CHOLEEN
May kakaiba akong pakiramdam. May kung anong nagtutulak sa ’kin na umuwi na. Mabuti’t sumang-ayon si Marga. Don’t get me wrong, we enjoyed shopping in Hong Kong.
Marami pa nga akong ipinamili para sa mag-ama ko. Kaunti na lang din at makukuha ko na sila ulit. At kapag nangyari ’yon, isiguraduhin kong hindi na magbabalik pa si Trisha sa buhay namin.
FLASHBACK
Eighteen years ago, nagbakasyon kami ng pamilya ko in Cebu, isang lugar na hindi ko kailanman ginustong puntahan.
I had little memory of my childhood dahil na rin siguro sa sama ng loob ko. Sabi ni Yaya, masaya kaming naglalaro ni Maureen making sand castles noon. Malapit na malapit daw kami sa isa’t isa, dahil na rin siguro kambal kami. We were four years old then, at mas matanda lang ako sa kanya by a couple of minutes.
Tapos, umalis lang daw saglit si Yaya noon para kumuha ng
tubig because I was thirsty. Wala noon sina Mom at Dad dahil
may pinuntahan sila sa bayan.
That day, nawala si Maureen. Ang sabi ko raw kay Yaya,
Maureen was just hiding kasi naglalaro kami ng taguan. Pero
lumipas ang ilang oras at hindi na siya nahanap ni Yaya. When
Dad and Mom came home and found out what happened,
nagalit sila. Muntik na nga nila palayasin si Yaya, pero hindi ako pumayag. They reported what happened to the police, pero hindi rin nila nahanap si Maureen. Days, weeks, months, and years passed, pero wala pa ring balita sa kakambal ko.Sabihin n’yo ng masama ako, but I wished na hindi na talaga bumalik pa si Maureen.
They kept on asking me kung ano ang nangyari, pero wala
akong matandaan bukod sa isang bangkang papalayo.I would often ask Yaya kung ano ang pagkakaiba namin ng
kakambal ko, kasi kahit magpanggap akong si Maureen, alam pa rin ng parents kong ako si Choleen. Hindi lang isang beses ko ginawa ’yon para lang mahalin ako nina Mom and Dad.Yaya said Maureen was the sweet one. Namana rin niya ang katalinuhan ni Daddy at kabaitan ni Mommy, samantalang ako ay walang namana from them. I hated her because kasabay ng pagkawala niya ay ang pagbabago nang pakikitungo nina Dad
at Mom sa akin.Wala silang ginawa kundi mag-aalala at hanapin siya. Mom would always cry, at kapag nilalapitan ko naman siya, ayaw niya akong tingnan. Kahit hindi nila sinasabi, pakiramdam ko sinisisi nila ako sa nangyari. I was left alone and neglected. Si Yaya lang ang tanging meron ako. Puro na lang kasi sila “Maureen.”
Kasama ko ang mga magulang ko sa bahay pero hindi na nila
ako nakikita. Ninakaw ni Maureen ang pagmamahal ng mga magulang namin when she disappeared. That was why I hated her. Kung buhay pa siya, sana manatili na lang siya kung nasaan man siya. Dahil kung hindi, I’d make sure na pagsisisihan niya kapag nagbalik pa siya.END OF FLASHBACK
Kaya hindi ako makapapayag na pati si Xander ay mawala sa
akin. Siya lang ang tanging nagmahal at nagpahalaga sa akin.Akin siya at hindi sa malanding babaeng ’yon! She reminded me so much of Maureen—mang-aagaw. Mabuti na lang at tanga si Trisha, mahina siya and gave up easily. Ngayon, nataboy ko na siya. Sisiguraduhin kong hindi na niya gugustuhing bumalik pa, and she’d be gone forever just like my sister.
Magsama sila sa impyerno! Mga mang-aagaw!
BINABASA MO ANG
Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)
Humor(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo. I am a 23-year old certified NBSB virgin tapos isang araw, bigla na lang akong naging nanay. Akala ko, instant coffee at instant noodles lan...