XANDER
Ang saya ng simula ng araw ko kaya for the first time in a long
time, panay ang ngiti at bati ko sa mga empleyado ko.Pasalamat sila kay Trisha dahil ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong klase ng saya.
“Lea, pakikuha nga ang proposal ng bagong client natin sa attaché case ko,” utos ko sa sekretarya ko.
“Yes, Sir,” sagot niya. “Ah, Sir? Itong sandwich?”
“What sandwich?” Inabot niya sa ’kin ang dalawang pares ng
sandwich na may note.Napangiti ako sa nabasa ko.
Have a good day, Mahal. I love you.
“Sweety! Pagsabihan mo nga ’tong sekretarya mo. Ayaw akong papasukin!”
Napalingon ako sa nagsalita.
“I’m sorry, Sir,” paumanhin ni Lea.
“It’s okay, Lea. Iwan mo na lang kami.”
Lumapit sa akin ang bagong dating. “Miss me, sweety?”
Tinangka niya akong hawakan pero mabilis akong lumayo sa
kanya.“What are you doing here, Choleen?” Ang lakas ng loob
niyang magbalik ngayon, ah.“Masama bang dalawin ang husband ko?”
“Ex-husband. Nakalimot ka yata.”
“But sweety, we can start over again. Look, I’m sorry for
everything I did. I’d like to make it up to you and our daughter.”“Akala mo ganoon lang kadali ’yon?”
“Xander, alam kong nagkamali ako. But I’m here now, asking
for your forgiveness. Hindi ko na kayo ulit iiwan.”“Too late, Choleen. Hindi ka na namin kailangan kaya huwag
mo na kaming guluhin.”“No! Galit ka lang. I want you back, sweety. And besides, ako
pa rin ang ina ni Chloe.”“Get lost! Wala ka ng anak. Naaalala mo naman siguro ang
ginawa mo sa kanya, ’di ba? Kaya kong patunayan kahit saang hukuman na wala kang kuwentang ina. Kaya subukan mo lang na guluhin kami ng anak ko…” Damn her!Pagkatapos ng lahat saka siya babalik para manggulo?
“Fine, I’ll go. But we’re not done yet. Babalik din kayo sa akin,” sabi niya saka siya nagmartsa palabas.
Tinawagan ko agad si Trisha pagkaalis niya.
“O, honey! Napatawag ka?” bati sa akin ni Trisha. Saglit pa lang kaming nagkakahiwalay pero miss ko na agad siya.
“Okay lang kayo d’yan? How’s Chloe?”
“O.A., ha! Kanina lang tayo naghiwalay. Bakit, may nangyari ba?”
“Ah, wala. Na-miss lang kita.”
“Ay, ’sus! Sige na nga, I miss you, too.” Tapos tumawa siya.
“Oo nga pala, hon. Thank you sa sandwich.”
“You’re welcome! Baka kasi magutom ang mahal ko, e.”
“I need to go, hon. Ingat kayo pauwi, ha? Please take care of
Chloe for me.”“No need to ask me that. Anak ko na rin siya. Bye, honey ko.”
I would never let her and Chloe get hurt. Lalo na ngayong
nagbalik si Choleen.TRISHA
Dumaan kami ni Chole sa mall dahil gusto niyang mamasyal.
Kaya tinext ko na lang ang driver na sa mall kami sunduin.
“Mommy, I want cotton candy. Please?” Idinadaan na naman
niya sa pagpapa-cute niya.
“Okay, baby. Pero isa lang, ha?”
“Yehey! Thank you, Mommy!”
Habang kumakain siya ng cotton candy ay nagpaalam muna
ako sandali sa kanya.“Baby, dito ka lang, ha? Bibili lang si Mommy ng tubig.”
“Okay!”
Habang bumibili ako ay lingon ako nang lingon sa kanya. Baka kasi mamaya ay mawala na naman siya. Hinihintay ko na
lang ang sukli ko nang napansin kong may babaeng lumapit sa kanya. Napansin ko agad na parang kamukha ko siya, mas
sosyal lang siya manamit. Hinila nito si Chloe, na halata namang
ayaw sumama sa kanya, habang nakatingin ’to sa direksyon ko.
Nagmadali akong lumapit kay Chloe.
“Put me down! Wahhhhhhh! Mommy!” sigaw ni Chloe.
“Ma’am! Please, akin na po ang bata,” pakiusap ko sa babae. Saglit niya akong tiningnan.“Who the hell are you? ’Wag
kang mangialam dito. Anak ko ’to.” Lalong nag-iiiyak si Chloe dahil sa pagsigaw noong babae.
“Remember me, Chloe? I’m your mommy,” baling nito sa bata.
“No! You’re not my mommy. Put me down! Wahhhhhhh!
Mommy!” Pilit kong kinuha si Chloe sa kanya pero itinulak niya ako kaya natumba ako.Ouch lang, ha! Aba’t maldita pala ’tong kawangis kong ’to!
“You’re mean! I hate you. Don’t hurt my mommy!” Pinagpapalo ni Chloe ang mukha noong babae kaya napilitan itong ibaba ang bata. Tumakbo naman agad si Chloe papunta sa
akin.“Mommy! Mommy!”
“Shhhh… Tama na, baby.” Binuhat ko siya at pinatahan.“Sino kang impostora ka? Bakit ‘mommy’ ang tawag sa ’yo
ng anak ko?” Hindi ko na siya pinakinggan.Mabilis ko na lang kinuha ang mga gamit namin at umalis na. Nakita ko naman agad si manong driver at nakaalis agad kami.
Panay pa rin ang hikbi ni Chloe habang papauwi na kami.
“Who was that woman, Mommy? Bakit ka niya itinulak? What’s
‘impostora?’”
“Tahan na, baby. Hindi naman nasaktan si Mommy, e.” Pinili
kong ’di sagutin ang mga tanong niya.Paano ko naman kasi ’yon ipaliliwanag sa bata? Mommy niya naman talaga kasi ’yon.
Tama nga sila, magkamukha kami. Sosyalera lang ang bihis
niya at mas payat siya sa akin. Nagbalik na siya, kaya dapat ba
akong mag-alala? Pero mahal naman ako ni Xander at hiwalay na sila.
Niyakap ko si Chloe. Paano kung bawiin sila ni Choleen sa akin?Napaiyak na lang din ako. Baka hindi ko kayanin kapag mangyari ’yon dahil napamahal na sa akin ang mag-ama.
Iututloy...
BINABASA MO ANG
Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)
Humor(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo. I am a 23-year old certified NBSB virgin tapos isang araw, bigla na lang akong naging nanay. Akala ko, instant coffee at instant noodles lan...