Part 45

324K 5K 377
                                    

TRISHA

After two months…

Kahit mahirap at mag-isa lang ako, kinaya ko. Kinaya ko para
sa mga babies ko na sina Isha and Ian. Mabuti at hindi nila ako pinahirapan.

I was so scared na caesarean manganak. Bukod sa wala
akong sariling pera, sino ang mag-aalaga sa mga anak ko
habang nagpapagaling ako? Sobrang pasalamat ko dahil hindi ako pinabayaan nina Tito Mauro at Tita Connie. Utang ko sa kanila ang buhay naming tatlo.

Tuwang-tuwa sila sa kambal ko. May apo na raw silang aalagaan. They helped me with everything, from hospital bills hanggang sa gamit ng mga anak ko. Ikinuha pa nila ’to ng yaya.

Dalawa pa sana kaso hindi na ako pumayag. Sobra-sobra na kasi ang itinutulong nila sa akin.

Dalawang linggo na ang nakalipas nang nanganak ako.
Kamukha sila ng tatay nila. Hindi ko ma-explain ang feeling nang nasilayan ko sila. Sana magkasama kami ni Xander noong nanganak ako, kaso wala siya.

“Hello, babies! Mahal na mahal kayo ni Mommy. Sorry, mga
anak, at wala ang daddy n’yo. Pero promise, ipakikila ko kayo sa kanya sa tamang panahon.”

“Umiiyak ka na naman ba, anak?” tanong ni Tita Connie.

“Masayang-masaya lang po ako sa pagdating nila. Sayang
lang at wala ang daddy nila para makita rin sila.”

“Mahal na mahal mo talaga siya.”

“Opo, sa kabila nang mga nangyari. Siya lang ang tanging
lalaking mahal ko at mamahalin ko, ang ama ng dalawang anghel ko.” Nasaktan ako pero kahit anong subok ko na kalimutan siya, hindi ko magawa.

“’Wag kang mawalan ng pag-asa, anak. Manalig ka lang.
Malay natin, pagsubok lang ang lahat ng ’to.”

“Hindi na po ako umaasa, Tita, dahil alam kong masaya na
siya sa pamilya niya. Pero sana ’pag nagkita sila ng mga anak ko, kilalanin niya rin ang mga ’to.”

“Ang sabi mo mabuting ama ang asawa mo, kaya ’wag kang
mawalan ng loob. Matutuwa ’yon.” Binuhat niya si Isha at
hinalikan ang mga kamay nito.

“Ang ganda-ganda ng baby Isha namin, o. Mana sa lola ’yan.”
Napangiti ako kay Tita Connie. Sakto namang umiyak si Ian
at kinalong ko na lang din siya.

“Aba! Marunong ka na agad magtampo, ha? Paano pala ’pag
mag-isa lang si Mommy?”kausap ko sa panganay ko. Mas nauna
kasi siyang lumabas kaysa kay Isha.

“’Wag kang mag-alala, anak. Lagi kaming nandito ng Tito
Mauro mo para sa inyo,” sabi ni Tita Connie.

“Salamat po.” Nahihiya man ako sa kanila, wala naman akong
ibang mapuntahan. Pagkatulog ng kambal, lumabas na rin ng kwarto si Tita.

Inayos ko lang saglit ang mga gamit ng mga anak ko at bababa na rin sana ako, nang narinig ko ang pagtatalo nina Tito at Tita
mula sa kwarto nila.

“Kailan mo balak sabihin sa kanya? Lumabas na ang resulta
ng DNA test, Mommy,” sabi ni Tito Mauro.

“Konting panahon pa, Dad. Baka hindi pa siya handa. Alam mo naman ang sitwasyon niya. Baka lalo lang siyang maguluhan.”

“Gusto ko nang magpakilala sa kanya bilang daddy niya.
Gusto kong malaman niya na may kakampi siya sa mundong ito, na hindi siya nag-iisa dahil nandito tayo.”

“Kahit ako, Dad. Gusto kong ibsan kahit papaano ang bigat
sa loob niya, pero ’wag natin siyang madaliin.”

Hindi ko alam kung bakit napaiyak ako bigla. Siguro ang
anak nila ang pinag-uusapan nila. Kung sino man siya, sana alam niya kung gaano siya kapalad at binigyan siya ng mapagmahal na ama’t ina tulad nina Tito at Tita.

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon