Part 55

283K 5.1K 303
                                    


TRISHA

Nasa labas na kami ng bahay na pinagdalhan ni Choleen sa mga
bata. Sinabihan kami ng mga pulis na huwag magpadalos-dalos sa pagkilos.

Ang gusto ko lang naman ay maibalik na ang mga
anak namin. Xander held my hand. Ang lamig nito. "Hon, sana mabawi na natin sila," sabi niya.

"Magtiwala tayo sa itaas. Hindi niya tayo pababayaan."

"Kung ano man ang mangyari, take care of them. Mahal na
mahal ko kayo." Hinawakan niya ang mukha ko.

"Don't say that, honey. Tayong dalawa ang mag-aalaga sa
mga anak natin. Walang mangyayaring masama."
He then kissed me.

Sumama rin sa amin si Miggy. Si Jen naman, nagpaiwan na
lang sa bahay. Babantayan niya na lang daw si Ian. Naagaw ang atensyon namin ng isang babaeng may kargang
sanggol at may kasamang bata.

Sina Isha at Chloe 'yon! Palinga-
linga sila na para bang tinitingnan muna nila kung may tao sa paligid bago sila humakbang. Malamang tulog na si Choleen kaya sila nakatakas. Malalim na rin kasi ang gabi.

Medyo malayo pa kami sa kanila, kaya sumenyas muna ang mga pulis na 'wag na sila lumapit pa.

"Stay here, hon," mabilis na sabi ng asawa ko at saka tumakbo
patungo sa mga bata. Kumilos na rin ang mga pulis. Tatakbo
na rin sana ako papunta sa kanila pero pinigilan ako ni Miggy.

"Bitiwan mo ako, Miggy," sabi ko agad.

"It's not safe. Dito ka lang, Tisang."

"Ano ba?! Let go!" Pero hindi niya pa rin ako binitiwan.

Nakarinig kami ng ingay mula sa loob ng bahay. Napansin yata nila ang pagtakas ng mga bata.

Nagtago naman sina Chloe
sa likod ng mga halaman sa may garden. Nandoon na rin si
Xander at ibang mga pulis, nakakubli sa may labas ng gate para salubungin sila.

"Lumabas kayo!" sigaw ng isang lalaking galing sa loob ng
bahay, saka ito nagpaputok ng baril.

Nagulat siguro si baby Isha sa putok ng baril kaya umiyak ito.
Sakto namang lumabas si Choleen kasunod ang isa pang lalaki.

May hawak din siyang baril.
"Tatakasan n'yo pa ako, ha?" sigaw nito.

Papunta na sila kina Chloe pero mabilis na tumakbo ang
babaeng may karga kay Isha kaya nakalabas ito ng gate.
Sinalubong naman siya nina Xander. Pero si Chloe ay naiwan sa loob, at hawak na siya muli ng tauhan ni Choleen.

"'Wag kayong magpapaputok, baka tamaan ang anak ko!"
sigaw ni Xander.

Lumapit na ako sa kanila. "Anak! Baby ko!" Hinalikan ko siya.

Tiningnan ko rin at baka may sugat siya, iyak pa rin kasi siya
nang iyak. Mabuti na lang at wala. "Sshhh...Mommy's here.
Ligtas ka na, baby. Xander, si Chloe!"

Narinig kong umiiyak na rin si Chloe. "Daddy! Mommy!"
sigaw nito.

"Tingnan mo nga naman, nakapanig sa 'kin ang tadhana.
Nakuha n'yo nga ang anak n'yo, pero nasa akin naman ang isa
pa," sabi in Choleen.

Nababaliw na ba siya? Anak niya si Chloe!

"Hayop ka talaga, Choleen! 'Wag mong idamay ang bata.
Ano ba talagang gusto mo?" sigaw ni Xander.

"Ikaw, Xander! Iwan mo ang babaeng 'yan at magsama
tayong muli. Magpakasal ulit tayo!"

"Mahal ko si Trisha. Mahal ko ang kapatid mo. Pabayaan
mo na kami, Choleen. Akin na si Chloe," mahinahong sabi ni
Xander.

"At ano? Kayo lang ang magpapakasaya? Hindi pwede!
Malas mo lang, Maureen, at nabuhay ka pa."

Ibinigay ko muna si Isha sa dalagitang kanina'y may hawak
sa kanya. Nakiusap na rin ako kay Miguel na ihatid na sila sa
bahay. "Tama na, Choleen. Magkapatid tayo, at anak mo si
Chloe. Maawa ka naman, natatakot na ang bata."

Iyak pa rin nang iyak si Chloe.
"Wala kang pakialam! Anak ko nga siya, 'di ba? Buong buhay
ko, inagaw mo na ang lahat ng meron ako. Hanggang ngayon
pa rin ba?!"

"Wala akong inaagaw sa 'yo, Choleen." Ano bang
pinagsasasabi niya?

"Inagaw mo ang pagmamahal at atensyon nina Mommy at
Daddy! Wala silang ginawa kundi ang hanapin ka, tapos ngayon si Xander pati na rin si Chloe ay inagaw mo sa akin!"

"Hindi ko kasalanan na nawala ako, Choleen. Kung tutuusin
ay mas masuwerte ka't lumaki kang kasama sila. Hindi ko rin
sinasadyang mahalin ang anak mo at si Xander."

"Ang sabihin mo, mang-aagaw ka! Gusto n'yong makuha si
Chloe? Makipagpalit ka sa kanya!"

Kinabahan ako nang itutok ni Chloeen ang baril sa sarili
niyang anak.

"Sige! Basta ibalik mo ang bata," sigaw ko.

Hinila ako ni Xander. "Hon, no! Baka kung anong gawin niya
sa 'yo."

"Kailangan nating mabawi si Chloe. Maawa ka sa anak mo."

"Pero hon..."

"I love you." 'Yon na lang ang nasabi ko, tapos I let go of his
hand at naglakad na ako papunta kina Choleen at Chloe.
Kumawala si Chloe at tumakbo payakap sa 'kin.

"Mommy! Mommy ko!" iyak niya.

"Baby, listen. Go to Daddy. Tandaan mo, Mommy loves you," bulong ko sa kanya.

"No, Mommy! I'll stay with you. Please, Mama, tama na! Just
let us go," pakiusap nito kay Choleen. "I love Mommy, but I love you too kahit bad ka. Tita Marga said I am here because of you.Kaya please, Mama."
Naiyak ako sa pakiusap ni Chloe.

"Ang dami n'yong drama!" sabi ni Choleen, pero sigurado
akong nakita kong kumislap ang mga mata niya dahil sa luha.

"Sige na, baby, 'wag na matigas ang ulo. Go to Daddy." Mabuti at sumunod naman ito kaya nakahinga na ako nang
maluwag. Handa na akong harapin ang kapatid ko nang bigla kong nakitang may pulis na babaril sa kanya. I quickly ran to her at niyakap siya...and then I heard a gunshot.

"Tama na, Choleen. Magkapatid tayo at mahal kita," sabi
ko bago ako nakaramdaman ng kirot at saka nagdidilim ang
paligid ko.

XANDER

Bakit kailangang umabot sa ganito? Yakap-yakap ko na si Chloe nang biglang narinig ko ang pagputok ng baril.

Paglingon ko ay nakita kong nakayakap si Trisha kay Choleen. Nagkagulo ang mga pulis at nakipagpalitan ng putok ang dalawang tauhan ni Choleen kaya kinailangan kong itago ang anak ko.

"Daddy, si Mommy! Si Mommy!" sigaw ni Chloe.

Pareho naming nakitang bumagsak ang asawa ko.

"Baby, stay here!" At tumakbo agad ako patungo sa asawa ko.
Nakatulala lang si Choleen habang nakaluhod at yakap-
yakap ang kakambal niya.

"Honey, wake up!" Kinuha ko si Trisha at pilit siyang
ginising.

"'Wag mo kaming iiwan, mahal ko! Parang awa mo
na." Tumakbo rin si Chloe palapit sa 'min.

Mukhang tapos na ang putukan, at dinampot na ng mga
pulis ang dalawang kasabwat ni Choleen.

Binuhat ko ang asawa ko at dali-dali siyang isinakay sa
ambulansya. "Hon, please hang on." Umiiyak na rin ako.

"Mommy, wake up! Wake up, please!" sabi ni Chloe.

Bahagya namang dumilat si Trisha. "Don't cry, baby. Mahal
ko kayo," sabi niya nang namamaos ang tinig.

"Honey, we love you, too. I love you. Please, 'wag mo kaming
iiwan."

Hindi na siya nagsalita ulit pagkasabi ko noon.

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon