Part 28

366K 5.3K 419
                                    

Paglingon ko ay nakita ko si Xander. Anong ginagawa niya dito?

Nagulat ako nang narinig ko ang boses niya.

“Xander, anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya.

Paano niya ako nahanap?
“Kanina pa kita hinahanap. Maliit lang naman ang bayan na ’to para hindi kita makita.”

“I’m Miguel, best friend ni Trisha.” Inilahad ni Miggy ang
kamay niya.

Tinanggap naman ’to ni Xander at pagkatapos ay hinawakan
ang kamay ko na binitiwan ni Miggy.

“I’m Xander, Trisha’s husband. Hindi ko alam na may kaibigan pala ang asawa ko dito. Hindi ka niya nababanggit sa
akin.” Tapos ay tumingin siya sa ’kin.

“Umuwi na tayo, hon. Baka
abutin pa tayo ng ulan, makasama pa sa inyo ni baby.” Sinabi rin ’yon ni Miggy kanina pero bakit mas maganda pakinggan ’pag sa kanya nanggaling?

“Salamat, Miggy. Sige, uuwi na kami,” paalam ko na lang sa
best friend ko. Mukha kasing mainit na rin ang ulo ng asawa ko.

Bakit kaya? ’Di ba ako dapat ang galit?

“Sige, Tisang.” Mabilis niya akong hinalikan sa pisngi,
pero bigla rin akong hinila ni Xander. Ano bang problema ng
kapreng ’to?

“Sige, pare. Uuwi na kami ng asawa ko,” sabi nito kay Miggy.

Inalalayan akong sumakay ni Xander sa kotse, at pagkatapos
ay umuwi na kami. Tahimik lang kami buong byahe. Galit pa rin
kasi ako sa kanya. Galit nga lang ba?

Nagulat ako nang inihinto niya ang sasakyan at ipinarada sa
tabi, then he held my hand.

“Honey, I’m so sorry about doon sa iskandalong ginawa ni
Venice. But please listen to me first. Look, totoong may nangyari nga sa ’min, but as I’ve told you, that was before I met you. Isang beses lang ’yon at imposibleng ako ang ama nang dinadala niya kasi I used protection when we did it. Please, hon, maniwala ka.” Nagsasabi ba siya ng totoo?

“Ganoon ba ako kahirap paniwalaan? Ano ba ang dapat kong gawin?” Parang mabigat sa loob ko na hindi siya patawarin.

“Ipagpapalit mo na ba ako sa Miguel na ’yon? You were so
happy with him. Nakita ko pa nga kayong nagtatawanan.”
Nagseselos ba siya?

Natawa tuloy ako. “Selos ka na n’yan?”

“Nagagawa mo pa talaga akong pagtawanan?”

“Bakit kasi ang seryoso mo?”

“Dahil mahal kita. You are my wife at makipagpapatayan ako
kapag may nagtangkang umagaw sa ’yo.”

“Best friend ko lang si Miguel.”

“Pero close na close kayo.”

“Kasi nga best friend ko siya since high school. No need to
be jealous.”

“I don’t get jealous. Never. Ngayon lang.”

“O.A., ha? Wala ka ngang dapat ipagselos. Ikaw lang ang
mahal ko.” Ayan tuloy! Galit nga ako dapat, ’di ba?

“Mas mahal kita, honey. Please, ’wag na tayo mag-away.
Alam mo namang ’di ko kaya.” Niyakap niya ako.

“Just please, no more secrets. Tell me about all your flings.
Kagaya nga ng madalas mo ipagyabang, sa gwapo mong ’yan, baka maraming humingi ng remembrance sa ’yo.”

“Wala, honey, promise. Ikaw lang naman ang sinadya kong
bigyan ng remembrance.”

“At talagang sinadya mo pala, ha?” Pinaghahampas ko siya.

“Because I wanted you to be mine. Para hindi ka na maagaw
ng iba. Kagaya ng best friend mo kuno na ’yon.”

“Hon, kaibigan ko lang talaga si Miguel.”

“Lalaki rin ako, hon, at may kakaiba sa tingin ng Miguel na
’yon sa ’yo.”

“’Sus! Selos ka lang, e.”

Natigil ang pag-uusap namin nang may nag-text sa akin. Si
Miggy.

Tisang, this is my number. Save mo, ha? Masaya ako na
nagkita tayo ulit, pero parang masungit ang asawa mo.
Nakibasa si Xander kaya napasimangot siya. “Magpalit ka kaya ng number mo?” sabi niya sa akin.

“Honey naman, kapapalit ko lang. Magtataka na naman sina
Mommy n’yan, e.”

“Psh!” bulong siya. Ang cute niya talagang magselos.

“I love you, honey ko.” Gusto kong malaman niya na siya lang ang mahal ko. “’Wag ka na kasi magselos kay Miguel. Walang- wala ’yon sa ’yo.”

“Talaga?” Nagpa-cute naman siya ngayon.

“Hindi ka na nakatutuwa, Alexander, ha? Isa pa!”

“O, high blood na ’yan. Bawal ’yan, baka pumangit si baby.”

“Tse! Doon ka na lang kaya sa Venice mo! Ang tindi mo rin,
e. May Choleen ka na, may Venice ka pa!”

“Pero ikaw ang mahal ko, at sa ’yo lang ako.”

Kyaaaaahhhhhhh!

Ang asawa ko naman kasi, e!

“Alam mo kasi, ang pagmamahal ko sa ’yo ay parang electric fan.” Ayan na naman siya.

“Bakit naman?”

“’Yon bang steady lang, hindi na lumilingon sa iba.”

“Honey, mais ka. Ang corny mo,” sagot ko sa kanya.

“Honey, ikaw ba ’yong Pilipinas sa ‘Panatang Makabayan’?”
hirit niya ulit.

“Bakit?”

“Kasi iniibig kita nang buong katapatan.” Pwede naman
kiligin, ’di ba?

“Umuwi na nga tayo! Baka bumagyo dahil sa ka-corny-han
mo.”

"Kinikilig ka naman." Tapos hinalikan niya ako and I kissed him back.

Ang kagaya ba niya ang basta-basta ko na lang bibitawan? ‘Di natuwa sina Venice at Choleen ‘nun? Para na lang din sa baby namin at kay Chloe, ang instant anak na hulog ng langit sa buhay ko.

Itutuloy..






Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon