50
"Lipat na lang tayo."
"No. Susunod din siya, sigurado. Just..." Napabuga ako ng hangin. "Let's just finish the food and then I'll figure out what to do later."
Napailing si Levence. His jaws clenched.
"I can't believe we hired a psycho model."
"Levence..." I bit my lips. "He's my ex."
Kumunot ang kanyang noo. Para bang imposible para sa kanya ang kasasabi ko lang.
"You had a relationship with that psycho?"
Tumango ako. Mahina akong napangiti sa binanggit niyang "psycho" si Vince.
"How did that even happen?" He added.
Umiling na lang ako.
"Kumain na lang tayo."
Napabuntong hininga na lang siya. Hindi na rin ako nagsalita. I just focused on what he ordered. Halos hindi ako nakakain, iyong salad lang ang nagawa kong tikman.
Yes, I can attest to it. Some people don't look for reasons anymore. Lalo na kung sobra kang nasaktan. Hindi mo na gugustuhing malaman pa lahat ng rason. Mas masakit lang. Mas lalalim lang ang sugat.
But sometimes, even the situation calls for it. That you should know the reason behind the lies.
Kahit takbuhan mo, kahit pilitin mong magtago. Ang mga rason ang hahabol sa'yo.
"Are you sure?"
Hinawakan ako ni Levence sa braso. He wanted me to just go and go back to Luminance. Tumanggi ako. I want to talk to Vince once and for all. Para matapos na.
"I'll be fine, Levence. He won't harm me." I gave him a weak smile.
Tumingin siya ng matalim sa kinatatayuan ni Vince. Vince is leaning over a red mustang. Nakatalikod siya sa amin.
"Alright. I'll leave you here then. Just..." Nilingon niya ako. "Just call me later."
Tumango ako sa kanya. Hindi ko na rin siya pinanood na sumakay sa kanyang kotse. Itinuon ko ang aking atensyon kay Vince.
Memories came rushing. It was the same person I wished to see everyday almost five years ago.
Iyong Vince na naghihintay sa carpark ng FG. Nakasandal sa kanyang sasakyan habang nakapamulsa. Nakayuko at pinaglalaruan ang isang maliit na bato sa kanyang paanan.
It gave me chills then. The best kind of chills.
But today? It's different. Total different.
Para akong sinasaksak. Parang ayaw kong lumapit. Parang hindi ko kakayanin.
Humugot ako ng malalim na hininga bago ko sinimulan ang maliliit na hakbang. Ramdam ko ang pangangatog ng aking tuhod.
Natigilan ako nang bigla niyang nilingon ang aking nilalakaran. Nag-ayos siya sa pagkakatayo.
His eyes went smooth. It's like they were pleading.
Napayuko ako at itinuloy ko ang paglalakad sa direksyon niya. No... I don't want his stares.
"Paris."
Huminto ako nang marinig ang kanyang boses. All I can see is the lower portion of his body. Nakayuko pa rin ako.
Unti-unti akong nag-angat ng tingin. Sumalubong sa akin ang mapupungay niyang mga mata.