TRISHA
Matapos ang ilang araw ng ligaya, ito ngayon ang kapalit,
at si Chloe ang higit na nasasaktan sa lahat nang nangyayari.Sinundan ko siya sa kwarto kung saan ko siya nakitang nakadapa sa kama at umiiyak. Sana hindi siya galit sa amin ng daddy niya.
“Baby, sorry that Mommy Trisha lied to you…” Bumangon siya at humarap sa ’kin.
“Please, Mommy, tell me it’s Tita Marga who’s lying. Ikaw ang mommy ko, ’di ba?”
“I’m sorry, baby, pero totoo ang sinabi ng tita mo. That woman is your real mom. Siya ang Mommy Choleen mo. Patawarin mo kami ng daddy mo, baby. Gusto niya lang maging masaya ka,” paliwanag ko.
“But you could be my mommy, right?” Nagsusumamo ang
mga mata niya.“Syempre naman, baby. Wala namang nagbago. I still love
you.” Nagliwanag ang mukha niya. “Please, Mommy, ikaw na lang ang mommy ko and not that bad woman!”“Baby, don’t say that. Give her a chance kasi she’s still your mom. Kung hindi dahil sa kanya, wala ka dito sa mundo. Alam mo ba, you are so lucky kasi dalawa ang mommy mo.”
“But…”
“No but’s, baby. Will you promise Mommy Trisha you will give her a chance para mapalapit sa ’yo? Please?”
“Okay. But promise me also na hindi mo ako iiwan.”
“Promise, ’di kita iiwan,” sabi ko sabay taas ko ng kanang
kamay ko.“Yehey! I love you, Mommy,” sabi niya sabay yakap sa ’kin.
“I love you too, baby.”
Nagulat ako nang biglang nakiyakap sa ’min ang pogi kong mister. “Sali ako d’yan!” sabi niya.
“Daddy, I can’t breathe,” reklamo ng bata.
“Oh, sorry, baby. Are you mad Daddy lied to you?”Umiling si Chloe.
“Mommy said you only want me to be happy.” Napatingin si Xander sa akin, at tumango na lang ako sa kanya.
“You look like her, Mommy. Kaya pala you said noon sa mall
that you’re not my mommy.” Natatandaan niya pa ’yon?“Yes, baby. Pero hindi kita matiis noon kaya hindi kita iniwan. Iyak ka kasi nang iyak. And then your dad asked me if I could pretend to be your mom, which is wrong kasi ’di ba bad magsinungaling?”
“But I’m happy you’re my mommy. Sana ikaw na lang talaga ang real mom ko. Please, Daddy?”
“Baby, Mommy Trisha can also be your mom kasi we’re already married.” Kumunot ang noo ng bata.
“Ha? When? I thought I’ll be a
flower girl?” Naku, oo nga!Dapat kasi sa church wedding ay siya ang flower girl.
“Yes, you will still be a flower girl sa church wedding namin
ni mommy mo. Civil wedding lang kasi ’yong nauna. When you grow up, you’ll understand,” paliwanag ni Xander.“Oh, okay. So, Mommy will stay because she’s your wife?” paninigurado ni Chloe.
“Yes, baby.”
“Yehey! Thank you, Daddy!”
“Oo nga pala, baby, may sasabihin ako sa inyo ng Mommy Trisha mo.” Kinandong ko si Chloe at pareho kaming humarap kay Xander.
He continued, “Choleen, your real mom, will stay with us for
a while. Gusto niya kasing mapalapit sa ’yo.”Ano?! Magsasama kami sa iisang bahay?
“Hon, okay lang ba sa ’yo? Ayoko sanang pumayag pero balak
niyang ilayo si Chloe ’pag ’di ako pumayag.”Blackmail lang? ’Di maganda ang set up na ’to, ah. Pero dahil mabait ako…
“Wala namang problema, hon, basta para sa bata. ’Di ba, baby?” sagot ko.
Napatingin sa ’kin si Chloe. “Kailangan ba ’yon, Mommy?”
“’Di ba you promised you’d give her a chance?”“Okay. But can I call her Mama? Ikaw lang ang Mommy ko,”
sabi niya sabay yakap sa ’kin.Napatingin ako kay Xander.
“Sure, baby!” sagot naman ng daddy niya.Maya-maya ay nakatulog na si Chloe, malamang dahil na rin
sa stress. Nahiga na rin kami ng asawa ko sa aming kama at
nag-usap.“Hon, salamat, ha. At sorry na rin,” panimula ni Xander.
“Ano ka ba? Nang nagpakasal ako sa ’yo, kasabay noon ang
pagtanggap ko sa lahat nang possibleng mangyari sa ’yo. Kaya ’di ka dapat mag-sorry at magpasalamat sa akin.”He held my face at hinalikan ako sa labi. Then, out of nowhere,
bigla ko na lang gustong kumain ng apple.“Honey! Kain tayong mansanas?” paglalambing ko sa kanya.
“Sige. Pero mamaya na, honey.” Niyakap niya ako. Nainis ako bigla saka bumangon.
“Ako na nga lang! Parang
apple lang, e.”“Hon, ang bilis naman magbago ng mood mo?” kunot-noong
tanong niya.Bigla naman akong na-guilty. Ba’t nga ang sungit ko? “Ikaw
kasi! Nagugutom na nga ako, e.”“Sige na nga. Tara na sa baba.”
“Yehey! I love you, honey ko.”
Mag-aalas tres pa lang naman ng hapon. Ikinuha niya ako
ng tinapay at nagtimpla pa ng juice. Pero ang gusto ko nga ay
mansanas, ’di ba?Bingi ba siya?
“Honey naman… Gusto ko ng apple, e,” pagmamaktol ko.
Napailing siya’t naghalungkat sa ref. Hinugasan niya ang
mansanas at hiniwa ’to, saka ibinigay sa ’kin.Kumuha ako ng ketchup at isinawsaw ang mansanas dito.
Sarap na sarap ako sa kinakain ko pero ang asawa ko, mukhang masusuka na.“Gusto mo, honey?” alok ko sa kanya.
“Sige, ikaw na lang,” tipid niyang sagot.
BINABASA MO ANG
Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)
Humor(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo. I am a 23-year old certified NBSB virgin tapos isang araw, bigla na lang akong naging nanay. Akala ko, instant coffee at instant noodles lan...