Nagising ako dahil parang may humahalik sa mukha ko. Nang
imulat ko ang mga mata ko…“Good morning, Mommy! Yes, my kisses woke you up. Just
like what I do with Daddy!”
Teka, sino ang batang ’to?Paano siya nakapasok sa kwarto ko? At tinawag niya akong “mommy?” Ipinikit ko ulit ang mga mata ko. Baka panaginip lang ’to na fast forward kasi malaki na agad ang anak ko. Ni wala pa nga akong dyowa, e!
“Mommy, don’t sleep again. Mr. Sun is up already!” sabi niya
sabay yugyog sa akin.So…hindi ’to panaginip? Naalala ko bigla ’yong bata sa mall
kahapon. Siya nga pala ’yon!“Baby, what’s your name?” tanong ko. Siguro naman alam niya ang pangalan niya.
“I’m Chloe Alexandria D. Rosales. Did you forget, Mommy?”
Ang hyper niya, ha! Sakyan ko muna ulit ang topak nito dahil kailangan kong malaman kung sino ang mga magulang niya.
“No, baby. I just wanted you to say your name,” palusot ko.
“Before you saw me yesterday, who was with you”?
“I was with that ugly Venice. I don’t like her. She said she’s
going to be my new mommy. But that’s not true, ’di ba, Mommy?
Because I have you!”
Tumango na lang ako.“And what’s your daddy’s name, baby?” pasimple ko ulit na tanong sa kanya.
Ngumiti siya. “Daddy is Alexander M. Rosales, and you,
Mommy, are Choleen D. Rosales,” sagot niya nang nakangiti.“Okay, baby.” So, ’yon pala ang pangalan ng mga magulang
niya. Madali nang hanapin ’yan. I was about to stand when she
held my face and…“Bakit mo ako iniwan, Mommy? Don’t you love me?” May
luhang nangilid sa mga mata niya.“Hinihintay kita palagi,
Mommy. I waited for your call and text. I prayed to Jesus to
bring you back. I miss you so much, Mommy. Please don’t ever leave me again.” Tapos iyak na siya nang iyak. Nakaaawa naman ang batang ’to, iniwan pala ng mommy niya.“Shhhhhh… Tama na, baby. I’m sorry. Please don’t cry na.
Promise, Mommy won’t leave you again.” Hindi ko alam pero
parang kinukurot ang puso ko. Mahal na mahal niya ang
mommy niya.“Thank you, Mommy.”
Pinahid ko ang mga luha niya, tapos bumili kami ng pagkain
sa labas at naghanda para hanapin ang mga magulang niya.Wala akong pasok ngayon, pero pumunta pa rin ako sa office
dahil may telephone directory doon. Pinaglaro ko muna siya ng cell phone ko habang hinahanap ko ang address nila. At nakita
ko nga! Nagmamadali kong kinopya ’yon to at dali-dali kaming umalis papunta doon sakay ng tricycle.Buti na lang alam ni manong driver ’yong 123 Street.
Matapos ang ilang minutong byahe, ibinaba niya kami sa harap ng… Mansyon ang bahay nila?!“Mommy, we’re here! You remember our house?” Hinila niya ako papasok ng gate, at sinalubong naman kami ng katulong nila.
“’Sus na bata ka, Chloe! Saan ka ba nagsuot? Kahapon ka pa
hinahanap ng daddy mo.”“I was with Mommy!” sagot niya nang nakangiti’t hawak ang
kamay ko.Nanlaki ang mata ng katulong.
“Ma’am Choleen, kailan pa
kayo dumating?” Ano raw?“Naku, Ma’am! Tiyak na magagalit si Sir Xander sa inyo. Alalang-alala ho siya sa bata at halos wala pa po ’yong tulog,” sabi ng katulong.
BINABASA MO ANG
Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)
Humor(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo. I am a 23-year old certified NBSB virgin tapos isang araw, bigla na lang akong naging nanay. Akala ko, instant coffee at instant noodles lan...