Sweet Lies 51

2.3K 67 32
                                    

51



"Mr. Montemayor. T-This is not a place for personal matters. If you want to talk about business, about Lunace or Camarillo t-then..."

Napalunok ako. I don't know how to end my sentence. His eyes were so intense and it's melting my words.

Nagawa ko pa ring sabihin iyon nang diretso ang tingin sa kanyang mga mata. Sa tingin ko ay pwede akong himatayin dahil sa lapit ng mukha niya sa akin.

Why is he doing this? I get it, alright? It wasn't his fault. But it wasn't mine, too!

Tinapos ko sa mabilisang paraan ang lahat ng tungkol sa aming dalawa ng walang pasubali. Dahil masyadong masakit ang nakita ko sa mga litrato. Hindi ko na kinailangang kausapin siya para makipag-break.

Pero hindi ibig sabihin na wala akong sinabing hiwalay na kami, ay walang natapos na relasyon!

I blocked him on social media sites, I changed my line, I even told Vidette that time to lure him away in case he asks for my whereabouts. Dapat ay doon pa lang, malinaw na iyon sa kanya!

Napaisip tuloy ako kung gaano siya nagpursige para alamin ang mga rason ko. Pero hindi na importante iyon ngayon.

It's been years for heaven's sake. We were done a long time ago. May sarili na siyang buhay at natagpuan ko na ang tunay na ako sa Korea.

Ano bang problema niya ngayon? Can't he see? It's a total different story now! Things have changed!

"Oh, really? So where's the right place? Because I want us to talk. Not about Lunace, not about Camarillo, not even a bit about this fucking business barrier set in between us that makes me your employee. I don't want that."

His eyes showed anger. Para bang galit na galit sa sitwasyon. Lalong nagbuhos ng kaba ang loob ko at hindi ko alam kung paano ako gagalaw.

I'm still in between his arms! Ang isang folder sa aking likod kung saan ko naipatong ang aking kamay ay nalukot na.

Napayuko siya at mariing napapikit. He freed me from his arms. Umayos siya sa pagkakatayo ngunit nanatili ang mga mata niya sa akin.

I fixed my office skirt. Bahagyang umangat iyon dahil sa pagkakahilig ko sa mesa.

"Say something, Paris."

Natigilan ako ngunit nasa office skirt ko pa rin ang mga mata ko. I don't frigging know what to say. What would I tell him? I wasn't ready for this confrontation!

"Vince..." I bit my lips.

Umangat ang tingin ko sa kanyang dibdib. I can't look at his eyes. Parang may kung anong mahika doon at sa tuwing nababaling ang paningin ko, nawawala ako sa reyalidad.

"Halos limang taon na Vince. Alam kong walang may kasalanan sa atin. Pero... P-Pero ang tagal na no'n. Don't you think? I forgave you already, alright?"

My eyes involuntarily moved and voila, his deep, asphalt eyes intensely stared at mine.

He faked a giggle. Umiling siya na para bang imposible lahat ng sinabi ko sa kanya. I can barely swallow right now. I don't know.

"Why is it so easy for you? We separated because someone deceived us, Paris. Hindi pa ba maliwanag sa'yo iyon?" Kumunot ang kanyang noo sa akin.

"Pero limang taon na, Vince. Wala na rin mababago kahit nalaman natin iyong totoo. Nagalit ako sa'yo, oo. Nawala tayo pareho sa isa't isa at oo, walang may kasalanan sa atin. But it's been almost five years, let this one go... We need to focus on our separate lives."

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon