Part 20

439K 6.7K 482
                                    

TRISHA

I wasn’t sure why, pero nasaktan ako sa nakita ko. Gusto ko tuloy
manapak. Gustong kong ihulog si Choleen sa nagbabagang
bulkan o ’di kaya tadtarin at ihalo sa semento nang ’di na siya makapaminsala pa.

Walangdyo, e. Saglit lang nawala ang asawa ko sa paningin ko, nadali niya na. At ito namang kapre, hindi man lang pumalag.

Porke’t nilalandi siya, game naman.

Letse kasi, bakit ba ako umiiyak? Alam ko namang hindi niya sinasadya. Ako nga ang mahal niya, ’di ba? Pero naiinis pa rin ako! Muntik pang
makita ng bata ang kalandian ng impakta niyang ina.

“Honey, please talk to me. Awayin mo ako. Sapakin mo! I’m really, really sorry. I’m so stupid. Sobrang natuwa pa naman
ako kanina kasi pinuntahan mo pa talaga ako sa office, tapos
hindi pala ikaw ’yon.”

Natutuwa pala siyang dinadalaw sa office?

Magawa nga ’yon araw-araw.
“Paano kung hindi kami dumating, Alexander?” Baka mas higit pa ang nangyari sa kanila. At sa opisina niya pa talaga!

“Hindi, hon. Napansin ko naman kanina, e. I felt something
different. She was too aggressive. Ang bilis ng babaeng ’yon. I’m
so sorry.”Gusto kong matawa na lang. Para siyang maamong tuta.

Paano kasi, huling-huli ko siya sa akto. Impakta kasi ang
babaeng ’yon! Bakit ko ba ’yon naging kamukha? Dapat doon
ipa-plastic surgery, e.

“E bakit ganyan ang mukha mo?” Mapagtripan nga ’to.

“E kasi, honey, nagagalit ka.”

“Sino naman may sabing galit ako?”

“Hindi mo kasi ako kinakausap.”

“Galit nga ako—”

“Kita mo na.” Haist! ’Di pa nga ako tapos, e.

“Galit ako kay Choleen, hindi sa ’yo.”

Nagliwanag ang mukha niya.

“Talaga, hon? Thank you!”

Akmang yayakapin niya ako.
“Hep! Teka.” Iniharang ko ang palad ko sa mukha niya.

“Ganoon ba kami magkamukha ni Choleen para hindi mo
malaman na hindi ako ’yon, ha?”

“No! Ibang-iba ka sa kanya. Hindi na mauulit, hon, promise.

I was just so happy kanina na akala ko binisita mo ako. First time mo kasi dapat na ginawa ’yon, at saka miss na kasi kita agad.”

“’Wag mo akong pinaglololoko, Alexander!” Pero sa totoo
lang, kinikilig na ako.

“Bakit naman ako magsisinungaling sa ’yo? Ikaw ang mahal ko at ang buhay ko. I thought it was you I was kissing.

Natatawa pa nga ako because you were so aggressive, only to find out that it was that woman.”

“I believe you, hon. Nainis lang talaga ako kanina. Ayoko
kasing may ibang humahalik at yumayakap sa ’yo.” Napangiti siya.

Siopao lang, nagagawa niya pang ngumiti!

“Anong nginingiti-ngiti mo d’yan, ha?” Binatukan ko nga siya.

“Aww… My honey is jealous. I’m happy to know that, but uulit-ulitin ko sa ’yo, ikaw lang ang mahal ko.” He then hugged
me again.

I loved him more than anything, and I trusted him, too. Ang
sabi kasi, trust is a better complement than love kasi “you may not always trust the person you love, but you can always love the person you trust.”

“Mas gusto mo ba ’yong babaeng aggressive?” Out of the blue
ang tanong na ’yon. Kasi naman, baka mas gusto niya pala ang
ganoon.

Pinagdikit niya ang mga noo namin. “I love you just the way
you are, honey,” bulong niya.

“I love you, too.” Nasa puso ko na ang takot. What if mas
malala pa ang nangyari sa kanila?

“I love you more. Okay ka lang ba si baby?” Hinaplos niya
ang tiyan ko.

“We’re fine, Daddy,” masaya kong sagot sa kanya.

“I can’t afford to lose you or the baby, hon. Please don’t leave me. Kahit anong mangyari, walang iwanan, okay?”
Nagsusumamo ang mga mata niya.

Hindi ko naman talaga
kakayaning lumayo sa kanya,e.

