Part 48

330K 5.1K 417
                                    

Halos lumuwa ang mga mata nito pagkakita sa akin. Teka, bakit ganyan ang reaksyon niya?

Kahit gulat, marahan niya pa ring inihiga si Ian sa kama.

“Honey?! Paanong… Anong… Nandito ka?” Halos hindi niya
alam ang sasabihin niya as I saw tears in his eyes.

“Ibig sabihin
si baby Ian at…” dagdag niya habang palapit sa amin.

“Baby Isha. Oo, anak mo sila.”
Kinuha niya si Isha sa akin.

“Hello, baby. Ako ang daddy
n’yo.” Tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya.

Maging ako ay napaiyak na rin.
“Kaya pala. Unang kita ko pa lang sa kapatid mo kanina
parang may kung ano na akong naramdaman. Anak ko pala
kayo. Baby, kilala mo ba si Daddy? Mahal na mahal ko kayo ng mommy n’yo.”

Napasinghap ako sa sinabi niya. Mahal niya ako? Pero paano
na si Choleen?

“I’m sorry, baby. Wala man lang si Daddy noong isinilang kayo. I couldn’t find you and mommy kahit anong pilit kong hanapin kayo.” Inilapag na niya pagkatapos si Isha sa crib nito.

Kinabahan na ako nang lumingon sa akin si Xander, at
nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.

“I miss you, hon. So much. Hindi mo alam kung gaano kahirap
sa akin ang nakalipas na dalawang buwan.” Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso niya. “Why, hon? Sana tinanong mo man lang ako. Sana hinintay mo man lang ang paliwanag ko.”

Sinubukan kong kumawala sa yakap niya pero lalo niya lang
’tong hinigpitan.

“You know very well that Choleen wanted to break us up.
Planado niya ang lahat.” Impaktang babaeng ’yon!

Bumitiw na siya. Gusto ko pa sana, e. Traydor talaga ang
puso ko. Pero galit pa rin ako dahil niloko nila ako.

“Honey…” He held my face and quickly claimed my lips.
Parang ibinuhos niya doon ang lahat-lahat. Miss na miss ko na
siya.

I savored the moment. Okay na sana pero naalala ko, may
ibang labi nang lumapat sa mga labi niya. So, I put my hands on
his chest at itinulak siya palayo.

“Galit ka pa rin ba? Hindi ko ginusto ang nangyari, hon.
Kagagawan ’yon lahat ni Choleen.” Gustong-gusto ko siyang paniwalaan pero nasaktan na ako.

“Mommy!” sigaw ni Chloe at saka niyakap ako.

“Baby!”

“Nakita ka na ni Daddy! I’ve missed you, Mommy.”

“I’ve missed you too, baby.”

Iyak na naman siya nang iyak. “Please don’t leave us again,
Mommy.”

“Sorry, baby. Marami lang nangyari. Sorry at nadamay ka
sa lahat ng ’to.”

“Please, Mommy, don’t leave me again. Please…”

“Oo, anak. Lagi na tayong magkikita, promise.”

“Oo nga pala, halika. May ipakikilala si Mommy sa ’yo.”
Binuhat ko siya at saka lumapit kami sa cribs ng mga kapatid
niya.

“Ate, meet baby Isha and baby Ian, your siblings.” Namilog ang mga mata niya. “Two? Galing sila sa tummy mo?”

Manghang-mangha siya.

“Oo, anak. Kambal sila.”

“Really, Mommy? Yehey! Dalawa na agad ang kalaro ko. Why Isha and Ian, Mommy?”

“Alexa Isabelle at Troy Adrian, anak.” Matagal ko rin pinag-
isipan ang mga pangalan ng kambal ko.

“Waahhh! Ang ganda po ng names nila, Mommy.”

“Shhhhhh…anak. Baka magising sila,” saway ng kapre sa kanya. Hindi ko man siya pinapansin, nakita ko pa ring masaya siya na magkakasama na kami.

“Daddy talaga!” At pinagtawanan niya ang tatay niya. Natawa na rin ako.

“Sige, pagtawanan n’yo lang ako. ’Pag lumaki na sina Ian at Isha, sila na ang kakampi ko,” naka-pout na sabi nito, tapos
binuhat niya si Ian.

“Bilisan mo lumaki, ha? Para maglalaro tayo ng basketball.”
Biglang sumulpot si Ally.

“Nanganak ka na pala! Kanina ko lang din nalaman noong nag-usap kami ni Tita Connie.”

“Teka, kilala mo si Tita Connie?” tanong ni Xander.

“Nakilala namin siya dati doon sa rest house n’yo. May bahay
bakasyunan din sila doon sa lugar na ’yon,” paliwanag ko sa
kanya.

“Kaya ba dito ka nakitira? Sa kanila ka lumapit dahil akala
mo niloko kita?” Ayan na naman siya. Sa harap pa talaga ng mga
anak namin niya itinanong ’yon!

“Please, Dad, Mom, don’t fight. Baka umalis na naman po si
Mommy.” Paiyak na naman si Chloe.

“Anak, nag-uusap lang kami ng daddy mo.” Pinabantayan ko
muna ang kambal kay Ally at niyaya si Chloe lumabas. Sakto
naman ang pagdating ni Tita Connie.

“Aba, apo, mukhang nagkakilala na kayo ng Tita Trisha mo, ah?”

“No, Lola, she’s my mommy,” malutong na sagot nito.
Napakunot ang noo ni Tita.

“Ah, Tita, hindi ko po alam kung paano nila ako nahanap, pero sila po ang matagal ko nang ikinukwento sa inyo. Sina
Chloe at Xander po.”

Tila lalong naguluhan si Tita, kaya pinasamahan niya muna
si Chloe kay Yaya Suzi sa garden.

“Ibig mo bang sabihin, ang
asawang sinasabi mo ay si Xander, at ang batang inalagaan mo at minahal ay si Chloe?” tanong niya pagkatapos.

“Opo. Bakit po, Tita?” Bakit parang issue kay Tita ang tungkol sa ’min? At bakit nga nandito sina Xander?

Magkakakilala ba sila? Bakit lola ang tawag sa kanya ni Chloe?

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon