mangyari sa tamang gawin.

Na ang mahirap gawin at ang tamang desisyon ang magkapareho. Ang umiwas.

Pero tama ba talagang iwasan ko lahat ng ito? What if it's the other way around?

Umupo ako uli sa kama. Ngumuso lang ako kay Vidette. She rolled her eyes again.

"Oh don't you show me that face, Agravante."

"Hindi nga kasi pwede. Magkaibigan sila ni Aldrev. At kung..."

"Kung ano? Kung itutuloy mo iyan, may magagawa ba si Aldrev? Wala naman, 'di ba?"

Bumuga uli ako ng hangin. I'm not a huge talker.

I have a lot of thoughts, though. I carry an inner monologue inside me and often times, words don't reach my lips.

Gusto kong magrason pero alam ko rin namang para sa kanya tagilid ang mga rason ko.

Do I really need to be this ruined and broken just to keep someone whole?

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon