38
Para akong nanliliit habang naglalakad kami palapit kay Aemy. Parang unti-unting nanghihina ang aking tuhod.
Parang gusto kong matunaw. Parang gusto kong mawala na lang na parang isang bula.
Tinawid namin ang dance floor upang marating ang kinatatayuan niya. She looks like she's waiting for someone.
Wait a second... If this is Stanley's bar, what could be the reason why she's here? Inimbitahan kaya siya ni Stanley? O ni Vince?
Either ways, it's not my business anymore. Tulad ng sabi ko, hindi ko pauunlakan ang kahit na anong bagay na walang basehan.
Nang nasa likuran na namin mismo si Aemy ay agad hinawakan ni Vince ang kanyang kanang braso.
She was a bit startled but her facial expression changed real quick.
"Oh my God! Vince!"
Niyapos niya agad si Vince. Napaatras ako. Not that I'm jealous or what. No... Not this time.
It's been two years since the last time they saw each other. Normal ang ganitong scenario sa dalawang magkaibigan na matagal hindi nagkita.
Napaatras ako at bahagyang nagtago sa likuran ni Vince. I gazed at Aemy. Her hair got longer. Mas pumuti rin siya kumpara sa dati niyang kutis. Same dainty and attractive girl as she was two years ago.
"Aemy. Sorry na-late kami," utas ni Vince nang kumalas sa kanya si Aemy.
Napalunok ako nang hawakan niya ang aking palapulsuhan at hinila ako mula sa kanyang likuran.
Naubusan ako ng lakas para rito. Hiya. Nahihiya ako kay Aemy. Maybe it's about the nonsense jealousy before. Nahihiya rin ako sa sarili ko.
Halos hindi ako makatingin sa kanya. We talk online regarding FG but it's never the same when she's right here in front of me.
Nang mag-angat ako sa kanya ng tingin ay pinilit kong ngumiti. I don't want to look stiff or what.
Nagbitiw siya ng isang mapaglarong tingin sa amin ni Vince. Lalo akong nahiya. I don't know if she has an idea about what's going on between Vince and I.
"Hi Paris!"
Laking gulat ko nang hatakin niya ako para sa isang yakap at beso. Bahagyang bumilog ang dalawang mata ko. Nalingunan ko si Vince na naka-ngisi.
"M-Miss Aemy..." Halos mautal ako.
Tanging iyon ang mga nahanap kong salita kaya't sinundan ko na lamang iyon ng isang ngiti. God, this is so awkward.
"Huwag mo na nga ako tawaging 'Miss'. Ang formal mo masyado. Wala naman tayo sa FG."
She giggled. Her perfectly white teeth flashed before us. Maganda talaga siya. Hindi ka pwedeng magreklamo kung maraming lalaki ang mahuhumaling sa kanya. Vince of course, was one of them.
"Aemy, sorry may— oh? Stanley?"
A tall, slender guy suddenly popped out of nowhere. Dumulas ang kanyang kamay sa baywang ni Aemy. Aemy was a bit surprised but immediately acknowledged the guy.