Sweet Lies 10

2.8K 77 47
                                    

10




"Vince, that is not cool. Not cool. Hindi mo— ano? Kahapon pa? Grabe! Bakit hindi namin nalaman?" Umirap si Jaycee sa kawalan.

Nandito kami sa kitchen ng FG kasama si Allan. Jaycee brought us food for lunch.

Dalawang linggo na mula nang nagsimula ako sa trabaho.

Kumukunot ang noo ni Allan habang pinagmamasadan si Jaycee sa tapat ng sink. He's on his phone talking to Vince. Nagtitimpla ako ng juice.

"Alright. Galing si Stanley dito noong isang araw. As usual hinahanap si Aemy dit— what? Stanley's in Baguio? Sinundan si Aemy— paano? Tapos ikaw— hay nako ewan ko sa inyong magkambal! Okay. Okay. Oh sige. Sige na. Update mo kami kailan ka babalik ng Pinas. Bye..."

"Babe what happened?" utas agad ni Allan nang putulin ni Jaycee ang tawag.

"Si Vince. Guess what? Nasa New York na raw kahapon pa." Umupo siya sa tabi ko. He reached for the pasta.

Saglit akong natigilan at naiangat ko sa kanila ang tingin dahil sa narinig. Tumikhim ako bago bumaling uli sa tinitimpla kong juice.

"What? Seryoso? Aba nagsisi-alisan na sila. Tara na rin sa London babe. Magpa-kupkop tayo kay mama," sagot ni Allan. Bahagya silang humalakhak.

Hindi naman ako makapag-comment kasi hindi naman ako masyadong pamilyar sa mga nangyayari.

Basta ang alam ko lang, umalis si Aemy para iwasan ang kakambal ni Vince. Para makalimot.

And as to Vince... Maybe he also had to leave for his own wounds to heal.

Panahon lang naman siguro ang kailangan ng bawat isa para sa mga sugat.

Kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko at dumiretso sa gallery. I stared at one particular photo.

Ang huling litrato kung saan kumpleto kaming tatlo nina mama at papa.

Pretty sure I was three years old here. Nakuha ko ito sa isang lumang photo album.

Masakit pa rin. Nararamdaman ko pa rin ang kirot sa loob.

I'd like to believe that everything heals.

Sa kabila ng sakit, kailangan nating paniwalaan na nangyayari ang bawat bagay para sa isang dahilan.

That one day, our hearts will heal. Our minds from the hurtful memories will forget. That one day, our soul will repair itself.

I'm praying for the three of them. Aemy, Stanley, and Vince. I'm praying for myself.

Bad times won't last. That happy days will eventually come.

Naiinggit ako kay Vince at kay Aemy. Pinili nilang maghilom. Naiinggit ako dahil hanggang ngayon, inaalagaan ko ang sakit sa loob.

I've been grieving half my life. Nagluluksa pa rin ako para sa mga kasinungalingan at sa mga taong nawala sa akin.

Kung tatanungin ako tungkol sa lungkot na inihahatid ng ulan?

Parang ayaw ko na. Parang gusto ko na ulit mahalin ang tubig galing sa itaas.

Parang gusto ko nang itigil ang paniniwalang baka iwanan ako ulit ng taong sunod na pahahalagahan ko.

"Six months na. Six months ka nang binabakuran ni Aldrev. Ano na? Walang progress diyan?" Tinuro niya ang kaliwang bahagi ng dibdib ko.

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon