Mabilis na nagdaan ang mga araw. Two months na akong nasa Cebu. Hindi naman sila makadalaw sa akin at parati raw nasa bahay si Choleen.
She was desperately trying to win them back. Nagpapakabait na nga raw siya. For real o baka nagpapanggap lang? I wasn’t sure. But still, I missed them.
Pero wala naman akong magawa. They would call me
naman, pero bakit iba ang pakiramdam ko? Gustong-gusto
kong lumuwas pero alam kong mahihirapan ako. Seven months pregnant na kasi ako. Mabuti na nga lang talaga at kasama ko si Ally kaya hindi ko ramdam masyado na nag-iisa ako.Laking tuwa ko nang nakatanggap ako ng tawag mula sa best friend ko.
“Tisang?”
“Unggoy ka! Buhay ka pa pala?” mangiyak-ngiyak na bungad
ko sa kanya.“Na-miss mo ba ako?”
“Oo naman! Ba’t ngayon ka lang tumawag?”
“Nawala kasi ’yong phone ko. Ninakaw siguro.”
“Paano ka nakatawag sa ’kin?”
“Nakuha ko kay Jen ang number mo. Slow din kasi ako, ’di ko
naisip agad na may number ka sa kanya.”“Kumusta? Kayo na ba?”
“Malapit na, Tisang.” Aba at pursigido ang unggoy!
“Wala ka pala, e. ’Di ka pa rin sinasagot,” biro ko sa kanya.
“Ang mga tipo niya kasi ay ’yong hindi minamadali. Saka
nag-e-enjoy naman akong ligawan siya.”“Kumusta na ba si Teacher Jen?”
“Ayon, guro pa rin. Hehehe! Ba’t ka ba nand’yan sa Cebu, Tisang? Iniwan mo na ba ang pamilya mo?”
Ikinuwento ko sa kanya ang sitwasyon namin.
“Ang bait mo talaga, e, ’no? Ikaw ang nagparaya.”
“Hindi naman, Miggy. Pansamantala lang naman ’to.”
“Baka naman wala ka nang balikan?” Ba’t ako kinabahan sa sinabi niya?
“Kapag binibisita ko si Chloe, lagi kong nakikita ang ex-wife
ng asawa mo sa bahay n’yo. Anong ginagawa niya doon?”“Alam ko naman, Miggy. Sinasabi sa ’kin ni Xander. Nag-iingat nga kami kasi ang alam niya, kusa akong lumayo.”
“Binigyan mo lang siya ng pagkakataong lapitan at angkinin ang pamilya mo. ’Wag kang masyadong mabait, Tisang. Baka hindi mo mamalayan nakuha na pala niya ang pamilya mo.”
“Hindi naman mangyayari ’yon, Miggy. Mahal ako ng asawa
ko.”“Just make sure na hindi ka niya masasaktan. Magbabantay
ako, Trisha Alexis. Mananagot siya sa ’kin kapag niloko ka niya.”“Don’t worry. I trust Xander.”
Pagkatapos ay nagpaalam na siya. Susunduin niya pa raw
kasi ang anghel niya. Kailan pa ba nagpalit ng pangalan si
Teacher Jen?Tahimik na ulit sa bahay kaya naglakad-lakad na lang muna
ako. Makabubuti raw sa akin ’to, para hindi ako mahirapan
manganak.Masaya naman dito, nakapapamasyal naman ako.
Saka natutuwa ako sa mga anak nina Ate Monet at Kuya Hayde dahil ang sisipag nilang mga bata. Naaalala ko nga si Chloe sa bunso nila, ang bibo rin kasi. Nalilibang akong makipagkwentuhan sa kanya kaya kahit papaano ay naiibsan ang pangungulila ko sa
bata.“Mommy!”
Miss ko na talaga si Chole kaya naririnig ko na lang bigla ang
matinis niyang boses.“Mommy! Mommy!”
This time malinaw na ang boses niya. Lumingon ako at nakitang tumatakbo siya papalapit sa akin.
“Baby?” Lumuhod ako para salubungin ang yakap niya.
