26
"Dito ka na muna. I'll just get the cookies," utas ko sa kanya.
I just ushered him into our gazebo near the garden. Ni hindi ko na nilingon kung umupo ba siya sa metal stall o ano.
Dumiretso ako sa kitchen. Taranta kong inihanda ang isang pitcher ng juice, at mini cookie basket.
Ramdam ko na ang namuong pawis sa ibabaw ng ilong ko. Saglit ko iyong pinalis.
Hinaplos ko ang buhok ko. I fanned myself with my own hands. Bakit ba biglang naging mainit? Something's wrong with the weather.
"Oh ano? Kaya pa?"
Gulat kong nilingon si Vidette sa bar counter. She's teasingly looking at me. Like their is something she'd gladly ridicule.
Inirapan ko lang siya at agad na bumaling sa tray ng cookies at juice.
"Bakit isang baso lang iyan?" tanong niya. Napabaling ako.
"K-Kasi... Siya lang ang... M-Magmemeryenda. Bakit ba?" Ngumiwi ako.
She immediately laughed. Sinundan ko siya ng tingin. Naglakad siya palapit sa kitchenware at kumuha roon ng isa pang baso. Kumunot ang noo ko.
"What are you doing?" I disgustedly asked.
Ang magaling kong bestfriend, inilagay ang isa pang baso sa loob ng food tray na dala ko.
"Magmeryenda ka rin kasama siya. You are so cute when you get nervous in front of him, bestfriend. Let me watch more of it."
Kasabay no'n ang nakakaasar na halakhak. She even snorted for Christ's sake! She even held her stomach!
"So-horry. I... Can't... Even..." paputol-putol niyang utas.
"Tumigil ka na nga!" Kinurot ko siya sa tagiliran.
"Aray!" Tuloy pa rin siya sa pagtawa.
"Ano bang nakakatawa?" inis kong tanong.
Kahit natatawa na rin ako sa hitsura niya ay pinandilatan ko siya ng mata.
Sa totoo lang, pati sa sarili ko naiinis ako. Kasi oo nga naman, nakakatawa nga ako. Naiinis ako kasi nagmumukha akong katawa-tawa!
Bakit ko ba pinapasok ang lalaking iyon dito kung matataranta rin ako ng ganito? Kairita!
"Halata kasing may gusto ko sa kanya. Which is okay naman para magkabistuhan na at magkaaminan na kayo." Unti-unti siyang huminahon.
"P-Pwede ba! Cr— Crush ko lang siya noh!"
Tumalikod na ako agad sa kanya. I didn't wait for her to drop her laugh bombs again.
At hindi ako nagkamali, pagkalabas ko ng kitchen area ay narinig ko na siyang humagalpak sa tawa.
"Crush ka dyan! What are you guys? Highschool!?" I heard her shout. Tumawa uli siya nang malakas.
Napapikit ako at napahinto. Luminga ako sa paligid para tingnan kung nasa malapit si Vince. That girl! Paano kung may nakarinig do'n!?
Dahan-dahan uli akong naglakad papunta sa garden. Hinanap agad siya ng mga mata ko.
Where is he? Sa gazebo ko lang siya iniwanan ah?