31
"Someone who frees their time to speak to you and someone who speaks to you on their free time. Get the difference okay? Get the difference."
"He definitely frees his time for you." Humagikhik si Debbie sa gilid.
"Oo nga pero syempre, iniisip ko rin naman mga negosyo niya."
Inirapan ako ni Vidette. Sumubo ako sa cake na dala ni Debbie. Narito kami ngayon sa veranda ng bahay.
"Huwag ka nga dyan... Alam ko namang kahit ilang buwan na mula nang umamin siya sa'yo, kinikilig ka pa rin! At gusto mo rin namang madalas siyang makita!" Debbie teased me again.
I got used to that. She teases me everytime. Ngumingiti na lang ako kasabay ang irap.
Hindi ko naman pwedeng itanggi iyon. Nando'n pa rin iyong kiliti sa tuwing nandyan si Vince sa harap ko.
"Eh kung umamin ka na kaya mamaya kapag nagkita kayo?" Vidette wiggled her eyebrows. "Matagal na iyong dalawang buwan noh! Para na ngang kayo, e..."
Ngumiwi ako sa kanya. Pabiro niya akong tinulak.
Para na ba talagang kami? Hindi ko alam. Hinahatid at sinusundo lang naman niya ako. I don't think that can conclude it.
Madalas kaming magkasama. Kahit naman kasi hindi ko sabihin, bigla-bigla na lamang siya sumusulpot sa FG. Kahit dito sa bahay.
I got comfortable with him since the tickling incident. Lagi ko siyang inaasar na kung hindi ko siya kiniliti, hindi siya aamin.
"Kung hindi mo pa siya aangkining sa'yo, aagawin ko talaga si Vince!"
Humagalpak si Debbie at nakipag-apir pa kay Vidette. They're always pushing me to confess everything.
Pero sa tingin ko kasi, huwag na muna. I'm not even sure about what I feel for him.
Maybe somewhere between attraction and... Love? Ewan. Basta ang alam ko, masayang masaya ako ngayon.
At kaiba ito sa naramdaman ko dati kay Aldrev. Kung may stages man sa ganito, gusto kong malaman kung nasaan na ako.
Kung nasa terminal stage na, doon... pwede na siguro akong umamin. Basta ngayon, masaya ako,
To V.E.: Saan ka na?
I texted him while I'm prepping up for our coffee date. Yes... A date.
Sabi kasi ni Vidette, iyon naman ang tawag kapag inaaya niya akong lumabas. Natatawa nga ako kasi sa tuwing sasabihin kong lalabas kami ni Vince, may pa-sedunda siyang "Date iyan, okay?"
I was done combing my hair when my phone beeped. Binuksan ko iyon agad.
From V.E.: Harap ng gate niyo. I'm with Manong Selyo here. Just take your time.
Nagmadali akong dumungaw sa bintana at naabutan siyang nakikipagtawanan kay Manong Selyo.
Napasinghap ako kasabay ng isang ngiti. One of the many reasons why he amuses me everytime is this.
He's a very down to earth person. Kahit sino yata ay kaya niyang pakisamahan. Kahit sino ay nakakasundo niya.
Isang beses pa akong sumulyap sa salamin. I wore my white golf cap. I pulled off my ocean blue tee and tattered shorts. Isang puting keds ang nahagilap ko mula sa shoe rack.
Kumaripas ako ng takbo mula sa second floor at naabutan si Debbie at Vidette sa receiving area. Bumaling sila agad.
"Alis na ako..." paalam ko sa kanila.