“Surprise!” Pinaulanan niya ako ng halik. “Miss na kita,
Mommy!”“Miss na miss ka rin ni Mommy, baby ko!”
“Big na si baby, Mommy. Ang laki na po ng tummy mo.”Tinulungan naman ako ni Xander na tumayo. He smiled saka iniabot niya sa ’kin ang bulaklak na dala niya.
“I miss you, hon.” Niyakap niya rin ako so I buried my face sa dibdib niya.
“I miss you, too. So much.”
Pinunasan niya ang mga luha ko at hinalikan ako sa labi.“Daddy!” sabat si Chloe.
Bahagya kong itinulak si Xander.“Baby naman, na-miss ko lang si Mommy mo. Can you cover
your eyes na lang?” reklamo niya. Na-miss ko rin ang bangayan nilang mag-ama.“No! Can’t you wait, Daddy? Maiipit po si baby n’yan, e. You
didn’t even say hi to my little brother.” Tapos kiniss niya ang
tummy ko.Lumuhod si Xander at hinalikan ang tiyan ko. “Hi, son! Did
you miss Daddy?” Parang sigurado talaga silang lalaki siya, ah?“Oh, my! Did he just move?” Nanlaki ang mga mata niya.
“Really, Daddy?” tanong ni Chloe.
“Yes, baby. Na-miss din tayo ng kapatid mo.” Hinimas-himas
niya ang tummy ko. “Hey, little one! Daddy loves you.”“Me, too! Me, too! I love you, baby,” sigaw naman ni Chloe.
“Na-miss ko kayo. Akala ko nakalimutan n’yo na akong
dalawin, e.”“Pwede ba ’yon? Kay Chloe pa lang na halos araw-arawin
akong kinukulit para puntahan ka. Muntik-muntikan pa ngang
marinig ni Choleen ang plano namin. Mabuti at nakalusot kami sa kanya.”“Anak, mag-iingat ka, ha? Baka malaman ng iba na nagtatago si Mommy sa bad witch.”
“Yes po, Mommy. I promise.” Tapos nagtatakbo siya sa
buhangin. Tama akong magugustuhan niya ang lugar na ’to.“Paano kung hanapin kayo ni Choleen, hon?” tanong ko.
“Wala siya, hon. Isinama siya ni Ate Marga sa Hong Kong.
Mga three weeks din sila doon kaya mahaba-haba ang oras
namin para makasama ka.”“Talaga? Magtatagal kayo dito?” nakangiti kong tanong.
Siguro sinadya ni Ate Marga na gawin ’yon. Ang bait niya talaga.“Yes, hon. We can spend time, at sulitin natin ang mga araw
na wala ang babaeng ’yon.” He kissed me again.Nagmerienda muna kami habang si Chloe ay nakipaglaro sa mga anak ni Ate Monet. Gagawa raw sila ng sand castles.
“Are you happy?” tanong ng asawa ko sa akin habang
nakapulupot sa beywang ko ang braso niya.“Sobra, hon.”
“Iniinggit n’yo ako, e,” biglang reklamo ni Ally.
“Kinikilig ka naman,” tukso ko sa kanya.
Nag-pout siya at nag-walk out na rin para makisali sa mga bata.
“Ang adik talaga ng babaeng ’yon,” natatawa kong sabi.
“Kumusta ka naman dito, hon?”
“Mabuti naman. Nalilibang din naman ako dahil tumutulong
akong alagaan ang mga halaman dito.”“Mabuti at may napaglilibangan ka,” nakangiting sabi niya.
“Marami naman kasing pwedeng pagkaabalahan dito. Isa
lang naman ang kulang dito, e.”“Ano?”
“Hindi ano, sino. Kayo lang naman ni Chloe ang kulang dito,” malungkot na pahayag ko.
Malungkot na ngumiti si Xander.
“Alam kong may plano ang Diyos para sa atin. Hangga’t kakampi natin Siya, walang
imposible.”
BINABASA MO ANG
Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)
Comédie(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo. I am a 23-year old certified NBSB virgin tapos isang araw, bigla na lang akong naging nanay. Akala ko, instant coffee at instant noodles lan...