TRISHA
Naiinis ako dahil kahit hindi ako takot kay Choleen, naapektuhan pa rin niya ang buhay namin. Chloe had to quit regular school, at si Teacher Jen na lang ang pumupunta sa kanya to home school her.
Mabuti at hindi mahirap paliwanagan si Chloe.
“Baby, Mommy’s sorry you have to study at home.”
“It’s not your fault, Mommy,” sagot niya, pero ang lungkot
naman ng mukha niya.“Pansamantala lang naman ’to, baby. Promise, babalik ka ulit
sa school.”“It’s okay, Mom. Daddy said worrying’s not good for you and the baby.” Ang bait niya talaga. Buti na lang ’di siya nagmana
sa ina niya.“Get ready na, baby. Parating na si Teacher Jen mo. Anong
gusto mong pasalubong?” Aalis kasi kami ni Ate Marga, magbo-
bonding daw kami.“I want ice cream, Mommy.”
“Sige. Bibili si Mommy mamaya, okay?”
“Yey! I love you, Mom and baby.” Tuwang-tuwa niya akong
niyakap.“I want a hug, too. Don’t you love Tita?” sabi ni Ate Marga.
“I love you too, Tita.” Niyakap niya ang tita niya at hinalikan.
Ipinagbilin ko na si Chloe sa yaya niya at umalis na kami ni
Ate. Panatag ako kasi nasa bahay din naman si Mommy Sandra.
Kami naman ay may kasamang bodyguard.Ang daming pinagbibiling damit ni Ate para sa akin. Sila na
talaga ang mayaman! Masaya rin pala siyang kasama dahil ang
daldal niya.“’Yan, sis. Naku! These dresses will look perfect on you.
Lalong mai-in love sa ’yo si Xander,” sabi niya.“Ang dami na nito, Ate. Salamat talaga.”
“Ano ka ba? We’re family na.”
Nag-ikot-ikot pa kami pagkatapos. Bumili rin kami ng shoes at kung anu-ano pa, tapos napansin niya yata na pagod na ako.“Okay ka lang ba, sis? Namumutla ka.” Pinaupo niya muna ako sa isang bench.
“I’m fine, Ate. Napagod lang siguro ako.”
“I’m so sorry. Malalagot ako sa asawa mo nito. Just stay here.
Bibili lang akong tubig.”“Bantayan mo siya,” bilin niya sa bodyguard ko. Madami na
kasing bitbit si Kuya Mike kaya nahiya siguro siyang magpabili
pa ng tubig dito.“Kuya Mike, ihatid mo na lang muna ’yan sa kotse para ’di ka
mahirapan,” sabi ko.“Pero Ma’am, hindi ko po kayo pwedeng iwan.”
“Okay lang ako, Kuya. Saglit ka lang naman at pabalik na rin
si Ate Marga.”Nagdalawang-isip siya pero sumunod din naman.
Patingin-tingin lang ako sa mga dumadaan nang bigla akong
nahilo, and then everything went black.MARGA
Kung kailan naman ako nagmamadali saka pa natagalan.
Ang haba ng pila, samantalang mineral water lang naman
ang binibili ko. Nagmadali na lang akong balikan si Trisha
pagkatapos. Pero pagdating ko sa pinag-iwanan ko sa kanya,
wala na sila. Saan kaya nagpunta ’yon? Tumingin-tingin ako
sa paligid dahil baka naglakad-lakad lang sila. Then I saw her bodyguard.“Uy, Kuya! Where’s Trisha?”
“Ma’am, inutusan niya po akong ihatid sa kotse ang mga
pinamili n’yo. Nandito lang po siya kanina.”
BINABASA MO ANG
Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)
Humor(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo. I am a 23-year old certified NBSB virgin tapos isang araw, bigla na lang akong naging nanay. Akala ko, instant coffee at instant noodles lan...