TRISHA
At dahil mukhang pera ako chos lang! almost two weeks na rin akong nandito sa malaking bahay nila. Nakapag-resign
na rin ako sa trabaho ko, though noong una ay ayaw pa akong
payagan ng boss ko na umalis.Sinabi ko na lang na kailangan
kong lumuwas ng Maynila dahil sa kuya ko. Tadhana nga naman kung magbiro, naging instant mommy ako!Inihahatid ko si Chloe sa school tuwing umaga at sinusundo ko
around 10 a.m. Ako na rin ang nag-aasikaso ng ibang kailangan niya kahit may yaya siya. Sa kwarto niya rin ako natutulog katabi niya para miss na miss ko na siya kunwari.Minsan naman ay sa kwarto ng kapreng tatay niya ako natutulog dahil mag-asawa kuno kami.
Pero may rules naman ang kapre:
Employment Contract:
The following are the conditions of your employment.
There will be consequences should you fail to comply with
either of these:1. Take care of Chloe. Stay by her side and never abandon
her.2. You will stay as her mother as long as it is needed.
3. You will not have any other relationship, dates, flings,
etc., because my daughter believes that you are her mother and that we are married.4. You will act as my wife when needed, especially in
front of Chloe.5. You will receive a montly salary of Php 50,000, with
employment benefits.6. You cannot fall in love with your boss, which is me.
Termination of and any changes to this contract is only
upon my consent.Signed:
Mr. Alexander M. Rosales
EmployerMs. Trisha Alexis S. Mendoza
EmployeeNang nabasa ko ’yan, gusto kong magwala. Puro lang pabor
sa boss ko, at kahit gusto kong tumanggi, siya pa rin ang magde-decide. Buti na lang at nasilaw ako sa laki ng sahod.Madali akong makaiipon nito! Saka ko na lang poproblemahin ang pagtakas ko sa poder nila.
Madalas kaming nasa sala ni Chloe, gumagawa ng assignment niya. Matalinong bata siya kahit ’di siya turuan. Napadadali tuloy ang trabaho ko.
“Look, Mommy! Maganda po ba ang drawing ko?” Ayan na
naman siya. Akala niya talaga ako ang mommy niya.Tiningnan ko naman ang drawing niya. Holy cow! May pink bang baka? Pwede naman pagnaging corned beef na.
Maya-maya ay dumating na ang daddy niya. “How’s my
baby?” bati ni Xander sa kanya sabay buhat at halik dito.“I’m fine, Daddy. Mommy and I are doing my assigment.” Ibinida niya naman na naka-five stars siya kanina sa school.
“’Di mo ba iki-kiss si Mommy?” Teka, wait. Ano raw?
“Oh, I’m sorry, baby. Daddy almost forgot.” Tapos hinalikan
niya ako sa…pisngi lang.Pero kyaaaaaahhhhhhh, kinilig ako!
Harot harot!
Pulang-pula siguro ang mukha ko. Ibinalik ko na lang kunwari ang atensyon sa ginagawa namin ni Chloe. Kasi naman, bakit ba lagi na kailangang may halik?
Contract rule number 6, baka makalimutan ko: Bawal ma-in
love sa kanya.“Naka-five stars pala ang baby ko. Let’s celebrate!” sabi ni
Xander.
BINABASA MO ANG
Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)
Humor(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo. I am a 23-year old certified NBSB virgin tapos isang araw, bigla na lang akong naging nanay. Akala ko, instant coffee at instant noodles lan...