24
Hinalikan ko siya sa noo. Dahan-dahan siyang kinuha ni Vince sa pagkakahiga.
She got tired from running around and playing with us. She's too energetic. Maging ako ay napagod.
Nakatulog siya sa kalong ko habang nakaupo kami rito sa sofa ng lobby.
Tumayo rin ako para sundan silang dalawa. I can't help but feel happiness inside.
Sana noon ko pa rin nakilala ang mga bata rito. Sana noon ko pa sila nabigyan ng mga laruan, ng mga damit...
"Sobrang napagod yata si Chichi ngayong araw..."
Sumalubong sa akin si Sister Daisy sa pintuan ng kwarto ng mga bata. Siya ang punong taga-pangasiwa rito sa Home for the Homeless.
"Oo nga po. Masyado po siyang nawili," sagot ko.
Sabay kaming napangiti habang pinagmamasdan si Vince. Ipinahiga niya si Chichi sa kanyang kama.
Alas kwatro na ng hapon. I lost track about the time since we got here. Masyado rin akong nawili sa pakikipaglaro.
Nakakawala ng stress kapag mga bata ang kasama mo. Nakakalimot ng pagod.
I wish I could be just like them. Shallow happiness, easily pleased... Walang ibang iniisip kung hindi ang laro at mga kalaro nila.
Kahit pa sabihin nating iniwanan sila ng mga tunay nilang magulang, masaya sila. At mababakas iyon sa tuwing ngumingiti sila sa'yo.
Pumihit ako para bumalik sa lobby nang makitang nailapag na siya ni Vince. Sumabay sa akin si Sister Daisy.
"Salamat sa mga laruan at mga damit na ibinigay ninyo, iha..."
Nilingon ko siya kasabay ng isang ngiti. Tumango ako.
"Walang anuman po, sister. Kung hindi rin naman dahil kay Vince, I wouldn't know about this organization."
"Mabait iyang si Vince." Sabay kaming umupo sa sofa. "Maswerte ka sa kanya. At maswerte rin siya dahil nakikita kong mabuti ka ring tao."
"Naku sister!" Napailing ako agad sa sobrang gulat. "H-Hindi po. Nagkakamali po kayo ng iniisip." Sumilay ang isang ngiting aso sa mukha ko.
Seriously? Paano naisip ni sister iyon? We? An item?
"Hindi?" Kumunot ang kanyang noo. "Talaga ba?"
Pinilig niya ang ulo niya saka tiningnan ang pintuan ng kwarto nina Chichi. Umiwas ako ng tingin.
"Kapag tinitingnan niyo kasi ang bawat isa... Parang kapag tinitingnan ng mga madre ang banal na krus."
Napabaling ako. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Napalunok ako ng isang beses. Ano ba 'to?
"H-Ho?" Iyan lang ang nasabi ko.
"Punong-puno ng saya." Isang matamis na ngiti ang kasunod no'n. "Minsan... Hindi kayang itago ng mga mata ang mga bagay."
"Sister..." untag ng isang babae.
Napabaling kami sa isang katiwala. Nasa likuran na pala namin siya.
"May potential adopters po sa opisina. Gusto po kayong makausap."