12
"It's really nice to meet you, Paris." His mom stood up. Bumeso siya sa akin.
"Thanks for inviting me," utas ko. Ngumiti ako sa kanila.
The dinner went well. Hindi tulad ng inasahan kong magtatagal iyon ng isang oras, tumagal lang kami ng trenta minutos. Kailangan na raw kasi nilang umalis.
"No worries, iha. Let's do this again soon. May pasyente kasi ang tito mo."
"Sure po. No problem." Tumango ako.
"Alright, then. You two enjoy the rest of the night," ani Mr. Escosio. Tinapik niya sa balikat si Aldrev.
"Ingat kayo, pa, ma." Aldrev also stood up. Humalik siya sa kanyang mama.
"Paris, we'll go ahead." Bumaling sa akin si Mr. Escosio.
"Sige po." Ngumiti ako at kumaway. Naglakad na sila palabas ng restaurant.
True enough, sa Maxine's kami nag-dinner. I was expecting to see my friends. Pero naalala kong sa restaurant nga pala kami kakain. They're probably at the bar area.
"Were you nervous?" tanong ni Aldrev nang tuluyan nang makaalis ang mga magulang niya.
Umiling ako. "Not really." I smiled.
"I'm really glad you agreed to this," utas niya ulit.
Hinawakan niya ang kanang kamay ko. Nakapatong kasi iyon sa table. Napatingin ako roon. Napawi ang ngiti ko sa hindi malamang dahilan.
"Matagal ko na silang niyayaya para rito pero ngayon lang silang nagka-oras," dugtong niya.
"I'm also happy. They're really nice," sagot ko.
Marahan kong binawi ang palad ko. I reached for the glass of water.
"Mom likes you." He shrugged. His defined jaws flashed after me.
"Y-Yea... I can see that." Napalinga ako sa paligid.
What's with the discomfort, Paris? Kanina ko pa nararamdaman ang pagkailang.
Maybe it's the dress I'm wearing? It's kinda tight.
"Hey..." Hinawakan niya uli ang kamay ko. Napabaling ako.
I swallowed the lump in my throat. My eyebrows went up. Hinihintay ko kung anong sunod niyang sasabihin.
Ngumiti siya. Pumungay ang mga mata niya.
We can't deny it. Aldrev really has these outstanding features. Kahit sino talaga ay pwedeng magkagusto sa kanya.
"Hindi ko pa ni minsan tinanong sa'yo kung ano tayo pero..." naging seryoso ang kanyang mukha.
He pierced his eyes on mine. Hinintay ko kung anong idudugtong niya. Napalunok ako.
"Gusto kong malaman mo na kaya kong maghintay. I can wait until you name it. Until you decide to name us."
He finally smiled. Humigpit ang hawak niya sa palad ko. Bahagyang napaawang ang bibig ko at natunganga sa sinabi niya.
"I-I... I—"
Napabalikwas ako nang malakas na tumunog ang call alert ng cellphone ko. Binawi ko ang palad ko mula sa kanyang pagkakahawak.