Part 12

475K 8.7K 313
                                    

Mabuti at marami akong mga kaibigan, madaling naisakatuparan ang mga plano ko. Kasama ko si Trisha ngayon, at wala siyang ideya kung saan kami papunta. Iniwan ko muna kay Mommy si Chloe, at nag-hire na rin ako ng guards para magbantay sa bahay just in case manggulo na naman si Choleen.

“Saan ba kasi tayo pupunta? Nakaputi ka pa d’yan. May
lamay ba?” biro niya.

Lamay agad? Nandito na kami sa opisina ng kaibigan kong
judge. May mga kaibigan akong inimbitahan para maging
witness. Nilapitan ng sekretarya ko si Trisha at inayusan nang
konti, tapos binigyan na siya ng bouquet nito.

Nanlaki ang mga mata ni Trisha, mukhang alam na niya kung ano ang mangyayari. Pumwesto na ako sa unahan, habang siya ay nakatayo at amused pa rin. Kung ’di pa siya binulungan ni Lea, hindi siya mag-uumpisang maglakad.

When the music started to play, she looked at me and
mouthed, “Ano to?”

Napangiti na lang ako habang pinapanood siyang maglakad.

Sa araw na ito, aking mahal,
ay matutupad ating pinapangarap

Ang pag-iisang dibdib nating dal’wa, na tanging Diyos ang nagtakda

O kay sarap isipin, aking sinta,
mga alaalang sa atin ay nagdaan

Lalo na ang lambingan at tampuhan, na naging bahagi ng ating pagmamahalan

Hindi ko akalaing matatagpuan ko pa ang kaligayahan ko, ang taong magpapatibok ulit ng puso ko, at ang nagbibigay kulay sa buhay namin ng anak ko.

Maaasahan mo, sa ’yo lang ang pag-ibig ko,
’Di magbabago ang pangako ko sa ’yo, oh
Umulan man at umaraw, ako’y kasama mo,
’Di maglalaho ang pag-ibig ko sa ’yo, oh
Maaasahan mo

Pagkalapit niya sa akin, I quickly wiped her tears away. Ang ganda talaga ng honey ko, iyakin nga lang.

“I know, hon, this is not your dream wedding. But I promise
you we will still have a real one soon. But this is my way of proving to you that I really do love you, at handa akong
pakasalan ka kahit ilang ulit pa. I love you with all of me, and I
will take care of you forever if you’ll allow me to. Please, honey, pakasal ka sa akin?”

“Adik ka talaga!” She smiled.

“’Di ba I already said ‘yes?’ I
never doubted your love for me dahil ramdam ko namang totoo
’yon. Worried lang ako because I can’t imagine life without you
and Chloe. You give me happiness that I’ve never felt before, at masaya ako dahil sa ’yo ko na-expereince ang maraming firsts sa buhay ko…and hopefully you’ll be my last as well. I love you, too. I don’t mind marrying you wherever or however, as long as you’re my groom. I want to share the rest of my life with you. I want to take care of you and Chloe and our own children.”

Niyakap niya ako, and I couldn’t help but cry dahil sa mga sinabi niya.

Tumikhim ang kaibigan kong judge. Napangiti na lang kami
pati na ang mga witness. We then proceeded to the wedding
ceremonies.

“Alexander, tinatanggap mo ba si Trisha Alexis Santos
Mendoza upang maging kabiyak?” tanong ng judge.

“Yes, I do.”

Bumaling naman sa kanya ang judge.

“Trisha, tinatanggap
mo bang maging kabiyak si Alexander Molina Rosales?”

“Yes, I do, Father—este—Judge po pala! Carried away lang.”
Napangiti ang lahat sa sagot niya.

“I now pronounce you man and wife. You may kiss your bride.”

Nagkantiyawan na ang lahat, and I willingly obliged and
passionately kissed my lovely wife.

Nagpa-reserve ako ng lunch sa isang kilalang restaurant.
Doon ko na pinapunta si Mommy kasama si Chloe. Kahit sila, walang ideya sa nangyari. Napagalitan pa ako ni Mommy dahil hindi ko man lang daw siya isinama sa kasal. But in the end, binati niya kami and wished us the well.

“Thank you, mahal ko. Hindi ko talaga inaasahang gagawin
mo ’to,” my wife told me nang nakapagsolo na kami.

“Anything for the love of my life. Pero forgive me, honey, it
wasn’t…”

Umiling siya. “It was the best wedding. I love you, dear
husband.” She gave me a quick peck on the lips then giggled.

“I love you more, dear wife. Can we go now? I can’t wait to
claim my price!” She blushed.

“Behave, honey! Nakahihiya sa kanila,” sabi niya sabay hampas sa dibdib ko.

Hinuli ko naman ang kamay niya at hinalikan ’yon. Mabuti
at nagpaalam na rin isa-isa ang mga kaibigan namin. Na-gets na rin naman kasi nila na kailangan na namin mapag-isa.

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon