Sweet Lies 39

2.1K 69 33
                                    

39



They say lovelife starts in the middle of loving life. When you learn to accept and feel contented with everything around you, when you start to appreciate life even more... That's when you feel like you are ready. That's when romantic love finds you.

But how do you really know if it's already there in front of you? How do you know if a love bug is already hitting on you?

Kabog, kilig, at kirot. Mararamdaman mo raw ang tatlong iyan.

Kabog.

Kakabog ang dibdib mo dahil sa kaba. Kaba kapag malapit siya. Kaba kapag nagtapat ang mga mata ninyo. Kaba sa nakakalokong paraan. Iyong kaba na maaari ka rin pakalmahin?

Kilig.

Kikiligin ang buong kalamnan mo. Kikiligin ka sa simpleng pagtitig niya. Kikiligin ka sa boses niya. Kikiligin ka sa mga salita at katagang nasasabi niya. Iyong kahit sa simpleng pagtayo niya sa harapan mo? Kikiligin ka.

Kirot.

Hindi ko alam kung para saan minsan ang kirot. Maaaring ayaw mo na siyang mawala sa paningin mo. At kapag wala na siya, nagsisimula ka nang maghanap. Nakakaramdam ka na ng pangungulila.

If these three K's could be our basis, then maybe I can attest to it.

I was still surprised that he knew it's my birthday. Tinanong ko sa kanya kung kanino niya nalaman ngunit nagkibit lamang siya ng balikat.

He even told me not to under estimate his sources. Napailing na lang ako.

Nilibot namin ang halos kalahati ng napakalawak na hardin. Hindi pala talaga ito farm. It's like a big recreational venue. Parang kang naglalakad sa loob ng isang malawak na parke.

Pagkatapos ang walang humpay na kwentuhan habang naglalakad ay pumarito kami sa dulo ng burol.

May dalawang light post sa magkabilang gilid. We sat on a bench. Nakakarelax dahil mula rito, tanaw mo ang kabuuan ng syudad. The city lights are lovely.

Pumikit ako at dinama ang simoy ng hangin mula sa pagpasok ng bukang-liwayway.

Yes, it's almost two in the morning. And if you ask me right now if I'm sleepy? I'm too hyped to even get that sleepyhead.

Ilang beses niya akong tinanong kanina kung gusto ko nang umuwi at kung inaantok na ako. Panay ang tanggi ko.

Gusto ko pa rito. Dito sa hardin na ginawa niya para sa akin. Dito sa kinauupuan ko ngayon.

Dito... Kasama siya.

"Masaya ka ba?"

Nawaglit ang mga bagay na nasa isip ko. I opened my eyes. Nilingon ko siya at kunot-noong napangisi.

"Oo naman. Halata naman, 'di ba? Halos ayaw ko nang umuwi..."

Masyado siyang nag-aalala tungkol doon. Inoobserbahan talaga niya ang bawat galaw ko. I know he just wants me to enjoy every moment since it's my birthday.

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon