2
I'm sure he already made hundreds of women cry. Porma pa lang ng paglalakad niya, heartbreaker na.
Wait? Why do I sound like I have been through heartbreaks from womanizers before? Ni hindi ka pa nga nagkaboyfriend, Paris!
Nang ilang hakbang na lang siya ay nakita ko ang nakakunot niyang noo. Siguro dahil sa pagtama ng init ng araw? I don't know. He's... He's still...
"Hi!" Naputol ang iniisip ko sa tili ni Vidette. My God.
Napanuod ko kung paano napawi ang kunot niyang noo at napalitan iyon ng maamong mukha. His hands are in his pocket. Nakaangat ang dulo ng kanyang labi.
"Car keys," untag niya. Iniabot niya ang susi. He bit his lips. "You dropped it there." Tinuro niya ang hagdan sa entrance ng tower. "Pinulot ko."
Kumunot ang noo ko at agad akong bumaling sa hawak kong susi.
"Shit," bulong ko. Ibang susi ang hawak ko!
Padarag kong naagaw iyon sa palad niya. His eyebrows immediately shot up.
"Nako! Ang bait mo naman! Salamat ha? Minsan kasi careless 'tong kaibigan ko, eh..." Yea, right. Vidette.
"Thank you." Bahagya kong iniangat ang susi ng kotse. "Nalaglag ko siguro kanina habang kinakapa ko sa bag."
Tumango siya. "Yea. It happens. Ingat na lang next time." Ngumiti siya.
He saluted. Pagakatapos ay naglakad na papasok ng tower.
Saglit akong naestatwa. Nang matauhan ako ay napailing ako. What was that? I mean, I don't usually get through "freeze" state with boys. Weird.
Napalingon ako sa Camry niya at nakita ang sticker sa likod.
It's a GNS Auto sticker. Kumunot uli ang noo ko. Sa Alaminos Pangasinan lang niya pwedeng makuha ang sticker na iyon.
Unless may ibang branch ang GNS Auto somewhere in south? Or he's also from Alaminos? But what is it to me now?
"Huy! What's wrong with you? Sakay ka na kaya, hottest driver in Manila." Humalakhak siya ulit. Sinara niya ang frontseat door.
Umiling ako bago sumakay. Pinatunog ko ang makita ng aking Ford Fresto at hindi ko na lang pinansin ang panunuya ni Vidette. I'm so ready for that six-hour drive!
"Natulala ka sa gwapong iyon noh?" Humagikhik siya sa gilid ko. We're in EDSA. Sagad ang traffic.
"What? Anong natulala?" natatawang sagot ko. Well... natulala nga ako. Pero wala lang iyon.
"Oh, come on. Paris. You don't usually get that "freeze" state with guys." Humalakhak siya. "That's a first."
"Cut it out. Bugaw forever ka talaga." Napahalakhak na rin ako. "Stop pushing me to get a boyfriend."
Pagkasabi ko no'n ay eksaktong gumalaw ang mga sasakyan sa harapan. Hindi ko na ulit pinansin ang mga pang-aasar niya. I'm sure I won't see that guy anymore.
Malamang ay may dinalaw lang siya sa Rosewood. Maybe a friend. Or maybe his girlfriend?
Nakatulog si Vidette mula NLEX hanggang sa nalampasan namin ang Tarlac. It's a good thing she's asleep while I'm driving. Walang nag-iingay. Walang nang-aasar.
BINABASA MO ANG
Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016
Literatura FemininaBook 2 of Sweet Series