Magkapatid kami? Hindi lang nagkataon na magkamukha
kami? She was really my twin?! Ang taong naging dahilan
nang pagiging miserable ng buhay ko at ang taong umagaw ng taong mahal ko ay iisa lang?Kinuha niya na ang lahat sa akin, at panahon na para ibalik ko sa kanya ang lahat ng paghihirap na dinadas ko.
I confronted my parents. “Kailan n’yo balak sabihin sa ’kin
na si Trisha ang kakambal ko?” Padabog kong ibinigay sa kanila ang DNA test result.“Hindi ba’t hindi ka rin naman natuwa noong sinabi naming
nakita na namin ang kapatid mo? Bakit ngayon ay nagagalit
ka?” sagot ni Dad.“Sinong matutuwa, Dad? Inagaw niya sa ’kin si Xander pati
na ang anak ko. Mang-aagaw ang babaeng ’yon!”“Walang inagaw sa ’yo ang kapatid mo. Wala siyang alam.
Ikaw ang nang-iwan sa pamilya mo kaya bakit isisisi mo sa
kapatid mo ang lahat?” sagot ulit ni Dad.Kahit kailan talaga ay kampi sila kay Maureen.
“Inagaw niya pa rin ang mag-ama ko kahit ano pa ang sabihin n’yo! Mula pagkabata ay inagaw niya na ang lahat sa akin. Pati ba naman sina Xander at Chloe?”
“Anak, tama na. Walang inagaw sa ’yo ang kapatid mo.
Matagal siyang nawalay sa ’tin kaya hayaan mo naman siyang
maging masaya,” sabi naman ni Mommy.“Hayaan? At ano, siya lang ang maging masaya? Akin ang
mag-ama ko. Akin lang sila!”“Mahal niya ang anak mo, at mahal din siya ni Chloe. ’Wag
mo nang ipilit ang sarili mo sa kanila. Hindi mo na maibabalik ang nakaraan.”“No way, Mom! No way! Sana isipin n’yo rin ang kaligayahan
ko kahit ngayon lang. Hindi ’yong puro si Maureen. Sana
namatay na lang siya!”Sinampal ako ni Mommy. ’Yon ang unang pagkakataong
pinagbuhatan niya ako ng kamay.“Sumusobra ka na, Choleen!”
umiiyak na sabi ni Mommy.Hinawakan niya ang dibdib niya na para bang nahihirapan siyang huminga. Nataranta si Dad at mabilis niyang tinawag ang mga katulong. Pinanood ko lang silang nawala sa paningin ko.
Ang dinig ko, dadalhin nila si Mommy sa ospital. Tulala akong napaupo sa sofa. What have I done?
TRISHA
Nasa kwarto kami ng asawa ko, nagpapahinga. Kakapatutulog
ko lang sa kambal, dahil kahit may yaya ang mga anak ko, mas gusto ko pa rin na ako ang nag-aasikaso sa kanila.“Tired, hon?” tanong ni Xander.
“Hindi naman. Medyo lang.”
Niyakap niya ako.“Thank you, hon. Masuwerte ako at ang mga anak natin dahil ikaw ang ina nila.” He then kissed me on the cheek. Kinilig naman ako.
“Mahal ko kayo at masaya akong inaalagaan kayo.” Niyakap
ko siya pabalik.“I love you more, Mrs. Trisha Alexis Rosales. Bagay na bagay
talaga ang apelyido ko sa ’yo,” sabi niya saka niya ako hinalikan sa labi. Agad naman akong tumugon.“I’ve missed this, hon. I’ve
missed you. Thank God you’re back.” Ibinaon niya sa leeg ko ang mukha niya at mahigpit akong niyakap.“Alam kong na-miss mo ako, pero hindi ako makahinga,”
nakangiting reklamo ko.“’Wag mo akong tinutukso, hon,” sabi niya sabay kindat sa akin.
“Hep, hep! Ni hindi pa nga marunong gumapang ang kambal, e.” Alam ko na kasi ang binabalak niya.
BINABASA MO ANG
Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)
Humor(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo. I am a 23-year old certified NBSB virgin tapos isang araw, bigla na lang akong naging nanay. Akala ko, instant coffee at instant noodles lan...