52
"Hanggang dito ba naman?"
Naagaw agad ni Levence ang atensyon namin ni Vince nang sumulpot siya sa hallway. He's walking towards us.
Nilingon ko si Vince at naabutang naka-igting ang kanyang panga. His muscles unrelaxed. Parang handang sumuntok o ano.
Levence got my attention back when he's finally in front of me. Pumagitna siya sa amin ngunit matalim na tumitig kay Vince.
"Is this psycho bothering you again?"
Vince flashed his annoying smug. Hinila ko ang braso ni Levence ngunit hindi siya nagpapigil! Maangas nilang tinitigan ang bawat isa.
Halos maghalikan na silang dalawa. God, another brawl!?
"Levence." Ma-awtoridad ang aking tono.
Nilingon niya ako. Umamo ang kanyang mukha.
"Where are you going? Ihahatid na kita para hindi ka guluhin ng—"
"Come on..." Vince giggled. Napabaling kami ni Levence. "You seriously don't know what's happening. Just shut up." His jaws clenched.
"Paris, bakit ba 'to nandito? You allowing a stalker this early?"
"Stalker your ass, man. I live here." Sumingit si Vince.
Marahas na bumaling si Levence sa kanya. Ngunit bago pa siya makaangal ay hinawakan ko uli ang kanyang braso.
Vince maintained his composure. With his arms crossed, he just stood there. Nakakaasar ang hitsura niya kung tutuusin.
"Ako ang maghahatid kay Paris." Humakbang si Vince ng isang beses.
Umawang ang aking bibig. He said what?
"Sino ka ba? Why do you bother her?" Humarang si Levence. "Ako ang maghahatid."
"Ikaw? Sino ka rin ba? You're just a co-worker."
"And who are you? You're just a model."
Nagkalapit na naman sila kaya napilitan akong itulak ang dibdib nilang dalawa para mapag-layo sila. I'm not a referee for heaven's sake! But they always seem to beat the ass of one another everytime they see each other! Ganito ba sila kapursigido makipag-basag ulo?
"Pwede ba! Kung mag-aaway kayo, huwag ako ang gawin niyong rason! God, these immature people! Walang maghahatid sa akin!" Pinandilatan ko silang dalawa.
Natulala sila kaya't pinanood lang nila akong nagmartsa sa tapat ng elevator. Hindi ko na sila nilingon. Sa peripheral view ko ay si Vince ang unang gumalaw mula sa kinatatayuan niya.
Napabuga ako ng hangin nang sa wakas ay nakapasok ako sa loob ng lift. That is wild! Pangatlong beses na silang muntik nagkasuntukan!
I mean they can fight, alright? I don't care if they want to damage their faces. Basta hindi ako ang rason at hindi sila sa harap ko mag-away.
Bago pa mag-sara ang pintuan ng elevator ay may humarang na kamay doon. It automatically opened again.
And hell... It's Vince. Kasunod si Levence.
"Anong ginagawa niyo?" Pikon na pikon na ako. Kunot-noo ko silang binalingan.
Nasa kanan ko tumayo si Levence. Nasa kaliwa ko si Vince. Paulit-ulit kong tinitingala ang bawat isa sa kanila.
"We won't fight." Vince started.
He cleared his throat. Diretso ang kanyang tingin sa floor numbers.