It was a lovely affair that people important in their lives attended.
Boracay became the setting for the renewal of vows of Xander
and Trisha a year later. They chose the island para mas convenient sa pamilyang kinalakhan ni Trisha.Ang kinilalang ina niya ang
nagtahi ng wedding gown niya, which was adored by everyone.
Masayang-masaya si Trisha na makasama ang parehong pamilyang minamahal niya ang totoong mga magulang niya, at ang mga taong nagpalaki at nag-aruga sa kanya.
Makikita ang pagmamahalan nang ikinakasal sa paraan
ng pagtitig nila sa isa’t isa, at sa mga sumpang binitiwan nila
sa harap ng Diyos. Sa kabila ng mga pagsubok, tiwala silang
malalagpasan nila ang lahat ng ito sa patnubay ng Panginoon.Bisita nila ang magkasintahang Miggy at Jen. Masaya si Miggy dahil alam niyang masaya na ang best friend niya, ang
babaeng naging mahalaga sa buhay niya. He was hoping na
sana, kagaya ng dalawa, magkaroon din sila ni Jen ng happy ending, isang bagay na mukhang malabo pang mangyari sa kasalukuyan dahil ang babaeng minamahal niya ay mukhang hindi pa lubos na nakalalaya sa nakaraan nito.
Choleen was the maid of honor. Slowly, nagiging maayos na rin sila ni Xander. After all, they were good friends bago pa
man nangyari ang lahat ng gulo. Mas naging malapit din sila ni Trisha; bumabawi sa mga panahong hindi sila nagkasama.
Masaya na si Choleen with Zack, her fiance. Nagiging close na
rin ito sa anak niya, na isa sa mga pinakamasaya sa kasal ng
mommy at daddy niya. Natupad na rin kasi ang pangarap nitong maging flower girl.
Sa wakas, nakilala na nina Isha at Ian ang mga taong nagpalaki sa mommy nila. They were blessed with two sets of
grandparents na mahal na mahal sila.
“Happy?” tanong ni Xander sa asawa habang masaya nilang
pinanonood ang kanilang mga bisita.
“Absolutely. Wala na yatang mas sasaya pa sa araw na ’to.”
Xander stroked the cheek of the woman who’d been giving
him so much happiness.“Marami pa, hon. Maraming-marami pang masasayang araw na darating, I promise.” Nginitian siya ni Trisha.
Naalala niya ang una nilang pagkikita. Ang pagiging suplado nito sa pag-aakalang siya si
Choleen, ang paghalik sa kanya nito, at ang pagtawag niya dito
ng kapre.
“Thank you for loving me, honey,” sabi niya kay Xander saka niya ito hinalikan.
“Thank you for doing the same, my wife.” Habang magkayakap ay hindi nila napansin ang papalapit na si Chloe.
“Waaahhhhhh! Yakapan! Sali ako!” At pumagitna na ang bata
sa dalawa. Hinalikan at mahigpit na niyakap nila ang batang
naging dahilan ng pagtatagpo nila ng landas.
“We love you, baby,” halos magksabay nilang wika.
“I love you too, Mommy and Daddy!” Wala pa ring talagang
makatatalo sa sweetness ni Chloe.
TRISHA
After eight years…
“Mom, ang tagal kumilos ni Ian. Male-late na naman kami sa
school n’yan,” pagmamaktol ni Isha. Naiinis ito sa kabagalan ng kapatid niya, parang kasing si Ian pa ang babae kung kumilos.
“Ian, bilisan mo. Naiinip na ang kapatid mo, saka patapos na
rin ang Daddy at Ate Chloe mo,” utos ko.
Grade two na ang mga ito at sa iisang school lang sila pumasok
kasama ang Ate Chloe nila, na graduating na ng grade school.
Parang kailan lang, ngayon ay malalaki na ang mga anak ko.
“I’m done, Mommy,” mahinahong sagot sa ’kin ni Ian na bihis na at ready nang umalis. Kahit madalas siyang inaaway ni Isha, never nito pinatulan ang kakambal niya.
“Take care of your sister, okay? Alam mo naman ’yon.” Madali
kasing uminit ang ulo ni Isha. Nagmana yata sa tatay niya.
“I will. You too, Mommy and baby Xhan.” Ang tinutukoy ni
Ian ay ang bunso naming si Xhandrei. Two years old pa lang ito.
“Bye, Mom. I love you,” paalam ni Isha. Humalik ito sa akin at
sumunod na sa kapatid niya palabas ng bahay.
“Anak, be good, ha? Behave. Mommy loves you,” pahabol ko
pa.
Nauna na silang lumabas, saka naman ang pagbaba ng
dalagita ko.
“Do I look good, Mommy?” umikot pa ito sa harapan ko.
Teka, parang ang pula naman ng labi nito.
“You always look good naman, anak. Pero Chloe Alexandria,
did you put lipstick on?”
Bigla itong nagtakip ng bibig.Lately, panay ang pagpapaganda nito simula noong maikwento nito sa ’kin ang tungkol sa isang Xander Altamonte. Of all names, kapalayaw pa talaga ng ama niya! Kesyo maangas daw ito pero ang gwapo naman. Nagkaka-crush na yata ang baby namin.
“Mom, I just put a little on. Don’t tell Daddy, please?” Don’t
tell daw, as if naman bulag ang ama niya.
Lumapit ako sa kanya at pinahiran ang mga labi niya ng
bimpo. “Bata ka pa, anak. Masisira lang ’yang labi mo. Hindi mo naman kailangang mag-lipstick, e. Mapula naman na ang mga labi mo.”
“You really know how to make me feel good, Mom! Thank you.
I love you,” sabi niya saka ako niyakap. She was still the same Chloe, sweet as ever. At marunong itong makinig kapag pinagsasabihan.
“Ayan na ang daddy mo. Sige na, mauna ka na sa kotse. Ang mga kapatid mo, bantayan mo, okay?”
“I will, Mom. I love you and XhanXhan!” Lumalaki na nga
siya.Babalitaan ko nga ang ina niya. Sa States na kasi nakatira sina Choleen at Zack, ang asawa nito.
May isang anak na rin
sila. Dinadalaw na lang sila ni Chloe ’pag nagbabakasyon sina
Mommy at Daddy sa States.
“Anong iniisip ng maganda kong asawa?” Hinapit niya ako sa
beywang at mabilis akong hinalikan sa labi.
“Ang mga anak natin, lumalaki na. At sabay noon ay ang
pagtanda natin,” sagot ko.
Natawa siya sa sinabi ko. “Hon, kalabaw lang ang tumatanda!”
“O, e di kalabaw ka? Kakaiba nga! Dati kapre ka lang, ngayon
kalabaw ka na.” Mas hinapit pa niya ako papalapit sa kanya.“Mamaya, hon, tingnan natin kung sinong tumatanda. Mabuti ’yan para masundan na si Xhan,” sabi niya sabay kindat sa akin.
“Tse! Late na ang mga bata. Alis!” Nahulaan ko na naman
kasi kung anong binabalakniya.“I love you, honey.” Pinanggigilan pa nito ang mga labi ko, isang bagay na kahit kailan ay hindi ko pagsasawaan.
“Take care! Bawal ang chicka babes, okay? Baka dumarami
na naman ang umaaligid sa ’yo. Alalahanin mo, any time pwede kaming dumalaw ni Xhan sa office mo,” paalala ko sa kanya
habang inaayos ko ang necktie niya.
“They can try, but my heart belongs only to you. So, no need to worry, my love.” Pwede pa rin naman kiligin, ’di ba? Wala pa
rin kasi siyang kupas.
“Talaga lang, ha? Sige na, lakad na. Naiinip na ang mga anak
mo. I love you.”
“I love you, too.”
Inihatid ko siya hanggang sa labas ng gate. Kumaway pa ang
mga anak ko nang papaalis na sila.Ganito kami araw-araw, at
masaya ako dahil kahit lumalaki na ang mga anak namin, hindi
pa rin nagbabago si Xander. Sweet pa rin ang kapre ko, at mahal na mahal pa rin niya ako.
Instant mommy lang naman talaga ako dati ng isang batang
napagkamalan akong ina niya. Hindi ko inakalang dahil doon ay makikilala ko ang totoong ako, ang tunay na pagkatao ko.Kaya pala una pa lang ay magaan na ang loob ko kay Chloe, dahil kadugo ko pala siya. At minahal ko rin ang daddy niya na ngayon ay asawa ko na at ama ng mga kapatid niya.
May mga taong dumarating sa buhay natin na hindi natin
inaasahan. Hindi natin alam, sila pala ang magiging dahilan ng
pagbabago ng takbo nito. Kaya dapat ay pahalagahan natin ang bawat taong pumapasok sa buhay natin.Hindi rin natin maiiwasan ang magkaroon ng sama ng loob sa ating kapamilya. Pero hangga’t may pagmamahal sa puso natin at pagkakataon na maging mapagpatawad tulad ng Panginoon, walang problemang hindi malulutas at pagsubok na
hindi malalagpasan.
THE END
BINABASA MO ANG
Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)
Humor(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo. I am a 23-year old certified NBSB virgin tapos isang araw, bigla na lang akong naging nanay. Akala ko, instant coffee at instant noodles lan...