Sweet Lies 44

2.1K 60 34
                                    

A/N: I used Hangul/Korean words/phrases in this chap. Please visit Google Translate/Google kung kayo ay curious sa meaning. Lolszxc.

44


Lutang ang sistema ko sa mga sumunod na oras. Hindi ko na nga alam kung oras pa ba ang lumilipas o araw na.

Nawalan ako ng lakas para sa kahit anong bagay. Hindi ko mahugot sa sarili ko kung anong susunod na hakbang para sa lahat ng nalaman ko.

Parang binuo ako uli ng mga kasinungalingan, pero winasak naman ako ng mga katotohanan.

How is that even possible? That lies will make you whole but the truth will break you.

Why is there too much irony in my life? Why do lies even exist? Hindi ba tayo pwedeng mamuhay na puro katotohanan lang?

Aminado akong minsan ay nakakapagsinungaling ako ngunit hindi ganito.

I don't intend to lie in exchange for a life. When you tell lies to steal one's life, that's a whole different story.

I gathered all the strength before to cut my sweet lies to Aldrev. Inamin ko.

Pero bakit nakakaya ng iba na magsinungaling sa mahabang panahon? Pwedeng dahil sa pagmamahal? That is complete and utter bullshit. Kung mahal mo, hinding-hindi ka magsisinungaling.

Bakit nila ako kinuha sa mga magulang ko? Bakit hindi nila ako binalik? Bakit nila ako nilayo? Bakit ipinagkait nila sa akin ang buhay na dapat ay para sa akin?

Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan. Gusto kong magtanong. Kung totoo ba lahat ng narinig ko galing sa babaeng iyon. But how can I do that? How will my questions reach dead people?

"Paris, you need to eat."

Halos hindi pumasok sa pandinig ko ang sinabi ng nagsalita. I've been staring at the ceiling for God knows since when.

Pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung paano gigisingin lahat ng sistema sa katawan ko.

"Unnie... dangsin-eun gwaen chanh-a yo?"

Someone held my hand. Naramdaman ko iyon at pinilit kong lingunin ang nasa gilid ko.

"Unnie. Aldrev hyung told me you're sleeping."

She shook my hands. Hindi ko magawang magpakita ng kahit anong ekspresyon.

"But you're awake, right? Can we play outside? I promise I'll be good!"

"Sid... Go to omma first. Unnie still wants to rest."

"Hyung! But omma's not here!"

Kumunot ang noo ko nang makaramdam ako ng isang mahigpit na yakap. Matagal. Malalambot na bisig at palad ang dumampi sa akin.

"I will wait until unnie plays with me."

Naaninaw ko ang malapit niyang mukha sa akin nang kusang umangat ang aking kamay.

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon