Part 47

322K 5.6K 506
                                    

Dumating na sina Chloe at Ally. Pinagpahinga ko na muna sila sa rest house habang ipinagpatuloy ko ang paghahanap sa asawa ko.

Malakas ang pakiramdam ko na magkikita na rin kami.
Ipinakita ko sa mga pinagtanungan ko ang litrato ni Trisha, pero wala raw silang nakikitang kamukha niya kaya I decided na umuwi na muna.

Naabtuan ko ang anak kong nakipaglalaro sa mga anak ni
Ate Monet.

“Hi, Daddy!” Sinalubong niya ako ng halik.

“Hindi ka ba napagod sa byahe, anak?”

“I’m fine, Daddy. Nakapag-rest na po ako. Kailan po tayo
pupunta kina Lolo at Lola?”

“Bukas, anak. Makikilala mo na ang Lolo Mauro at Lola Connie mo.”

“Daddy, are they nice? Baka they are like Mama Choleen.”

“Mababait sila, anak. ’Wag kang mag-alala, they love you
kasi apo ka nila.”

“Sana nga, Daddy. I want to get to know them, too.”

Napasarap ang kwentuhan namin nina Kuya Hayde at Ate
Monet kaya hindi ko napansin na maggagabi na pala. Kumain
na kami ng hapunan at nagpahinga pagkatapos.

Nasa kwarto na ako nang tawagan ako ng kaibigan kong
detective. Hindi pa rin daw nila ma-locate ang asawa ko.

The next day, bumiyahe kami papunta sa bahay nina Tita
Connie at Tito Mauro. Medyo malayo-layo rin ang bahay
bakasyunan nila, pero after an hour ay nakarating rin kami sa
kanila.

“Daddy, is this Lolo and Lola’s house? Ang ganda po!” sabi
ni Chloe.

“Oo, anak.”

Nag-doorbell na kami at pinagbuksan agad kami ng katulong nila. Sinalubong din kami ni Tito Mauro.

“Xander, hijo. Tuloy kayo. Si Chloe na ba ’yan? Ang laki na
niya at ang gandang bata!”

“Siya nga po. Chloe, siya ang Lolo Mauro mo.” Medyo nahihiya pero lumapit naman siya sa lolo niya at nagmano.

Lumuhod si Tito Mauro at niyakap si Chloe. “Ang laki-laki
mo na, apo! Sorry at hindi ka man lang nadadalaw nina Lolo
at Lola.” Hinalikan siya ni Tito, at gumanti naman ng yakap si
Chloe.

“I’m happy to see you, Lolo.”

“Ang bait mo namang bata. Sandali’t bababa na rin ang Lola Connie mo.” Sakto’t pababa na nga ng hagdan si Tita Connie.

“Xander! Masaya ako’t dumalaw kayo,” bati niya sa ’kin. Tapos napatingin siya kay Chloe.

“Hello po, Lola. Ako po si Chloe,” bibong bati ng anak ko. Namilog ang mga mata ni Tita Connie sabay takip ng bibig.

“Chloe? Ang laki mo na! Payakap nga si Lola,” maluha-luhang
sabi ni Tita. Masayang niyakap ni Chloe ang lola niya. “We’re both pretty, Lola.”

Nagkwentuhan kami pagkatapos. Ang daldal nga ni Chloe, maraming baong kwento. Ang dami rin inihandang merienda ni Tita Connie para sa ’min na ikinatuwa naman ni Ally.

Masaya kaming nagkukwentuhan nang…

“Uhaaaaa! Uhaaaaa!” Iyak ’yon ng baby, ah? Tapos sumulpot ang katulong na kaninang nagbukas sa ’min ng gate. Karga niya ang isang baby.

“Ma’am, ayaw po tumahan ni Ian. Baka po hinahanap na ang
mommy niya,” nag-aalalang sabi ng yaya.

Akin na. Bakit, Ian, apo? Nandito naman si Lola. Tahan ka na.” Kinuha ’to ni Tita at sinayaw-sayaw, pero patuloy pa rin ang pag-iyak ng sanggol.

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon