Part 44

307K 5.1K 300
                                    


XANDER

I came home tired. Kung saan-saan kasi ako hinatak ni Choleen.

Wala naman akong magawa dahil lagi niyang ginagawang
panakot ang hawak niyang pictures.

I saw my daughter playing with her dolls sa sala namin.
Lumingon ito nang naramdaman niya ang pagdating ko. I was
about to come near her nang tumakbo ito at nagtago sa likod ng sofa.

Oh, shoot! Nasigawan ko nga pala siya the other day.

“Baby, come here. Look, Daddy’s sorry about the other day. Pagod lang si Daddy, anak.” Dahan-dahan naman siyang lumapit sa ’kin.

“’Di ka na po galit sa ’kin?”
Binuhat ko siya at naupo kami pareho sa sofa.

“Anak, hindi naman galit si Daddy sa ’yo, e. Sorry dahil pati ikaw nadadamay sa lahat ng ’to.” Niyakap ko na lang siya.

“It’s okay, Daddy. I love you. Promise, behave po ako.”

“Go and ask Yaya na paliguan ka, anak. Ang lagkit mo na, o.”
Maliksi naman siyang sumunod. Himala at hindi niya ako kinulit about Trisha.

Text ako nang text sa asawa ko pero ni isang reply ay wala
akong natanggap. Hindi ko rin makontak ang cell phone niya
kapag tinatawagan ko siya.

Nag-aalala na ako.

Tinawagan ko na si Ally.

“Hello, Sir Xander? Buti po tumawag kayo.” Tensyonado ang boses niya.

“Bakit? Anong nangyari’?”

“Dinala ko po si Trisha sa ospital kasi nag-bleed siya. Umuwi
lang ako saglit para kumuha ng mga gamit at pagbalik ko, wala
na siya.”

“Ospital? Kailan? Kumusta siya? Anong wala na siya?” Kaya
ba hindi siya nagre-reply sa mga text ko?

“Noong isang araw po, Sir. Hindi ko po kayo makontak simula noon. Sinubukan na po namin siyang hanapin pero wala
po talaga.”

“Ilang araw na pala siyang nawawala, hindi n’yo man lang
ako tinawagan?!” Nasaan na ang asawa ko? “Hintayin n’yo ako
d’yan. Hahanapin natin siya.”
I called a pilot to fly me to Cebu using our private plane. Para
akong tanga na ingat na ingat na ’di masaktan ang asawa ko
without knowing na nawawala na pala siya. Sinusunod ko ang
lahat ng gusto ng bruhang si Choleen para sa kapakanan ni
Trisha, tapos malalaman ko na nawawala na pala siya? Bahala
nang malaman ng asawa ko ang nangyari sa amin ni Choleen,
basta ang mahalaga ay ligtas siya.

Magtatakip-silim na nang nakarating kami sa rest house sa Cebu.

“Sana nag-text ka man lang sana, Ally. Nasan na ang asawa
ko?” salubong ko sa nurse.

“Sorry po talaga. Sinubukan ko namang tawagan kayo.”
Nakausap ko na rin ang mag-asawang katiwala namin, pero kahit sila ay walang alam at walang balita kung nasaan ang
asawa ko.

Tinanong ko si Ally kung paanong nag-bleed siya. Naabutan niya lang daw ’tong umiiyak, nakaupo malapit sa binili kong laptop para sa kanya.

Pinuntahan ko ang silid niya. Wala raw siyang dalang gamit,
kahit ang cell phone niya at wallet ay iniwan niya. Saan siya nagpunta? Mamamatay na ako sa pag-aalala.

Sinuri ko ang laptop niya at binuksan ’to. Parang wala
namang kakaiba. Napansin kong nakabukas ang Facebook
account niya, at bumungad sa ’kin ang pictures namin ni
Choleen. All this time, napadala na pala ’to ni Choleen kay
Trisha. Pinaglalaruan niya lang pala ako. Maaaring ito ang dahilan kung bakit dinugo at nawawala ngayon ang asawa ko.

Baka akala niya nagkabalikan na kami ng impaktang babaeng
’yon! Knowing Trisha, masyadong malambot ang puso noon.

Baka kung anu-ano na ang naisip niya.

Diyos ko, tulungan n’yo akong hanapin ang asawa ko.

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon