Part 1

1.4M 15.6K 1.9K
                                    

TRISHA

I am Trisha Alexis Santos Mendoza, 23 years old. Never been touched, never been kissed in short, NBSB and certified virgin.

May mga manliligaw naman ako, pero hindi ko alam kung bakit
wala akong nagugustuhan sa kanila. During college kasi may pagka-nerd ako. Tutok ako sa studies kaya I graduated withhhh flying colors. I made sure that I was at the top of my class kasi ’di naman kami mayaman. Scholar ako so I needed to maintain good grades, kundi mawawala ang scholarship ko. Salamat sa mahabaging Bathala at nakapagtapos naman ako.

I’m now working as a loan consultant sa isang finance
company. Inilipat ako dito mula sa isang branch namin sa Calapan. Magaling daw kasi ako, pero sa tingin ko ay dahil ako
lang ang nauuto ng boss ko.

Maayos naman ang buhay ko. Kahit paano nakatutulong ako
sa pamilya ko sa Aklan. Maayos naman ang lahat, hanggang
isang araw, nagulat na lang ako nang nalaman kong may anak
na pala ako.

After office noon, and I decided to go to the mall para mag-grocery. Busy akong namimili ng canned goods nang may humila sa skirt ko.

“Mommy!” nakangiting tawag sa ’kin ng isang cute na cute na baby girl. Mga three or four years old siguro siya.

Lumuhod ako sa harap niya para magkapantay kami ng
tingin.

“Baby, are you lost?” tanong ko sa kanya. Pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap.

“Mommy! You’re here! I’ve missed you!” Tapos umiyak na
siya. Nakaaawa naman.

“Ssshhhh… Don’t cry, baby. We’ll look for your mommy.”

Napa-Ingles tuloy ako.

“No! Ikaw ang mommy ko!”

Hala! Marunong naman palang mag-Tagalog ’to, e. Pero anong ako raw ang mommy niya?
Mukha na ba talaga akong nanay?

“Sorry, baby, pero hindi ako ang mommy mo. Pero don’t worry, tutulungan kitang hanapin siya.”

Pero bigla siyang naglupasay sa sahig; pinagtinginan tuloy kami ng ibang namimili. May mga narinig pa akong nag-comment.

“Anong klase bang nanay ’yan, pinapaiyak ang anak?!” sabi
ni Ale No. 1.

“Ang problema sa kabataan ngayon, mag-aanak nang maaga tapos ’di alam kung paano mag-alaga ng bata,” sabi naman ni Ale No. 2.

Hay, naku! Sa hindi ko naman talaga anak ang batang ’to, e. Ibinaba ko na lang ang hawak kong basket at binuhat siya.
Namumula na kasi siya sa kaiiyak at parang nahihirapan nang huminga.

“Ssshhh… Baby, tahan na,” sabi ko sa kanya.

“You won’t leave na, Mommy? Promise me ’di ka na aalis.”
Niyakap niya ulit ako.

“Okay. I won’t leave you, but stop crying na.” Sakyan ko na
lang muna ang topak nito para lang tumigil na siya sa pag-iyak.

Mukhang effective naman.

“Okay, Mommy. I love you,” sabi iniya tapos kiniss niya ako
sa cheek. Aww! Ang sweet naman ng batang ’to. Iuwi ko na lang kaya siya?

Hindi ko na itinuloy ang pamimili ko. Nag-ikot-ikot na lang kami at baka sakaling makasalubong namin ang kasama niya. Pero napagod lang ako dahil wala man lang lumapit sa amin.

Pumunta na lang ako sa customer service para ipahanap ang mga magulang niya, at maya-maya pa narinig ko ang
announcement nila tungkol sa natagpuang bata. Mabuti at busy ang bata sa kakakain ng hotdog.

Mahigit dalawang oras rin kaming naghintay, pero wala
pa ring balita. Tinanong ko sa customer service representative kung pwedeng iwan ko sa kanila ang bata, pero hindi raw pwede.

“Ma’am, hindi niyo po siya pwedeng iwan sa amin. Malapit na rin po kasi kaming mag-close.”

Ha?! E ano na ang gagawin ko sa batang ’to?

“Mommy, I’m tired. Uwi na po tayo,” sabi nito sabay kapit sa
skirt ko.

“Kayo naman pala ang mommy niya, Ma’am. Kunwari pa
kayong ipinahahanap ang kasama niya,” sabi noong girl.

“Balak n’yo bang iwan ’yang baby n’yo? Ang cute-cute pa naman. Magkamukha nga kayo, e. Nasaan ang konsensya n’yo n’yan, Ma’am?”

Naku! Hinila ko na lang ang bata palayo sa kanila dahil baka
makasapak ako ng kalahi ko. Sinabi ng hindi ko siya anak, e!
Nakaramdam ako ng gutom pagkatapos kaya pumunta na
lang kaming Mang Inihaw.

“Mommy, kain din ako!” sabi noong bata.

“Ay, anak ka ng mommy mo!” Nakalimutan kong may kasama nga pala ako.

Pinaupo ko siya sa tabi ko at sinubuan. Tuwang-tuwa naman siya. Teka, bakit parang masaya rin ako sa ginagawa ko?

“Ano nang gagawin natin ngayon?” tanong ko pagkatapos namin kumain.

“Let’s go home, Mommy!”
Ayan na naman siya sa ngiti niya!

“Saan ka ba nakatira?”
tanong ko. Mukha naman siyang matalino kaya naisip ko
maaalala niya ’yon, pero wala rin akong napala.

“I don’t know!” sagot niya.
Pinalabas na kami ng guard dahil magsasara na raw sila.

Ay, Ano nang gagawin ko sa kanya? Dalhin ko kaya siya sa police station? Pero baka akalain lang nilang gusto ko siyang iwan.

Bakit kasi mommy ang tawag sa ’kin ng batang ’to? Sumakay na kami ng tricycle pauwi sa boarding house ko.

Hi guys...Thank you for reading Instant Mommy Ako.. I'd like to hear from you, comment down 😉..

Skycharm24

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon