Sweet Lies 18

2.4K 75 48
                                    

18



"Honey as much as I want to... Alam mo naman ang lagay ng lola niyo. She can barely walk. But you two will be fine. Right? New year ako uuwi."

"Yes cher. We understand. We will be fine. Paki-kamusta na lang po kami kay Lola Susan."

Pinatay ko ang video call matapos ang ilang bilin niya. I miss her.

I was trying to convince her to go home. Sinubukan kong pilitin siya na umuwi kasama ang lola ni Vidette, na nakagisnan ko na ring lola.

Unfortunately, they can't. That's okay, though. I guess wala na rin kaming choice. Sasama kami ni Vidette sa Bolinao. Sa ini-reserve ni Aldrev sa isang resort.

And as to Vidette, ayan... Nasa ibaba siya ng kama. Nakasalampak sa carpet. Nagtatago.

"Get up now. Pinatay ko na." Kinalabit ko siya sa pagkaka-upo niya. "Dapat kasi sinabi ko na lang kay Teacher Loidel na naaksidente ka, e. Kaysa nagtatago ka. Nauubusan ako ng excuse kapag nagvi-video call kami."

Lumingon siya sandali pero bumaling din uli sa kanyang laptop. She's been very busy with the farm's inventory. Gamay na gamay na niya ang kalakaran doon. Kinda proud of her.

"Kung sasabihin ko 'yon, she'll probably freak out and go home. Walang makakasama si Lola Susan. You know mom." She shrugged.

She has a good point. Knowing Teacher Loidel, siguradong uuwi siya agad. Lalo lang siyang ma-i-stress kapag sinabi pa namin ang tungkol sa aksidente ni Vidette.

"Sabagay... Pero narinig mo naman ang sinabi niya 'di ba? She can't go home this Christmas."

"Yea... Quite sad but, it's for Lola Sussie. So ano?" Bumaling siya sa akin. "We'll go with Aldrev? Sayang, e. 'Di ko pa napuntahan ang Bolinao." Ngumisi siya.

"Ano pa nga ba?" Pabiro akong umirap at ngumiti pagkatapos.

Wala na rin naman kaming ibang choice. I'll probably give Betsy and Mang Selyo a three-day break from work. To let them be with their family this Christmas.

"Sorry talaga, Paris ha? Nauna kasing nag-yaya si Vince. Ayon... Sasabit kami ni Jaycee sa family trip nila nitong Christmas. Alam mo naman, pareho kaming walang pamilya ni Jace dito. Though hindi pa confirmed kung saan." Inagaw niya ang kamay ko at niyugyog iyon. "I promise to make bawi next time."

"Ano ka ba. It's okay. Debbie and Vidette will come so it's fine. Naisip ko lang na mas masaya kung nandoon din kayo." Bahagya akong humalakhak.

"Kinu-konsensya mo naman ako girl, e!" tili niya. Sabay kaming humalakhak.

So I guess it's really just the four of us. Me, Aldrev, Vidette and Debbie.

Debbie's family is in Palawan. Aniya'y ngayon lang naman siya a-absent sa Noche Buena nila.

Tinanong ko rin si Aldrev kung sasama ba ang parents niya. He said they will be out of the country this Christmas. Isi-celebrate nila ang kanilang anniversary.

Okay na rin iyon. Masaya rin naman kasama si Debbie at Vidette. Hindi na rin iyon magiging boring.

"Ready?" utas ni Aldrev.

Nakatayo siya malapit sa grand piano ng bahay. His hands on his pocket. Ika-23 ngayon ng Disyembre. Ito ang araw ng pagpunta namin sa resort.

"May ibang inaayos pa si Vidette. Pero pababa na rin," sagot ko. I smiled at him.

Bitbit ko ang isang beach bag at isang travel bag. Nag-dala lang ako ng sapat na damit at dress na babagay sa pupuntahan namin.

Vidette's been ranting that I should bring more. Pero hindi naman niya ako katulad. She almost brought half of her closet.

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon