Sweet Lies 20

2.5K 68 44
                                    

20





I sat in front of Debbie. Nasa may counter si Aldrev na ngayon ay kausap ang isa sa mga server.

"Where the hell is Vidette?" bulong niya sa akin.

"Why are you asking me? Sabay kayong bumaba hindi ba? You both came here first," bulong ko pabalik.

I checked my phone's time. Isang oras at kalahati na lang ay Noche Buena na. Now where is that girl now?

Napaisip tuloy ako kung anong ginawang kabulastugan ng Ecker na iyon kay Vidette. Hindi magiging mailap ng gano'n iyon kung wala siyang maling ginawa.

Inilibot ko ang mga mata ko sa buong venue. It looks solemn but full of colors. Modernisado ang mga palamuti sa hotel restaurant. An instrumental Christmas song is playing from the stereo.

Halos lahat ng nasa venue ay nasa table for two. Maybe newly wed couples na mas piniling i-celebrate ang Pasko ng silang dalawa lang. Mangilan-ngilan lamang ang grupo o di kaya naman ay pamilya.

Tinuon ko ang pansin sa mga platter na nakahain sa mesa. Napasinghap ako. Carbs na naman. Nasabi ko sa isip ko.

Dalawang araw pa lang kami rito pero pakiramdam ko, ang taba ko na.

"Ayan na pala si Vidette oh." Nakabaling si Debbie sa entrance.

Nilingon ko agad iyon at nakita si Vidette na mukhang may malalim na iniisip. She immediately smiled when she saw us.

Siguro pagka-uwi namin ay tatanungin ko kung anong mga gumugulo sa kanya. She's really distracted about something.

"Saan ka galing?" salubong ko sa kanya. Umupo siya sa tabi ni Debbie.

"Oo nga. Pagbalik ko kanina galing cr nawala ka bigla. Saan ka nag-suot?"

"Dyan lang." Nagkibit-balikat siya. She reached for the churros served. "Hmm! It's good. This chocolate dip is good. Try niyo," aya niya sa amin.

Nagkatinginan kami ni Debbie habang kumakain siya ng churros. There is something wrong. I should know.

There are two things Debbie can't hide from me. One, is when she's pissed at something or someone. Two, is when something's bothering her. Malalaman mo iyon agad sa kanya kapag may tinatanong ka at tila umiiwas siya. She's been doing that stunt lately.

Natigil ang mga nasa isip ko nang bumalik si Aldrev sa mesa. He's widely smiling at me. I smiled back.

Heto na naman ako sa mga pitik sa dibdib na nararamdaman ko sa tuwing ganyan siya kalapad makangiti.

It's like I'm doing something wrong. It's like the whole thing about me and him, about us, is wrong.

But how can I confirm that to myself? How can I do that? Ni wala akong basehan.

Basta ang naitatak ko lang sa isip ko ay itutuloy ko itong sa amin hangga't sa may kahinatnan. Gano'n naman daw iyon, hindi ba?

Kahit wala pa akong karanasan, alam kong pwede mo rin matutunan mahalin ang isang tao. Just as long as he's showing affection constantly.

Hinihintay ko iyon. Hinihintay kong maramdaman ko iyon kay Aldrev. Alam ko... Darating din ako sa oras na iyon.

Sigurado ka nga ba, Paris?

Kumunot ang noo ko. Oh, come on. Paris. Why do you even let your conscience ask stupid things like that?

"Dadating 'yong ibang order maya-maya," untag niya. Umupo siya sa tabi ko.

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon