Part 46

321K 4.9K 358
                                    


Kahit papaano naging masaya at maayos ang birthday ng anak ko. Natuwa akong makitang masaya siya sa piling ng mga kaibigan
at mga taong nagmamahal sa kanya. Dumating din sina Mommy at Daddy. They told me to find Trisha and fix everything.

Gusto na raw nila makita ang bagong apo nila.

“Are you happy, baby?” tanong ko kay Chloe.

“Yes, Daddy. Thank you po sa party. Sana Mommy and my
baby brother were here, too.”

“Don’t be sad na. Alam mo namang ayaw kang nakikitang
malungkot ni Mommy.”

“Hindi na po, Daddy. Alam ko babalik na siya kasi ’yon ’yong
wish ko kanina.”

“Very good, baby.”
Tapos ay nilapitan na niya ang lolo at lola niya, at ibinida ang mga regalo sa kanya. I saw Ally walking toward me, a pink teddy bear in her hands. Ang galante namang yaya nito, ang laki ng regalo.

“’’Di ka na sana nag-abala pa, Ally.”

Ngumiti naman siya. “Hindi po sa ’kin galing ’to, Sir. May
nagpadala po para kay Chloe, ni-receive ko lang.”

“Kanino galing?”

“Ay, hala! Nakalimutan ko pong itanong sa nag-deliver.”

Kinuha ko ’yong teddy bear at binasa ’yong card. Sigurado ako kay Trisha ’to galing. Alam ko ang sulat kamay niya. Hindi niya talaga matiis si Chloe. Ngayon ay may pag-asa na akong mahanap siya.

Nilapitan ko ang anak ko. “Baby, a gift from Mommy.” Namimilog ang mga matang tinanggap niya ’to.

“Really, Daddy? Thank you!” Tuwa-tuwa niyang niyakap ’to.

“Maiwan muna kita, anak, ha? Pangako, pagbalik ko, kasama
ko na ang Mommy mo.”

“Yehey! Promise, Dad?”

“Promise, anak.”
Niyakap niya ako nang mahigpit.

Nagpaalam din ako kina Mommy at Daddy. Sana raw ay
matagpuan ko na ang mag-ina ko.

Nagpunta ako sa opisina ng courier. Isa ang kompanya namin sa biggest clients nila kaya alam kong hindi nila ako tatanggihan sa pakiusap ko.

“I need to know kung saan galing ang stuffed toy na nakapangalan kay Chloe Alexandria Rosales,” deretsahan kong sabi sa isa sa pinaka-head nila.

“Sa isang branch namin sa Cebu, Mr. Rosales.” Nandoon lang pala siya? Hiningi ko ang exact address ng branch nila. Alam kong malaki ang lugar na ’yon pero positibo akong makikita ko sila.

Nagpasalamat ako sa nag-assist sa akin at nagmamadaling umalis.

Tinawagan ko ang kaibigan kong detective para alamin
kung saang ospital nanganak ang asawa ko sa Cebu, lalo na ang
bayang pinanggalingan ng stuffed toy. Si Chloe na naman ang dahilan, kung sakali, ng pagkikita naming muli.

Kinabukasan ay pinuntahan ko ang branch ng courier at
tinanong kung ang asawa ko nga ang nagpadala sa branch nila
ng regalo. Ibang pangalan kasi ang ginamit niya. I showed
them her picture at laking pasalamat ko nang i-confirm nila ang hinala ko.

“Siya nga po ang nagpadala noong malaking pink na stuffed toy noong isang araw. Maganda siya. Asawa n’yo po pala ’yon?
Akala namin dalaga pa.”

“Maraming salamat sa tulong n’yo.” I asked for her address
pero wala raw siyang inilagay. Tanging Cebu City lang. Sakto
namang nakatanggap ako ng tawag mula sa kaibigan kong
detective.

“Pare, good news! I found out na sa Cebu General Hospital
nanganak ang asawa mo.”

“Talaga, pare? Ano pa ang nakalap mong impormasyon?”
tanong ko.

“Sorry, pare, ayaw maglabas ng impormasyon ng ospital.
Ginawa ko na ang makakaya ko para makuha ang address niya,
pero wala rin akong napala. Tanging ang siyudad lang ang
inilagay niya as her address.”

“Okay na ’yon, pare. Salamat.”

“I will call you again ’pag may balita na ulit,” sabi niya.

I was headed sa isang restaurant nang may nakasalubong
akong pamilyar na tao.

“Tito Mauro? Kumusta po?” It was Choleen’s dad.

“Xander, ikaw ba ’yan?”
Tuwang-tuwa niya akong niyakap.

“Opo! How’s Tita Connie?”
“We’re good, anak. Malakas pa sa kalabaw. Come, magkwentuhan muna tayo.” Mukhang wala naman siyang sama ng loob sa akin sa kabila nang nangyari sa ’min ng anak niya kaya
pumayag na rin ako.

“Kumusta na ang apo ko? Ni hindi na namin siya nakikita. Hindi mo man lang naipasyal sa bahay.” Kailan ba sila huling nagkita ni Chloe? Mukhang noong baby pa ’to.

“Malaki na po siya. She just turned five yesterday. Sorry po
at hindi ko man lang kayo naimbita. Marami lang po akong iniisip,” pag-amin ko.

“It’s okay, Xander. Sabik lang din kasi kaming makilala siya.
Panganay namin siyang apo. Kung sana’y hindi kayo iniwan ng anak ko, madalas siguro tayong magkakasama. Kumusta ka na pala? Parang pumayat ka?”

“Maayos naman po ako. May asawa na po ako, Tito. Medyo
nagkaproblema lang kami ngayon, pero masaya na po ako.” Gusto ko sanang sabihin sa kanyang ginugulo kami ng anak niya, pero I decided against it.

“Congrats! It’s about time na maging masaya ka na. Tanggap
ba naman niya si Chloe?”

“Mahal na mahal niya po si Chloe, at ganoon din ang anak
ko sa kanya.”

“Masuwerte ka pala sa asawa mo. Sana’y maayos mo agad
ang problema n’yo. ’Wag mong hayaang mawalan na naman ng ina ang anak mo. Saka bumisita ka naman sa bahay ’pag may oras ka. Matutuwa ang Tita Connie mong makita ka,” sabi niya saka niya ibinigay sa ’kin ang address nila.

“Sige po, Tito. Dadalaw po ako.” Kaya hindi ko malaman kung kanino nagmana si Choleen, e. Pareho naman kasing mababait ang mga magulang niya.

“Kung sana’y maisasama mo si Chloe, mas masaya. Hindi
kami kilala ng batang ’yon, e. Gusto naming iparamdam sa kanya na mahal namin siya. Pambawi man lang sa mga pagkukulang ni Choleen sa kanya.”

“Nasa Calapan po kasi siya. Baka sa susunod po na pumarito
ako ay isasama ko siya.”
Nagpaalam na rin si Tito Mauro kalaunan dahil may meeting
pa raw siyang pupuntahan.

Mabubuting tao ang parents ni
Choleen. Kung bakit namin kasi kabaliktaran nila ang naging
ugali ni Choleen. Lumaki tuloy si Chloe nang hindi nakilala ang
Lolo Mauro at Lola Connie niya. Pero ngayon, panahon na para
malaman ng anak ko kung gaano kabuti ang grandparents niya.
I called Mommy Sandra para ipahanda ang mga gamit ni
Chloe, at pasamahan siya kay Ally para ma-meet na niya ang
grandparents niya dito sa Cebu.

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon