Part 33

337K 5.6K 483
                                    

XANDER

Maaga akong nagising habang tulog pa rin si Trisha. She was
my angel, at hindi ako papayag na maghiwalay kami all because of Choleen.

Choleen belonged to my past, at kahit anong gawin niya, hindi siya magtatagumpay. Kahit mabigat sa loob ko ang
mapalayo kay Trisha, mas mabuti na ito kaysa sa may mangyari pang masama sa mag-ina ko. Pansamantala lang naman ’to, hangga’t wala pa akong maisip na paraan para tuluyang mawala si Choleen sa buhay namin.

“Good moring, honey,” bati ko sa kanya.

She smiled, ang ngiting hahanap-hanapin ko tuwing umaga na hindi kami magkakasama. I then hugged her tight.

“Good morning, hon. Baka naman gusto mong luwag-
luwagan ’yang yakap mo. ’Di na ako makahinga, e.” Hindi talaga nauubos ang sense of humor niya.

“Take care of yourself, okay? Tawagan mo ako if you need
me. We have a private plane so I can go there anytime.”

“Oo na, kayo na ang mayaman! I’ll be fine. ’Wag ka na kasing
mag-alala. Galingan mo mamaya sa acting mo, ha? Dapat pang-
FAMAS. At mister, bawal ang chicks, ha? Malaman-laman ko
lang na nambababae ka, humanda ka talaga sa akin!”

“Hindi ko gagawin ’yon kasi ikaw lang ang mahal ko.”

“Daddy, paano po ako napunta sa room ko?” Hindi ko
napansin na nakapasok na pala ng kwarto namin ang anak ko.

“Ang likot mo kasi, anak. Baka masipa mo ang tummy ni
Mommy kaya inilipat kita sa room mo.”

“Sorry, Mommy,” sabi naman niya.

“Okay lang, baby. Ang daming kalokohan ng Daddy mo, e.”
Niyakap niya ang bata. “Be a good girl, all right? ’Wag sasama sa strangers, okay? Makikinig ka lagi kay Daddy, pati kay Lola
at Tita, including your yaya. Susunduin ka today ni Teacher Jen at pupunta kayo sa house niya.”

Tinawagan niya kagabi si Jen kung pwedeng sa bahay na
muna niya sila mag-stay for her homeschool, para maiwas siya
sa mga mangyayari mamaya.

“Promise, I’ll be a good a girl. I love you and the baby!”

“I love you too, baby. Mami-miss kita.” Nagyakapan kaming tatlo. Mabigat pa rin sa dibdib pero
kailangan naming magkalayo dahil sa kagagawan ni Choleen.

“’Wag na malungkot, Mommy. We will call you naman, e,”
sabi pa ng anak ko.

Inasikaso niya pa rin ang bata at ipinaghanda ng baon. Mahal
na mahal niya talaga ang anak ko. Maya-maya ay dumating na
rin si Teacher Jen.

“Salamat, Jen, at pumayag kang sa inyo muna si Chloe.

Kasama niya naman ang yaya niya kaya hindi ka mahihirapan sa kanya,” sabi ng asawa ko sa guro.

“Okay lang, Trisha. Mabait na bata si Chloe kaya hindi siya
mahirap alagaan. Matutuwa pa nga ang parents ko, e. Mahilig
kasi sila sa bata.”

“Salamat talaga, Teacher Jen,” sabi ko naman.

“Walang ano man, Mr. Rosales.” Ang tamis ng ngiti niya sa ’kin.

“Masyado ka namang pormal, Teacher Jen. Xander na lang.”
Nilapitan ko ang asawa ko dahil sinamaan na naman niya ako ng tingin. Selosa rin kasi siya, e.

“Anak, behave ka, ha?” baling niya sa bata.

“Yes, Mom.” Paiyak na naman ang anak ko kaya niyakap siya
ni Trisha kahit alam kong pinipigilan niya lang din umiyak.

Hinatid na namin sila sa sasakyan. Parang ayaw pa sana ni Chloe bumitiw kay Trisha, pero sinabihan niya na lang itong tatawagan niya ito mamaya. Eventually ay umalis na rin sila kasama ang yaya niya.

Pinanood kong mag-ayos si Trisha. ’Di ko napigilan kaya
niyakap ko siya mula sa likod.

“Hindi ka pa umaalis, nami-miss na agad kita.” Hinalikan ko
ang balikat niya.

“Ako rin naman, hon. But we have to do this.” Humarap siya
sa ’kin at niyakap ako nang mahigpit.

“I love you so much. Lagi mong tatandaan ’yan.” Hinalikan
ko siya sa labi.

“Mahal na mahal na mahal din kita,” sagot niya.

Bumaba na kami. Si Mommy ang maghahatid sa kanya dahil
may dapat pa akong asikasuhin.

“Take care, hon,” paalam niya.

“Ikaw din. Naghihintay na si Nurse Ally sa airport.”

“Thank you, Mommy,” baling ko kay Mommy.

“Anak, ’di mo na kailangang magpasalamat,” sabi niya naman.

Pagkaalis nila, nag-text si Ate Marga na padating na sila ni
Choleen, so I got myself ready. Pang-best actor dapat ang acting ko ayon na rin sa bilin ng asawa ko.

Hawak-hawak ko ang kunwaring sulat na ginawa niya. Ilang
beses niya ’tong inulit kasi nilulukot ko. Paano ba naman, ito kasi ang nakasulat:

Patawad, Xander.
Nagsinungaling ako.
Hindi kita mahal, at
kailanman hindi kita
minahal. 'Wag mo na
akong hanapin pa.

I heard an engine stop. Sila na ’yon. Kinuha ko ang cell phone
ko at nagkunwaring tinatawagan ang asawa ko.

“Sumagot ka, hon! Parang awa mo na.”

Saktong pumasok sina Ate Marge at Choleen.

“What happened, Xander?” tanong ni Ate.

“I don’t know, Ate. Paggising ko, wala na siya. She just left me
this letter.” Ipinakita ko sa kanya ang sulat.

“This can’t be! Hindi ako naniniwalang hindi ka niya mahal.”

Ang galing din ni Ate, ah! Pwede nang mag-artista.

“Alam kong may dahilan ang pag-alis niya. Hahanapin ko pa
rin ang asawa ko.”

“Bakit mo pa siya hahanapin? Nabasa mo na naman, hindi
ka na niya mahal,” sabi naman ni Choleen. Ibitin ko kaya siya
patiwarik?!

“Hindi ko basta-basta isusuko ang asawa ko dahil mahal na
mahal ko siya. Kaya manahimik kang babae ka!”

“Xander, ’wag mo nang hanapin ang taong ayaw na sa ’yo. Nandito naman ako. We can start all over again.” Akala niya
talaga kapag umalis si Trisha ay babalik ako sa kanya?!

“Nagpapatawa ka ba, Choleen? Wala na tayong sisimulan dahil matagal nang tapos ang kung anong meron tayo.” Nakita
kong nasaktan siya sa sinabi ko. Dapat lang ’yon sa kanya.

“Ano bang meron ang babaeng ’yon at nagpaakatatanga ka
sa kanya? Hindi na siya babalik kailanman!” sigaw ni Choleen.

“Bakit parang siguradong-siguradong ka? Gagawin ko ang lahat para bumalik siya.”

Lumapit siya sa ’kin at niyakap ako. “Please, Xander, I’m so
sorry sa lahat nang nagawa ko sa inyo. Patawarin mo na ako.
Ako na lang ulit ang mahalin mo, please. Hayaan mo na si
Trisha,” pagmamakaawa niya.

“Mapatatawad kita, Choleen, pero hindi pa ngayon. Just
give me time. May iba na akong mahal at hindi matatapos ang
pagmamahal na ’yon dahil sa pag-alis niya.” Inilayo ko siya sa akin, at nilapitan naman siya ni Ate Marga.

“Sis, tama na. Let’s go. Ihahatid na lang kita,” sabi nito kay
Choleen.

“Gagawin ko ang lahat para mahalin mo ulit ako,” sabi niya
bago siya tumalikod sa akin.

Napailing na lang ako. Hindi ko ginusto ang nangyari sa amin. Siya naman kasi ang unang tumalikod sa amin at hindi
ako. Mas pinili niya ang career niya. At kung kailan naman
masaya na kami, saka siya manggugulo.

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon