29
Kumuha siya ng dalawang plato. He garnished it with fresh lettuce and carrots. May sliced pipino rin sa gilid.
Humalumbaba ako habang pinapanood siya sa ginagawa niya. Impressive.
What are the things he can't do? I was thinking... He's near perfect.
He owns two businesses. Restaurant and an automotive shop. Kaya niyang magmekaniko. Model siya. Nagvo-volunteer siya sa isang charity.
He can even make his own mustard sauce. Now he's garnishing this plate like he's a culinary graduate?
Come, on... Hustisya. Nasaan ang hustisya? Kinuha na niya yata lahat ng good qualities ng isang lalaki.
"Staring game too strong, huh?"
Napabalikwas ako sa pagkakahalumbaba nang sabihin niya iyon. Napalunok at umiwas ng tingin.
"A-Ang galing mo kasi mag-hiwa ng ano. Ng... ng pipino."
Pumihit na lang ako at tumungo sa lagayan ng mga baso. Napapakit ako ng mariin.
"You idiot..." bulong-bulong ko sa sarili ko.
I heard him giggle. Oh, please... Not that giggle.
May gamot kayang available para i-control ang attraction para sa isang tao? Kung mayroon man, lalaklakin ko talaga.
Pagbalik ko sa mesa ay nakaupo na siya roon. He's widely smiling. Iyong nakakalokong ngiti?
"Tapos na?" Umupo ako sa harapan niya.
Tumango siya saka inilapit sa akin ang platong laman ang dalawang sandwich. Kumunot ang noo ko.
"Two for you. One for me." Nagtaas-baba ang kanyang kilay.
"Two for me?" Halos matawa ako.
Anong two for me? Nababaliw na ba siya?
"Two for you. Look at your clavicle." Nginuso niya ang collarbone ko. "They're showing. You should eat."
"Excuse me?" Hindi ko napigilan ang tipid na halakhak. "Just because my clavicle is showing doesn't mean I don't eat. Tsaka... clavicles are sexy."
Nagkibit ako ng balikat. Dinampot ko ang isa sa dalawang sandwich at kumagat doon.
As usuaI, masarap pa rin. Mas masarap pa yata ito kaysa sa nauna kong natikman.
Nag-angat ako ng tingin. I noticed his unrelaxed eyebrows. Nagsitayuan ang balahibo ko. I became conscious.
"You know you don't need to be sexy. You're fine more than that." He shrugged.
Bahagya akong natigilan habang ngumunguya. Kumagat na rin siya sa sandwich. Nang magkatinginan kami ay nag-taas siya ng kilay.
"What?" He mumbled.
"H-Ha?" Umiling ako. "W-Wala. Wala. Ang... sarap kasi."
Yumuko na lang ako sa plato at uminom ng tubig. I'm.... fine more than that? Ano bang mga sinsabi niya sa akin? He should stop saying words like that.
"Talaga? Masarap?"
Napabaling ako. Napakagat ako sa labi saka tumango.
"Finish it then..." dugtong niya.