Sweet Lies 48

2.2K 64 34
                                    

48



"This is Vince Earl Montemayor. He will be the new face of Camarillo Apparels."

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong kumurap. Hindi ko na rin alam gaano na kabilis ang pintig ng puso ko sa dibdib.

And he's just standing there. Looking like he is expecting for this! Ako lang ba talaga ang nasurpresa? Ako lang ba ang nangangatog ang tuhod ngayon?

This is impossible.

"Miss Paris?"

Saka lang ako natauhan nang magsalita uli ang isang executive.

Unti-unti akong napaupo at agad yumuko sa nagkalat na folders sa aking harap.

"Y-Yes please. T-Take a sit. Ladies a-and..." Isang beses akong sumulyap uli sa kinatatayuan niya. "G-Gents." Nag-volume down ang boses ko.

Oh come on! Let the stutter party begin!

Nagkunwari akong may binasa uli sa mga folder na nasa aking harapan.

Hindi ko alam. Wala akong mahita sa utak ko kung anong sunod na gagawin.

Kung babalasa nga naman talaga ng baraha ang pagkakataon. Why does it have to punish me like this?

Naaninaw kong umupo siya sa cushioned chair na nasa tapat ko. Napalunok ako.

What do I do now? I don't know if I have the guts to even raise my eyes into his direction. God, this is such a torture!

"All the other plans for the Ad will be stated next week, Miss Paris. Lucio here will be in charge."

Napilitan akong mag-angat ng tingin.

Kumaway sa akin ang isang lalaking sa tingin ko ay ka-uri ni Allan.

Pekeng ngisi ang naisukli ko. I know I'm starting to ridicule this whole conference room.

Sinubukan kong iwasan ang mga mata ng taong titig na titig sa bawat galaw ko.

Sinubukan kong ibaba uli ang paningin ko sa mga folders.

Pero may kung anong magnet na humihila sa mga iyon.

And bingo. His deep, black, piercing eyes welcomed me.

No... they weren't welcoming. Para akong inaatake ng mga iyon.

Nakakalunod. Unti-unti akong hinihila mula sa mundo ng reyalidad. I had to force myself, my own both eyes.

Pinilit kong tanggalin ang atensyon ko sa mga mata niyang iyon.

This is by far the toughest day of my entire life. Naging limitado sa mga folders na nasa harap ko ang aking galaw.

What is he up to? Ayaw ko sa ganyang mga titig!

"Isi-set up lang po saglit iyong initial presentation, Miss Paris."

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon