Part 21

427K 6K 825
                                    

Good morning, world! Bati na kami ni Xander. Biyayaan ka ba naman ng ganito kagwapong asawa at mabait pa—bonus na ang pagiging mayaman niya.

Napangiti ako. Tulog na tulog pa rin siya. Bakit ang yummy
niya kasi? Pinaliguan ko tuloy ng halik ang buong mukha niya.

Nagising siyang nakangiti. Waaahhhh! Why so yummy,
honey? Pinanggigilan ko naman ang pisngi niya ng kurot.

“Aray naman, honey. Masakit!” sabi niya sabay hinawakan
ang mukha niya.

“Ay, sorry! Ba’t kasi ang cute-cute mo, honey ko?”

“Ako na yata ang pinaglilihian mo, e. Ayos ’yan para kamukha
ko talaga si baby.”

Pinagkukurot ko ulit siya at kinagat ko pa ang balikat niya.
Nakagigil, e! ’Di rin naman siya nagreklamo.

Pagkabangon ay pinuntahan ko muna si Chloe para tulungan
siyang maghanda for school. Ang yaya niya na muna ang maghahatid sa kanya sa school dahil may check-up ako sa OB ko.

“Baby, be careful sa school, ha? ’Pag may kailangan ka,
puntahan mo lang si Yaya, or call Mommy or Daddy.”

“Yes, Mommy! Behave din po ako. Ingat din po kayo ni baby.”

“Ang bait talaga ni Ate,” sabi ko at saka siya hinalikan.

“Love ko po kasi kayo ni baby.” Niyakap naman niya ang
tummy ko.

“At love ka rin namin, Ate.”
Inihatid ko na siya sa sasakyan, at pinagbilinan naman ni
Xander ang bodyguard ni Chloe.

“O, baby, you call Daddy, ha?” paalala ni Xander kay Chloe.
“At behave ka sa school. Don’t go anywhere without Kuya Mike
and your Yaya Cheryl.”

“Yes, Daddy. I love you!”

“I love you, too, baby,” sagot niya bago siya bumaling sa
bodyguard at yaya ni Chloe.

“Bantayan n’yo siya. ’Wag n’yong hayaang makalapit sa kanya si Choleen.”

“Yes, Sir,” magkasabay na sagot ng dalawa.

“Bye, Mommy, Daddy, and baby!”

“Bye, Ate! Take care.”

Nakaalis na sina Chloe pero parang hindi ako mapanatag
dahil hindi ko siya nasamahan sa school today. But nevertheless, naghanda na rin kami ni Xander sa pagpunta namin sa clinic ni
Dok Jerica.

“Good morning, Dok!” bati ko sa magandang doktora pagdating namin sa clinic niya. Para kasi siyang dyosa na bumaba sa lupa.

“Good morning, Mrs. Rosales, and oh, sa ’yo rin, Mr. Rosales.
Ang sweet mo naman at sinamahan mo pa talaga si Misis.” Ang lapad ng ngiti niya sa asawa ko.

“Syempre naman, Dok. Mahal ko ang mag-ina ko, e.”Ngumiti siya.

“Okay, let’s start your check-up.”

Una niyang tiningnan ang blood pressure ko, tapos ’yong
heart rate naman ni baby. Normal naman daw lahat.

Tinanong din ako ni Dok about my lifestyle and health habits.

Nagbigay siya ng advice para mas maalagaan ko ang pagbubuntis ko.

Si Xander naman ay seryoso ring nakinig. Hindi kaya na-
mesmerize na siya sa beauty ni Dok?

“And about doon sa tinanong ni mister last time kung safe
pa ba ang sexual intercourse, it’s safe as long as everything about your pregnancy is normal. And so far, okay naman at wala
naman akong nakikitang problema.”

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon