Part 5

566K 11.6K 661
                                    

Finally ay may ideya na ako sa mommy ni Chloe. Kung
magkamukha kami, ibig sabihin mala-model din ang peg ko?

Nakatutuwa naman! May pwede na pala akong bagong work if
ever. Pero paano kaya niya naatim na iwan ang kanyang mag-ama? Xander’s handsome—gorgeous, rather—at napakabait na ama. May pagka-bossy lang minsan but he can be extra sweet.

And Chloe’s a wonderful kid, napaka-sweet, cutie, and bubbly.

Poor Choleen. She’s absolutely missing out on the what real
happiness means.

Nakaharap ako sa laptop ni Chloe. Sosyal na bata, may
laptop! Samantalang ako, 23 na pero wala pa rin sariling laptop.

I opened my Facebook account. Almost a month na rin kasi
akong hindi nakapag-internet at ang dami ko ng notification at
messages, mostly galing sa mga kaibigan ko.

Bakit daw hindi na ako nagpaparamdam, at kung buhay pa daw ba ako.

Baka nahulog na raw ako sa imburnal. Tapos si Mae Ann, isa sa mga close friends ko, minessage ako.

Anyareh, Trisha Alexis? Saang butas ka nagsuot?

Hihihihi! I miss you, Melay!

Namundok lang ako, sumama sa mga Mangyan.

Adik ka ba? Ano naman ang ginawa mo doon?

Joke lang! Nakahanap ako ng bagong trabaho.

Ano naman ’yan?

Yaya, bes! Ay, hindi. Instant mommy ng isang bata.

Ann: Huwaaattt? Tanga ka ba? Cum laude ka tapos pumayag
kang maging yaya—oh, nanay—ng kung sinong bata?

Hep, hep! Chill ka lang, bes. Malaki naman ang sahod,
at take note, napakagwapo ng tatay. Papable!

Tindi mo, Tisang! Willing maging yaya dahil lang gwapo ang ama?

Hindi, ah! Dahil nga malaki ang sahod.

Don’t me, bes! Dahil kamo sa gwapong tatay!

Uy, grabe ka! May anak at asawa na ’yong tao. Pero dahil talaga doon sa bata. Napagkamalan niya kasi akong mommy niya. Magkamukha raw kasi kami.

Mahirap ’yan, girl! Paano kung mapamahal ka d’yan sa bata,
at paano kung bumalik ’yong totoong mommy, aber?

I was dumbfounded. Paano nga kaya kung mangyari ’yon?
At paano kung ma-develop kayo ng tatay niya? Sigurado ka
bang sa ’yo in love at hindi dahil kamukha ka lang ng wife niya?
Matagal na kaming tapos mag-usap ni Mae Ann pero tulala pa rin ako. Bakit kasi kinausap ko pa siya?

Para tuloy naging komplikado ang lahat.

Malalim akong nag-iisip nang may gumulat sa akin.

“Boo!”

“Ay, kapreng pogi!” Anak ng siopao naman ’tong si Xander, e!

“Sabi na, e. Pogi ako,” sabi niya sabay hawak sa baba niya at
nagpa-cute. “Pero hindi ako kapre, ha,” dagdag pa niya sabay kindat.

“Psh! Ang yabang talaga. Bakit ka kasi nanggugulat d’yan?”

“Tulala ka kasi. Sino ba ’yang iniisip mo?” Pati ba naman
iniisip ko pakikialaman ng kapreng ’to?

“Wala! May naalala lang ako.”

“Matanong nga pala kita, Trisha. Ikaw ba talaga e walang
boyfriend?” Natanong na niya dati ’yan, ah? Noong pinag-
usapan namin ang kontrata.

“Wala nga! Kulit mo rin, e.”

“Naniniguro lang. Baka bigla ka na lang maglaho at iwan
kami ni Chloe.” Bakit parang may lungkot akong nakita sa mga mata niya?

“Sa taas ng sahod ko dito? Don’t worry, Sir, hindi ako basta-
basta aalis,” nakangiti kong pahayag sa kanya.

“Dahil lang talaga sa sahod?” Tapos mas lumapit pa siya sa
akin.

Oh, my gulay! Baka makalimutan kong may asawa siya.

“Uhm…d-dahil din s-sa anak mo,” nauutal kong sagot.

Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Gahibla na lang kasi ang layo ng mukha niya sa akin.

Amoy ko na nga ang mabangong hininga niya, e. Mabango din kaya ang hininga ko?


“Pwede kayang dahil din sa ’kin?” Tapos naglapat na ang
mga labi namin. Ay, syete naman! Ba’t ba ang sarap niyang humalik? Nakailan na ’to, ha?

Hindi na tuloy virgin ang lips ko!

Mas lumalim pa ang halik niya, at napakapit na ako sa batok
niya nang hatakin niya ako patayo.

“Waahhhh! Daddy! Mommy! That’s SPG!” sigaw ni Chloe.

Bigla kong inilayo ang mukha ko sa kanya at sumubsob sa
dibdib niya. Baka mawalan ako ng balanse ’pag bumitaw agad
ako dahil nanghihina na ang mga tuhod ko.

“Baby naman, o,” reklamo nito sa anak sabay tawa. Syete
talaga itong kapreng ’to! Nagawa pang tumawa. Hinampas ko
nga ang dibdib niya.

“Aray naman, hon! Baby, o, sinasaktan ako ni Mommy,” natatawang baling niya kay Chloe.

“Ikaw kasi, Daddy, kiniss mo si Mommy. Ako lang dapat ang
nagki-kiss sa kanya!” I just rolled my eyes. Nagsama pa ’tong mag-amang ’to.

Nagulat na lang ako nang kilitiin ako ni Xander.

“Xander naman! Hahaha! Tama na! Hahaha!” Tumakbo ako papunta kay Chloe at hinila siya palayo.

“Let’s go, baby. Iwan na natin ’yang daddy mo.”

“Yes, Mommy!” Magkakampi kami ni Chloe, pero naabutan kami ni Xander at sabay niyakap.

“Huli kayo! Saan kayo pupunta, ha?” Tapos pareho niya kaming kiniliti.

Tawa kami nang tawa ni Chloe. Sa pagod, magkasabay kaming nahiga, nasa gitna namin ang bata.

“We should do this more often,” sabi ni Xander.

“Yes, Daddy! I had fun!”

“Talaga, anak? Masaya ka?” tanong niya kay Chloe.

“Yes, Daddy. Very happy! I love you and Mommy so much.”
Binigyan niya kami ng tig-isang halik sa pisngi.

“We love you too, baby. Thanks to your mommy at masaya
tayo ngayon.” Tapos ay tumingin siya sa akin. Hindi ko alam but
I saw sparks in his eyes. Masaya ba talaga siya? Isang Alexander
Rosales, masaya dahil sa simpleng kilitian lang? Niyakap niya ulit kami ni Chloe.

“Where’s my kiss?”pagmamaktol ni Chloe.

Sabay namin siyang kiniss ng daddy niya, pero nakatingin
kami sa isa’t isa ni Xander. He then mouthed, “thank you.”

Napangiti na lang ako. Pero somehow, hindi mawala sa isip
ko ang pinag-usapan namin ng kaibigan ko.

Itutuloy...

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon