8
"What do you want?" bulong niya kay Aemy. Well, yea. I still heard it.
"Pesto," sagot ni Aemy. Nakatuon siya sa cellphone.
I was looking at the menu in front of me. Hindi pa dumadating si Vidette. Nagpalusot na lang ako na may kinuha siya sa kabilang building.
Kumukunot ang noo ko habang binabasa ang mga nakasulat.
"Taal Rice with Boom Pao?" Halos matawa ako nang binasa ko iyon nang pabulong.
"Gusto mo iyon?" Napabaling ako sa tanong ni Vince. His eyebrows went up.
"U-Uhm, is it good?" tanong ko. Bahagya akong nagulat dahil narinig niya pala akong bumulong.
"Did you eat breakfast?" tanong niya pabalik. Kumunot ang noo ko.
"Guys I'll just take this," singit ni Aemy. Tumayo siya agad para sagutin ang isang tawag.
"Y-You were asking..."
"Kung kumain ka ng almusal." Pinagsiklop niya ang kanyang mga palad sa mesa. He bit his lower lip.
"Hindi pa," diretso kong sagot. Still with my furrowed eyebrows.
"Then you should order that. Taal Rice with Boom Pao. It's a special fried rice. May kasamang special siopao. Medyo heavy but that's just fine." Tipid siyang ngumiti.
"A-Ahhh." Tumango ako, "The name's a little weird, though. Pero s-sige. Iyon na lang." Ngumiti ako pabalik.
Tumango rin siya at tinawag na ang waiter. Habang sinasabi niya ang mga order ay naaninag ko na si Vidette.
Finally. I was about to text her. Mabuti naman at dumating na rin siya.
Kahit papaano ay nako-control ko na ang abnormality ng heartbeat ko.
Pero mas maganda kung nandito siya. Maibabaling ko sa kaingayan niya ang atensyon ko.
"Paris!" tili niya mula sa front door. Napabaling kahit si Vince sa kanya.
As usual, she woudn't be Vidette if she's not loud. Dumiretso siya sa table namin.
"Sorry medyo natagalan. May kinausap pa kasi ako sa kabilang building," dugtong niya. She winked at me.
Mabuti na lang talaga at madali siyang kuntsabahin. Kung hindi, malamang kanina pa ako nabuking ni Aemy at Vince.
"Hi, Vince!" Bumaling siya kay Vince at kumaway. Ngumiti si Vince pabalik.
Nag-iwas ako ng tingin at ibinalik muli ang pansin sa menu. I'm still skeptic about the food he suggested. Hindi rin naman kasi ako masyadong gutom.
End point? I ordered Taal Rice.
Ganoon pala iyon kadami. Isang malabundok na serving ng special fried rice at isang large special siopao. Ni hindi ko nakalahatian. But it's good.
"Paris, ayaw mo talaga nito? Ang sarap kaya. Tikman mo," utas niya at ini-amba ang tinidor para subuan ako.
Hinawi ko ang kamay niya. "Busog ako, Vids. Ubusin mo na iyan para makaalis na tayo," bulong ko sa kanya.