Masaya ako dahil tanggap ako ni Ate Marga. Napakaswerte ko
talaga dahil mabait ang pamilya ng asawa ko.Hindi natuloy ang dapat na bakasyon namin sa Boracay, pero mas nanghinayang ako na hindi natuloy ang pag-uwi namin sa probinsya ko. Nami-miss ko na kasi sina Mama at Papa, pati na ang mga kapatid ko. Kahit hindi sila ang biological family ko, ni minsan hindi ako naramdaman na iba ako sakanila. Minahal at inalagaan talaga nila ako.
I was four nang ampunin ako nina Papa. Nakita na lang ako
ng kapatid ni Papa sa bangka nila. Galing sila sa iba’t ibang
isla para maghatid ng gulay noon, at hindi raw nila malaman kung saan sa mga islang ’yon ako nanggaling at kung paano ako
napadpad sa bangka nila.Hindi nila malaman kong saan ako ibabalik, at dahil marami na raw anak sina Tito Eric, si Papa
na ang umako na mag-aalaga sa akin habang hinahanap pa nila
ang pamilya ko.Sinubukan naman nilang hanapin ang mga magulang ko,
ngunit wala raw talagang naghanap sa akin. Wala rin akong sinasagot noon ’pag tinatanong nila ako tungkol sa pamilya ko.Iyak lang daw ako nang iyak, kaya eventually ay tuluyan na nila akong inampon.
Napaka-cute ko raw na bata kaya tuwang-tuwa sina Mama sa
akin, pati ang ate at kuya ko, na pareho na ngayong may pamilya.Malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil itinuring nila akong tunay na kaanak.
Nasa malalim akong pag-iisip nang gulatin ako ng kapre
kong asawa. Kagagaling lang niya sa banyo.“Ano bang iniisip mo at hindi mo man lang napansin ang paglapit ko sa ’yo?” tanong niya.
“Naalala ko lang sina Mama. Paano na lang kung hindi sila
ang nakaampon sa akin? Naging maayos kaya ang buhay ko?”
Alam na ni Xander ang tungkol sa nakaraan ko.“Baka hindi ka si Trisha, at baka hindi mo sana napangasawa
ang gwapong tulad ko.” Ayan na naman siya sa kayabangan
niya, e!“Heh!”
“Kidding aside, wala ka bang balak hanapin ang totoong
pamilya mo?”“Sinubukan ko na rin naman, kaso wala talaga, e. Sa tanda
kong ito, hinahanap din kaya nila ako? O baka sadyang iniligaw nila ako, o ’di kaya itinapon dahil ayaw nila sa akin?Mahirap hanapin ang mga taong ayaw magpahanap, hon. Alam mo ba, kaya ’di ko maatim na iwan si Chloe noon kasi ayokong maramdaman niya ang pakiramdam na iniwan at hindi binalikan.” Hinalikan at niyakap niya ako.
“And I thank you for loving Chloe.”
“Dahil ’yon din ang ipinaramdam sa ’kin nina Mama at Papa. Hindi batayan ang pagiging magkadugo sa pagiging magulang.”
“Thank you, honey. Don’t worry, makauuwi rin tayo sa inyo. Doble ingat lang muna tayo para sa inyo ni baby. I love you.”
Naku! Nilalandi na naman ako ng asawa kong ito. Kung saan-saan pa nakararating ang kamay niya, ah.
“Alexander! Buntis kaya ako.” Ang landi niya talaga…at parang nagugustuhan ko naman.
“Honey, pwede pa naman daw sabi ni Dok. Tinanong ko kaya.”
“Bakit mo tinanong ’yon? Nakahihiya ka!”
“Para alam ko kung masama ba ’yon kay baby o hindi,” nakangisi niyang sagot.
Tapos bigla akong natakam sa mansanas ulit. “Hon, I want
to eat apple.” Pero hindi siya gumalaw. Nainis tuloy ako at
padabog na lumabas ng kwarto.“Hep, hep! Galit na ’yan. Honey naman, ’di ka na mabiro.
Syempre sasamahan kita.”Niloloko lang pala ako ng kapreng ’to! Bumaba na kami sa kusina. Marami kaming apple kasi nagpabili siya kay manang kaninang hapon. Ipinaghiwa niya na ako matapos niyang hugasan ’to. Ikinuha niya na rin ako ng ketchup.
“Ito na ang midnight snack ng honey ko.” Masaya niyang
inilapag ’yon sa harap ko.
Nag-umpisa na akong kumain kahit panay naman ang ngiwi
niya. Masarap naman talaga kasi, e.Halos ganito kami gabi-gabi. Masaya akong sinasamahan
ako ni Xander, kahit minsan alam kong sukang-suka na siya
na panoorin akong kumakain nito. Pero ni minsan ay hindi siya nagreklamo.Balik na kami ni Chloe sa routine namin. Inihahatid ko siya sa
school kahit noong una ay ’di pumayag si Xander. Pero I insisted dahil kaya ko pa naman.May bodyguard nga lang kaming laging kasama para hindi raw makalapit sa amin si Choleen. At kagaya ng dati, inihahatid kami ng asawa ko. Minsan, saktong
pagbaba namin ng sasakyan ay papasok na rin ang teacher ng
bata, si Teacher Jen, na maganda at sexy pa. Ba’t kaya nagguro
’to? Pwede naman siyang maging model o artista.Binati siya ni Chloe pero napansin kong sa asawa ko nakatuon ang pansin niya. Haist! Lahat na lang ba pinagnanasaan ang asawa ko?
“Good morning, Teacher Jen!” masiglang bati ni Chloe sa
kanya.“Good morning, Chloe! Good morning, Mommy and Daddy.”
“Good moring, Teacher Jen,” halos magkasabay naming bati
ni Xander sa kanya. Mabuti at hinila na siya papasok ni Chloe.
Hinarap ko ang asawa ko at tiningnan siya nang masama.“What? Wala akong ginagawa, ah.” E bakit ang defensive ng
kapreng ’to?“Sasama-sama ka pa kasi. Pwede namang si Kuya ang maghatid sa ’min. Gustong-gusto mo namang nagpapa-cute sa
’yo si Teacher Jen.”“Honey naman… Nagseselos ka ba?”
“Selos ka d’yan! Oo na, sige na. Alis na kasi.”
“Take care, hon. I love you.” Ang dami niya talagang asukal sa katawan.
“I love you, too.”
Mabilis niya akong hinalikan tapos nagbilin pa siya sa
bodyguard saka siya sumakay ng sasakyan. Nagpunta naman
ako sa waiting area kasama ang ibang nanay at mga yaya. Saglit
lang naman kasi ang klase ni Chloe.
BINABASA MO ANG
Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)
Humor(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo. I am a 23-year old certified NBSB virgin tapos isang araw, bigla na lang akong naging nanay. Akala ko, instant coffee at instant noodles lan...