Part 15

450K 8.1K 513
                                    

Hindi ko malaman kong bakit takam na takam ako sa mansanas with ketchup, samantalang dati naman ay hindi.

Gutom lang talaga ako siguro. Lima pa nga ang naubos ko kanina. Kagigising lang ni Chloe at sinamahan ko siya sa garden
habang kumakain siya ng cookies. Buti’t matalino siya at hindi siya nahirapan tanggapin ang mga bagay-bagay. Kahit hindi siya galing sa ’kin, mahal na mahal ko pa rin ang batang ’to. Sana talaga ’di siya ilayo sa amin ng ina niya. Hinaplos ko ang ulo niya.

“What’s wrong, Mommy?” tanong niya.

“Wala, baby. Tandaan mo, love na love kita.”

“I love you more!” masiglang sagot niya. Tapos tumakbo siya
papasok ng bahay, kukunin niya raw ang toys niya.

“Talagang pumayag kang maging ina sa anak ko? Para
ano, Trisha? Para makuha rin si Xander? Bilib din ako sa ’yo,”
biglang sabi ni Choleen.

“Wala akong dapat ipaliwanag sa ’yo, Choleen. Kusang nahulog ang loob ni Xander sa akin, at hindi ko kasalanan kung
minahal niya ako. Hindi ba’t ikaw ang nang-iwan sa kanila?
Hindi mo masisisi si Xander kung ginusto niyang maghanap
nang magiging ina ng anak mo.” Kabanas ang bibig ng kawangis
na ito, ah!

“Ang sabihin mo, malaki ang pakinabang mo sa lahat ng ito.
Nakahuli ka ng malaking isda. Gwapo na, mayaman pa, kaya
kahit may anak, pumatol ka! Haliparot!”

“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, hindi ako masasaktan
dahil alam ko sa sarili ko na hindi totoo ’yan.” Tumayo na ako para pumasok sa bahay dahil ayoko nang makipag-usap sa kanya. Pero nagulat na lang ako nang hinilahin niya ang buhok ko.

“Malandi ka! Hindi pa tayo tapos mag-usap!”

Pilit kong tinanggal ang kamay niya. Takte, masakit kaya!

“Let go of Mommy!” Nakita kong patakbong lumapit sa amin
si Chloe. “I hate you! You’re mean!” Pinagpapalo niya ang ina niya.

Binitiwan na ako ni Choleen at hinarap niya si Chloe. “No,
baby! Siya ang nang-away sa akin, gumanti lang ako.”

Lalong pumalahaw ng iyak si Chloe. Nagsidatingan na rin
sina Xander at Mommy Sandra.

“No! I saw it! You’re mean. You hurt my mommy!” sigaw ni
Chloe.

Nilapitan ako nina Xander, at si Mommy Sandra naman kay
Chloe. “Are you okay, hon?” tanong sa akin ng asawa ko.

Ang sakit kaya! Pero tumango na lang ako.

Biglang hinigit ni Xander sa braso si Choleen at… “Damn!
What’s this, Choleen?”

“What? Bakit ako agad ang sisihin mo?”

Aba’t nagmamaang-maangan pa talaga siya?!

“She provoked me to hurt her. Kung anu-ano ang sinasabi ng
babaeng ’yan!”

“Isa pa, Choleen. Isa na lang and you won’t have another
chance. Akala mo ba maniniwala kami sa ’yo? Si Chloe na mismo
ang nagsabi,” galit na sabi sa kanya ni Xander.

Hindi ko alam pero bigla na lang sumama ang pakiramdam
ko at nanlabo ang paningin ko. Naaninag ko pang nasa harap ko si Xander, but then everything suddenly went black.

Nagising ako sa puting kapaligiran. Nasa heaven na ba ako?

Pero ang bata ko pa, at kakakasal ko pa lang. Tapos ay bigla na
lang may lumitaw na angel sa harap ko. May kapre rin palang
anghel?! Ang tangkad, e! Teka…

Ay, siopao!

Ang gwapo ko palang asawa!

Nag-aalala ang mga mata niya.

“Hey, kumusta ang pakiramdam mo?”

So, buhay pa ako? Wala pa ako sa langit? “What happened?”
tanong ko. Inglesera na ako ngayon, ’yaan n’yo na.

“Hinimatay ka, hon.”
Hala! Nasobrahan yata ako sa apple o ’di kaya sa sabunot ni
Choleen. Tapos ay may pumasok sa kwarto na babae. Doktor
yata, at may hawak siyang folder.

“Hello. I’m Dok Jerica. Ako ang OB mo, Mrs. Rosales.” In
fairness, ang ganda ng doktor ko.

“Kumusta, Dok? May sakit ba ang asawa ko?” tanong ni
Xander.

“Relax, Mr. Rosales. Walang sakit si Misis. Kaya siya hinimatay kasi she’s three weeks pregnant. Congratulations to the both of you.” Ano raw?

“Talaga, Dok? That’s great news!” sabi ng asawa ko.

Maya-maya pa, nagpaalam na si Dok Jerica. Sabi niya ay hindi
naman daw ganoon kaselan ang pagbubuntis ko. Kailangan
lang talagang maingat ako at inumin ko raw ang vitamins na
inireseta niya para sa ’min ni baby.

“Magkaka-baby na tayo, hon!” Tuwang-tuwa naman si
Xander. Paanong ’di ako mabubuntis, e ang landi ng asawa ko?

Pinupog niya ako ng halik.
Ganito rin kaya siya noong nalaman niyang buntis si
Choleen? I could see that he was happy, at masaya ako para sa
’min. Magkaka-baby na talaga kami? Kaya pala I craved for
apples the other day, at mabilis uminit ang ulo ko lately.

Hinawakan ko ang tiyan ko. “Are you happy?” tanong ko kay
Xander.

“Yes, honey. I’m the happiest man alive. I’m going to be a
father again. Thank you, honey. Sana lalaki naman at kamukha
ko. I’ll name him after me. Junior ko,” sabi niya.

“Para may kakampi na rin ako. Lagi n’yo na lang kasi ako pinagtutulungan ni Chloe, e.” Hinalikan niya ako tapos ang tummy ko.

Kinausap niya pa ’to. “Hi, baby. I’m your daddy, and I love you so much. Paglaki mo, magba-basketball tayo.” Binatukan ko nga siya.

Parang tanga ’to. Malay namin kung babae ’to! Pero napaluha na lang din ako at hinaplos ang ulo niya na nakapatong sa tiyan ko. Kumpleto na rin kami. Masasabi kong pamilya na talaga kami.

Siguradong matutuwa si Chloe
’pag nalaman niyang magkakaroon na siya ng baby brother or sister.

Tinawagan ni Xander si Mommy Sandra para ipaalam sa kanya ang balita. Pauwi na rin naman kami bukas. Actually, pwede na ngayon pero maarte lang talaga ang asawa ko. Para raw makapagpahinga ako nang mabuti.

Hinawakan ko ulit ang tiyan ko at kagaya ni Xander,
kinausap ko ito.

“Hello, anak. Ako ang mommy mo. Salamat, baby, ha? Masaya kami ng daddy mo sa pagdating mo. Aalagaan kita kagaya ng pag-aalaga ko sa Ate Chloe mo. I love you, baby.”

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon