Sweet Lies 41

2.2K 74 30
                                    

41



Wala naman sigurong masama kung tatanggapin ko ang friend request niya.

It's been a year. Every wound heals. Every bad memory fades. I'm sure he has already moved on from what happened to us.

And so I accepted his friend request. Nothing much on his profile. May ilang litrato lamang siya sa loob ng opisina. Ilang posts sa iba't ibang lugar sa San Fo, at temperature posts kung gaano kalamig ang weather sa lokasyon niya. I didn't intend to stalk him, alright.

But the personal information above his profile got my attention.

Naipilig ko ang aking ulo at nakagat ko ang isang daliri habang binabasa iyon. Tumayo ako mula sa kama at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto.

Bumaba ako ng hagdan.

I started reading again. Ang sabi sa "About" ng kanyang account ay lumipat siya mula sa Luminance San Francisco papunta sa main base ng Luminance Group of Companies. Sa Korea iyon.

"So he's in Korea..." bulong-bulong ko sa sarili.

Umiinom ako ng tubig sa food counter nang matigilan ako.

Nahinto ang aking mga mata sa mga salitang Luminance Korea: Main Base - Luminance Group of Companies.

So it isn't just a big Copywriting Company? It's a damn Group of Companies.

Hindi ko alam na ganito kalawak ang range ng Luminance. Ang akala ko lang noon ay nakatutok lamang sila sa copywriting para sa advertisements ng malalaking brand names. I wonder what are the other line of businesses they are in to.

Binaba ko ang baso sa food counter at nagsimulang umakyat uli papunta sa second floor. Pagpasok sa kwarto namin ni Vidette ay dumiretso ako sa built-in cabinet.

Kinapa ko roon ang folder na itinago ko higit isang buwan na ang nakalipas.

Iyong folder na laman ang mga articles tungkol sa Luminance. Kabilang ang isang litrato ng isang babae at isang sanggol.

From what I can recall, nabasa kong iyong babae ang asawa ng nagmamay-ari ng Luminance. What could be the reason my parents kept articles about them?

I checked the time. It's almost one in the morning. Nakabukas ang lamp shade sa side table ngunit hindi ako kuntento sa ilaw.

I want to re-read these articles. I want to know my parent's connection with these people.

Hindi ko alam kung anong namumutawi sa loob ko pero may nagtutulak sa akin para gawin iyon. It's my instinct. And I'm sort of nervous where my instinct might lead me. I don't know why.

Lumabas ako ng kwarto. Bumaba ako uli at dumiretso sa receiving area ng bahay. Sumalampak ako sa sofa at nagsimulang ilatag lahat ng laman ng folder sa glass table.

Inumpisahan kong basahin ang article na may pinakabagong date. It's from a 2003 business magazine. Laman ng article na iyon ang success ng Luminance sa kanilang Chain of Malls sa San Francisco. Ang Lambert Mart.

Ang sumunod ay ang pagtanggap ni Theo Cua ng parangal sa isang prestihyosong pagpupugay sa mga businessmen sa buong Asya.

Para naman iyon sa kanilang record label. It's the Nami Records, located both in Korea and in the Philippines.

Theo Cua must be the husband of the girl from the picture I saw. Hinayaan ko ang pagiisip tungkol doon at nagsimula uli sa pagbabasa.

Napapailing ako sa dami ng line of businesses ng mga Cua. They all have the riches in the world.

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon