Part 22

394K 6.2K 972
                                    

CHOLEEN

Galit kayo sa ’kin dahil sa ginawa ko? So what? I was only getting
what was mine, tutal ako naman ang original na asawa. Kung
wala sana ’yong Trisha na ’yon, ako pa rin ang mahal ni Xander.

Chloe would play a big part para maisakatuparan ko ang
balak ko. Malapit siya kay Trisha, at alam kong hindi naman gugustuhing masaktan ni Trisha si Chloe. Ang bait niya, ’di ba?

Kaya dapat na siyang kunin ni Lord.Umuwi na muna ako sa bahay namin. Sinalubong ako ni Mommy, na malamang ay magdadrama na naman sa akin.

Kaya gusto kong laging nasa malayo, e. Para naiiwasan ko ang mga ganitong sitwasyon.

All my life, hindi ko naramdaman na mahal nila ako. It had always been her. Sa kabila ng accomplishments ko mula noong bata ako, balewala pa rin ako sa kanila. Kaya nga sana siya na lang ang nandito at hindi na ako.

“Anak, kumusta ka? Nasaan na ang apo ko? Akala ko ba sa
wakas ay ipakikilala mo na siya sa ’min ng daddy mo?” tanong
ni Mommy.

“Hindi pa siya komportableng kasama ako. But hopefully
soon.”

“Iniwan mo kasi siya, anak. Kung sana’y hindi mo ginawa
’yon noon—”

“Stop it, Mom! Hindi n’yo na kailangan pang ulit-ulitin sa
akin ’yan. Saka anong karapatan n’yong pagsabihan ako tungkol
sa pagiging ina? Kayo nga ni minsan hindi kayo naging ina
sa akin!” I was so shocked when Dad slapped me on the face.

Narinig niya pala ang lahat nang sinabi ko kay Mommy.
“How dare you talk to your mother that way!”

Isa pa siya. Kahit kailan hindi ko naramdaman na may
pamilya ako. “Bakit, Dad? Hindi ba totoo? You never treated me
like family. Lagi na lang siya! Sana nga ako na lang ang nawala at hindi siya.”

“Alam mong hindi totoo ’yan. Ibinigay namin sa ’yo ang lahat
ng gusto mo, Choleen,” Dad explained.

“But not your your attention and definitely not your love!”

“Anak, nagkakamali ka. Mahal ka namin ng mommy mo.”

“No, Dad. Hindi n’yo ako kailanman minahal. It was always about my sister. Pero nasaan siya? Baka nga patay na ang paborito n’yong anak, e.”

“’Wag mong sabihin ’yan. ’Wag mong idamay ang kapatid mo kung galit ka man sa amin ng daddy mo!” sabi naman ni
Mommy.

“Bakit hindi? Siya ang dahilan kung bakit hindi n’yo ako
magawang mahalin. And for that, I hate her!”Hindi ko na pinakinggan ang sunod nilang sinabi. I hurriedly ran to my room and let my tears flow na kanina ko pa pinipigilan.

How I wish I could turn back time. Pero wala na rin naman
akong magagawa. Ang mababago ko na lang ay ang future ko namin ni Xander. He was the only person na nagmahal sa ’kin, kaya hindi ako papayag na mapunta siya kay Trisha.

I dialed the number of Xander’s house, hoping he would be
the one who’d answer my call.

“Hello?” It was Trisha.

“Kumusta ang mang-aagaw ng asawa?”

“Choleen, hindi ako mang-aagaw. Wala akong inagaw sa ’yo.”

“So, anong ang tawag mo sa ginawa mong pagpapakasal kay Xander? Well, pwede ring hiram lang kasi soon ay babalik din
siya sa akin.”

“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, pero ’wag ka nang
lalapit kay Chloe. Anong klase kang ina? Pati anak mo nagagawa mong idamay sa mga kalokohan mo!”

“At ikaw, mabait? Santa? Ang totoo, you’re a gold digger na nagpapanggap,” sagot ko.

“Hindi ako nagpapanggap. Uulitin ko, hindi ko kasalanan
na minahal ako ng mga taong basta mo na lang tinalikuran.”
Ginagalit talaga ako ng impostorang ’to, ah!

“Shut up! Humanda ka dahil hindi mo magugustuhan ang
mga susunod na mangyayari,” banta ko sa kanya.

“Hindi ako takot sa ’yo, Choleen. Subukan mo lang saktan
ulit si Chloe, tatalupan kitang impakta ka!” Aba’t matapang pala talaga siya!

“Sa ganda kong ito?! Ikaw ang dapat mag-ingat dahil baka
hindi masilayan ng anak mo ang mundong ito!”

“Subukan mo lang, Choleen…”

“Stop this, Choleen! Just go to hell! Subukan mo lang saktan
ang asawa ako, hindi ako magdadalawang isip na ipakulong ka,” sigaw ni Xander bago niya ako binagsakan ng telepono.

I hate them all. Magsama-sama silang lahat! Kung hindi
man mapasaakin si Xander, sisiguraduhin ko pa rin na hindi sila magiging masaya ni Trisha.

I suddenly heard a knock on my door.

“Anak, ang Mommy ’to. Can we talk?”

“Just leave me alone!”

Pero hindi niya ako pinakinggan at pumasok pa rin siya sa
kwarto ko. “Bakit ka ba nagkakaganyan, anak?”

“Matagal na akong ganito, ngayon n’yo lang napansin?”

“Anak naman…alam mong hindi totoo ’yan. Mabait kang
bata.”

Ako, mabait? “You must be mistaken, Mom. Si Maureen ang mabait at hindi ako.”

“Look, kung may pagkukulang man kami ng daddy mo sa
’yo, forgive us. Alam mong hindi madali ang pinagdaanan namin sa paghahanap sa kapatid mo,” she said as she started crying.

“Ipagpatuloy n’yo na lang ang paghahanap n’yo sa isa n’yo
pang anak. As for me, just leave me alone. Pagod ako at gusto ko nang magpahinga.”

Wala nang nagawa si Mommy kundi lumabas ng kwarto ko.

Bakit ngayon lang sila lumalapit sa akin? Ngayong hindi ko
na sila kailangan. Si Xander na lang ang kailangan ko. May naisip na akong paraan para paghiwalayin sila ni Trisha. Kakayanin kaya ni Xander kapag nawala si Chloe dahil kay Trisha? At sa babaeng ’yon naman, maaatim niya kayang
maghiwalay ang mag-ama dahil sa kanya?

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon