Sweet Lies 6

3.1K 86 45
                                    

6




Unrequited love. Iyan na siguro ang pinakamasakit na klase ng pag-ibig.

Iyong papaniwalain ka ng pagkakataon na kaya ka rin niyang mahalin. Iyong papaniwalain mo ang sarili mo na kaya mong maghintay.

"Nasaktan din iyan. Kaya nga lang... wala, e. 'Yong kakambal niya ang mahal ni Aemy," dugtong ni Allan.

I feel a little tipsy, though. Freaking cocktail mix experiment. Nandito kami sa kusina para kumuha ng ice.

Paputol-putol ang kwento niya tungkol kay Vince, Stanley, at Aemy. Kinukwento niya lang kapag naiiwan kaming dalawa sa sala, at ito... Kapag kumukuha kami ng ice dito sa kitchen.

I don't have an idea what urged him para ikwento iyon. Pero hindi naman ako madaldal na tao, hindi ko ipagsasabi kung anuman ang mga sinabi niya.

I feel sorry for Aemy and Stanley—Vince's twin. But of course, I also feel sorry for Vince. Sa tingin ko ay bukod sa dalawa, nasasaktan din siya ngayon.

Na-guilty tuloy ako sa mga naisip ko noong una ko siyang nakita. Kung si Aemy lang ang minahal niya mula noon, hindi nga siguro siya womanizer.

"Matatag siya. Pero nagpapakatatag lang siguro para kay Aemy. Para sa kakambal niya. At pamilya." He breathed in and out deeply.

Aemy and Stanley broke up three days ago. Because of family matters. Hindi na rin inilahad ni Allan ang lahat ng detalye. For confidentiality sake, I guess.

Aemy was Vince's first love. Ganoon din ang kakambal niyang si Stanley. Magmula highschool, they drew their eyes into only one girl. That must be hard.

But then, sa sitwasyon nila... Fate and destiny will only place its bet to only one person. At sa kakambal ni Vince iyon napunta.

He had to give up Aemy. That's what I understood. I didn't know the whole story, though.

Basta ang alam ko, si Stanley ang minahal nang sobra ni Aemy.

And Vince right now, is still in love with Aemy. But they remained friends.

"Pero bilib ka, ano? Kaya niyang humarap kay Aemy kahit mahal niya pa rin at nasasaktan siya. Tanggap na tanggap niyang hindi kayang ibalik ni Aemy kung anong kaya niyang ibigay," dugtong niya.

I can attest to that. Kaya ayaw kong magmahal.

Alam kong masakit. Alam kong walang kasiguraduhan ang lahat.

"Maybe he will soon find someone who will make the hurt fade." Ngumiti ako kay Allan, "Or maybe, Aemy will realize... Na pwede niya ring mahalin si Vince. Since Stanley and her broke up. We can never tell." I shrugged.

"Naku, girl. Si Aemy? Lubog na lubog 'yon kay Stanley. As in hulog na hulog. Magmamahal ng iba? I don't think so," sagot niya. Napahalakhak siya.

"Bakit aalis si Aemy?" I asked.

Breaking up with Vince's twin wasn't enough. She had to leave.

I don't want to sound nosy but since nagkwento na si Allan, I guess that one little question won't be a big deal.

"Magpapalamig lang 'yon. Magbabalikan din sila. Ramdam na ramdam ko as in super nafi-feel ko," maarteng utas niya. Napangisi ako.

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon