46
Vidette and our other friends stayed for two weeks. For fourteen days, memories from good old days came rushing.
Noong mga panahong sa Bistro kami naglalagi pagkatapos ng trabaho. Iyong pagbi-bake at pagdadala ko ng cake sa FG. Lahat. Lahat ng mga nakasanayan ko sa Pilipinas. I suddenly missed all of it.
"Sigurado ka ba? Na wala ka nang ibang namimiss? Wala kang bilin o kahit ano?" I sensed Allan's mockery.
Siniko siya ni Jaycee. Ngumiwi ako ngunit ngumiti rin.
I know what he meant by that. Sa loob ng dalawang linggong pamamalagi nila rito ay ilang beses nilang sinubukan mag-umpisa ng topic tungkol kay Vince.
I just shrug whenever I hear his name from them.
"Hay nako, wala kayong mahihita dyan..." Umirap si Vidette. "Tsaka wala naman na rin tayong balita sa ano na iyon. He's gone in Alaminos long after Paris was based here." She added.
Natigilan ako. Vidette told me this before. Aniya'y matagal nang wala sa Alaminos si Vince. Hindi na ako nagtanong sa ibang detalye.
Winaglit ko agad ang nasa isip ko na iyon.
"When are you visiting?" Sumingit si Debbie. Hinawakan niya ako sa braso.
Kinagat ko ang pangibabang labi ko.
I really have no idea when. I don't even know if I'm ready to go back. I mean, of course, I miss Philippines. But I think I need to reassess myself.
"I know that look..." Umiling si Vidette. "Kung wala ka pang balak, just tell us. Dumito ka na lang sa Korea tutal naenjoy mo na ang snow at baka nakasalubong mo na si Lee Min Ho sa streets ng Seoul. Dito ka na forever." She rolled her eyes.
"Vids..." paglalambing ko. Inakbayan ko siya.
Pabiro siyang umirap. Our friends giggled.
"Sige na. Dadalaw ako. Gagawa ako ng paraan."
Napabaling silang lahat sa akin. Halos pumalakpak ang tainga ni Allan at Jaycee sa tuwa. Debbie literally screamed out and hugged me.
"Wala nang bawian ha!" Kumalas sa akin si Debbie.
Napalinga tuloy ako sa paligid ng airport kung saan kami nakatayo. Naaagaw na namin ang atensyon ng iba! It's good that Koreans don't undestand Filipino language.
Hinihintay lang namin ang oras at magchecheck-in na sila.
"Wala nang bawian. I'll just tell you guys when." Ngumisi ako.
Nag-approve sign sa akin si Allan at Jaycee. Nilingon ko si Vidette. Nakabusangot pa rin.
"Huy..." Siniko ko siya. "Uuwi na nga ako, oh."
"Fine." Umirap uli siya. "Basta magdala ka ng maraming Korean Ramyun ha!"
Napahalakhak kaming lahat. Look at this woman! Nagtatampo dahil hindi ako makakauwi pero may hidden agenda pala. She got addicted with this Korean Ramyun. She's impossible!
"Girl, hindi pa ba sapat ang iuuwi natin ngayon? Halos pinakyaw mo kaya iyong ramyun sa grocery ng Incheon!" Nagreklamo si Allan.