“Promise,” sabi ko. He then kissed me, and I eagerly responded.

Gusto kong burahin ang bakas ng halik ni Choleen sa lips niya.

He was mine, kaya ibinuhos ko ang lahat sa halik na ’yon.

Maya-maya pa, siya na ang unang kumalas.

“Hey. Breathe, honey.” He held my face.

I smiled at him. “Those lips are mine. You’re mine. Subukan
mong mambabae at lagot ka talaga sa akin!” pananakot ko sa kanya.

“That will never happen. We belong together,” natatawa
niyang sagot saka niyakap niya ulit ako.

“Yakapan? Sali ako d’yan, Mommy at Daddy!” Biglang
lumapit sa amin si Chloe.

“Sure, baby!” Pareho namin siyang niyakap ng daddy niya.

“Hindi na po kayo galit kay Daddy?” Hala! Napansin niya
pala?

“Bakit naman, baby? Hindi naman kami nagkakagalit ng
daddy mo, ah.”

“Kanina you weren’t talking to each other in the car.” Napaka-
observant niya talaga.

“Ah, ’yon ba, baby? Kasi Daddy and I were trying if we could
communicate without talking,” palusot ko.

“Ha? Bakit po?”

“Because sometimes, when people are in love, actions speak
louder than words,” sagot ng asawa ko. Segue na naman siya.
“You grown ups are weird! Is that what happens when you
get old?”
“Who’s old, ha, baby?” sabi ni Xander sabay kiniliti ang anak
niya.
“Waaahhhh! Daddy! Waaahhhh! I’m just kidding. Mommy,
help!” Nagtago siya sa likod ko.
“Oldies ka na pala, Daddy!” tukso ko kay Xander.
“Ah, ganoon! So, kampihan na naman ’to?” Mukhang ’di ko
magugustuhan ang kasunod na mangyayari. “Do I look old to
you, ha?” Hinuli niya ako at kiniliti.
“Waaaahhh! Tama na, hon!”
“Tingnan natin mamaya who’s old sa ’tin,” bulong niya.
Ano na naman ang binabalak ng kapreng ’to?
After we ate dinner, inihanda ko na si Chloe for bedtime.
Kanina ko pa napapansin ang asawa ko, pasilip-silip sa pinto at
mukhang inip na inip na. Problema na naman niya?
Mabuti at mabilis na nakatulog si Chloe. Naabutan ko si
Xander na nanonood ng TV sa kwarto namin. Dumeretso ako
sa banyo at naglinis ng katawan, tapos tumabi na ako sa kanya.
Pinatay naman niya ang TV at umayos na ng higa.
Nakaunan ako sa braso niya habang nakatitig siya sa akin.
“Bakit, hon?” tanong ko.
Hinaplos niya ang mukha ko. “Thank you for being so
understanding. Akala ko kanina nagalit ka na talaga sa akin.”
“It’s not your fault. At alam ko namang mahal mo ako. I trust
you that much, honey.” Niyakap ko siya.
“Kahit anong mangyari, hindi niya tayo masisira.”
“’Wag lang niya akong pupunuin. Baka manghiram siya ng
mukha sa aso!” sagot ko.
“No, hon. It’s not safe para sa inyo ni baby. Ayokong masaktan
niya kayo. Kaya ako nag-hire nang magbabantay sa inyo para
siya na ang bahala kay Choleen.”
“Fine. By the way, I have a check-up tomorrow with Dok
Jerica.”
“I’ll go with you.” Ayan na naman siya. E mukhang type pa
naman siya ni Dok.
“No, hon. Ayos lang kahit hindi na. Saglit lang naman ’yon, e.”
“Kahit na, sasama pa rin ako. Bakit, ayaw mo ba akong
isama?”
“May pasok ka kasi, ’di ba?” palusot ko. Pero ang totoo, ang
lagkit kasi ng tingin ni Dok Jerica sa kanya.
“I’m the boss, hon, kaya ayos lang kahit um-absent ako. Para
naman sa inyo ni baby, e.”
Ano pa nga ba ang magagawa ko? Tumango na lang ako saka
napahikab bigla.
“May parusa ka pa sana for calling me old, but my honey is
sleepy already so I’ll let this go for now.” Ano na naman ba ’yong
gusto niya?
“Love you, hon. Good night,” sabi ko na lang, saka ipinikit ko
na ang mga mata ko.
“I love you more,” bulong naman ni Xander.

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon