Sweet Lies 60

3.1K 75 44
                                    

60



Isang beses ko pang dinungaw ang aking sarili sa salamin.

Nakasuot ako ng isang champagne gown. Nakalugay ang umaalon kong buhok at hawak ko ang isang silver clutch.

Bumuntong hininga ako at pumihit para lumabas ng aking kwarto. Eksakto ang tunog ng isang katok mula sa main door ng aking suite.

Naglakad ako agad papunta roon para buksan.

Ang malapad na likuran ni Levence ang bumungad sa akin. He is wearing an all black suit. Agad niya akong nilingon.

"Ready?" His eyebrows went up.

Ngumiti ako at tumango. Inilahad niya ang kanyang braso sa akin. I held his elbows as he guided me through the way.

Hindi pa gaanong mabilis ang tibok ng puso ko. But the moment I stepped out of my suite's door, my heartbeat's rate doubled again.

Nahigpitan ko ang hawak sa siko ni Levence habang pasakay kami ng elevator.

Naaninaw ko siyang dumungaw sa akin. I bit my lips. I know he somewhat feels that I'm nervous.

"Hey... Are you alright?" He asked.

Sumulyap ako ng ilang segundo at bilasang ngumiti. Tumango ako sa kanya.

"I am." I'm not.

I'm not 100% okay with this set up but I have to do this. This is for Luminance. This is for family.

Hindi ko maaaring biguin ang Board. Lalong-lalong na si mommy. She's expecting that we can pull this one off successfully, especially to the media.

We can't let our parents down. We can't let Hotel Liance down.

Pagbukas na pagbukas ng elevator ay agad kaming naglakad ni Levence sa direksyon ng coliseum.

This is the biggest and grandest hotel in Hongkong. Sa loob ay may malaking stadium. Dito gaganapin ang Gala.

The hotel lobby is quite crowded since the Nicam Gala will happen in an hour from now.

Ilang mga elites ang papunta na rin sa pagdarausan at kitang-kita ko ang ilang media team na naghahanda na para sa malaking event na gaganapin.

There are even screaming fans of artists that were invited to perform.

Tumaas ang dalawa kong kilay nang may grupo ng mga babaeng tumili nang dumaan kami sa kanilang harapan.

"Levence Woo! So hot, OMG!"

Tumingala ako sa kanya pero parang wala lang ang kanyang narinig. Nagpatuloy na lang din ako sa paglalakad.

Sinalubong kami ng dalawang usherette.

"From what delegation, sir?"

"Hotel Liance. Luminance Group," masinop na sagot ni Levence.

Tumango ang usherette at agad kaming inalalayan sa loob.

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon