Sweet Lies 35

2.3K 64 38
                                    

35



Kumunot ang noo ko. Nagkamot muna ng ulo si Joey bago siya nagsalita.

"E, Miss Paris. Ako na raw po ang magda-drive ng kotse niyo pauwi. Andoon po sir... Siya raw po maghahatid sa inyo."

Nginuso niya ang kaliwang bahagi ng car park. Nilingon ko iyon agad. Hindi na ako nagulat sa bumungad sa mga mata ko.

It's him, leaning on his Trailblazer.

That long sleeve polo with two buttons opened really distracts my focus. Napaiwas ako ng tingin. Mabuti na lang at hindi pa niya napansin ang paglabas ko sa glass door.

Napakagat ako sa labi. Napailing ako at napayuko.

"Ito iyong susi, Joey."

Bumaling ako sa kanya at ibinigay ang susi ng Fresto. Tumango siya.

Hindi na rin ako nagreklamo dahil madalas naman niyang pinapa-maneho kay Joey iyon lalo na kapag sinusundo niya ako.

It's been six months. Buwan na ng Agosto ngayon.

Nothing much has changed. He's still the same guy who surprises me now and then.

And guess what? He turned out really close to Teacher Loidel. I have no idea how it happened.

"Huwag ho kayo mag-alala, Miss Paris iingatan ko po. Ibibigay ko na lang kay Selyo itong susi." Ngumiti siya.

Ngumiti ako pabalik bago pumihit sa direksyon ni Vince. Suminghap muna ako ng isang beses.

Mabilisan kong dinungaw ang aking sarili saka hinaplos ang buhok. This pencil skirt I'm wearing right now is such a five out of ten.

Kung wala lang kaming dinaluhan ni Allan na Tourism Talk kanina ay hindi ko ito isusuot. It's kind of tight.

Nag-ayos siya ng tayo agad nang mapansing papalapit na ako. Sumilay ang isang ngiti sa kanya. Sinuklian ko iyon.

As usual, my heart is skipping a beat again. Those eyes of him make my system go nuts.

Gusto-gusto ko ang mga iyon ngunit natutuliro ako sa kanila kapag nakatuon na sila sa akin.

"Hi," bungad niya.

Nakaangat ang dulo ng kanyang labi. Nakasandal pa rin siya roon habang naka-ekis ang kanyang dalawang braso.

Saka lang ako natauhan. Tumikhim ako saka napagsalubong ang dalawang kilay.

Para bang kung makatingin siya ay may nakakatawa. His amused look is really something.

"Akala ko hindi ka dadaan ngayon..."

That's what I expected. Hindi rin kasi siya nagtext maghapon kaya't hindi ko rin inasahang magpapakita siya ngayong araw.

My eyebrows shot up while waiting for his answer.

He just shrugged. Pagkatapos ay umalis siya sa kanyang pagkakasandal.

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon