Sweet Lies 27

2.4K 71 46
                                    

27




"Ba-bye po, Ate Paris! Ba-bye po, Kuya Vince!"

Kumakaway si Chichi kasama si Sister Daisy habang palabas ang Camry ni Vince sa premise. Kumaway din ako at ngumiti.

Bahagya ko nang inilabas ang aking ulo sa glass window para kumaway ng huling beses. Pagkaayos ko ng upo ay sumulyap ako kay Vince.

I enjoyed it again. Inabot kami ng alas-siyete ng gabi. I didn't mind the time. Kung pwede lang ay hintayin kong makatulog si Chichi ay gagawin ko. She's like a piece of reverie disguised as a child.

"She really likes you. May makakatalo pa pala sa closeness namin."

"Gano'n talaga... You really can't have it all."

Nakangisi ako habang pinagmamasdan ang mga ilaw sa daan.

"Oo nga, e. Saklap. I guess that's true. I really can't have it..."

Napawi ang ngiti ko at agad bumaling sa kanya. He sounded serious. He's sternly looking at the road.

Something inside me stroke. Itinuon ko na lang uli ang pansin sa mga ilaw sa daan. Pakiramdam ko may iba siyang ibig sabihin doon.

"Napagod ka ba kanina?"

Nilingon ko siya. Sumulyap siya ng isang beses kasabay ang pagngiti. Kahit gano'n lang... Bumibilis ang tibok ko sa dibdib. Lalo na ngayon at kaming dalawa lang.

"Slight. Takbo kasi ng takbo si Chichi. Habol rin ako ng habol."

Ngumisi ako saka suminghap ng malalim. Para ibsan ang nararamdamang kaba? Ewan ko. May bago pa ba kung kinakabahan ako? Madalas naman kapag nandyan siya sa malapit.

"Babalik rin naman siya sa'yo kaya dapat hinihintay mo na lang siya. Napagod ka tuloy."

Napalingon uli ako dahil doon. Kumunot ang noo ko ngunit tinanguan ko na lang ang sinabi niya.

Why do my mind processes words in a different perspective now? I really should stop thinking too much.

Ilang sandali pa ang lumipas ay nagsalita siya ulit.

"You'll make a good mom in the future."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya bumaling ako agad. Anong mom? Paano niya iyon naisip? Dahil lang nakipaglaro ako, mom in the future agad!?

"I'm kidding."

Saglit siyang lumingon. Ngumisi siya kasabay ang pag-iling. Tahimik lang akong napangiwi.

Gusto ko sanang sagutin ang sinabi niya. But I decided to just shut my mouth. Wala rin naman akong masabi.

"Ang tahimik mo. Sa susunod huwag ka nang makipaghabulan."

"Huh? Bakit?"

If Chichi wants me to run after her then of course, I would! Sino ako para tanggihan ang ganoon ka-cute na bata?

"Ayaw ko lang mapagod ka masyado."

Hindi siya lumingon. Diretso lang ang tingin niya sa kalsada. My cheeks literally emitted heat.

"Hindi naman ako masyadong napagod..."

Napakagat na lang ako sa labi at agad binawi ang tingin sa kanya.

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon